Nakaupo ako sa gilid ng kama at magkadikit ang mga daliri ko na nakapatong sa aking kandungan. Pinapanood ko ang aking kamay habang pinaglalaruan.
Si Allister ay nasa upuan sa tapat ko; ang mga siko ay nakatukod sa tuhod. Dinig na dinig ko ang bawat pagbuntong-hininga niya. Umangat ang tingin ko sa kanya nang yumuko siya at hinawakan ang kaniyang ulo; hinahaplos iyon. Ngayon ko lang napansin na may nadali sa bandang cheekbone niya. May band-aid kasi. May iilang gapos din sa braso niya.
Sa tagal namin na ganun ang posisyon namin na walang nag-iimikan ay nabahala ako sa pag-aalala kay mama. Ano na ang nangyari sa kanya?
Iniisip ko kung may nakaaway ba sila mama at papa para gawin nila ito sa kanila. Napakaimposible dahil mabait ang mag-asawa. At sa tagal ng panahon na tumira ako sa kanila ay wala akong narinig na may kaaway sila.
Iniisip ko kung ano ang nagawa kong pagkakamali sa kung sino man simula noong umuwi ako pero wala rin akong alam.
Sabay kami ni Allister na napalingon sa pinto dahil sa pagbukas nito. Siya yung doctor na unang umakto kanina.
Namuo nanaman ang luha ko at parang sasabog na sa kirot na nararamdaman ng dibdib ko nang makitang dismayado ang doctor na pumasok. Tumayo si Allister bilang paggalang pero ako wala nang lakas para tumayo.
"She didn't make it. I'm sorry." buo pero dismayado ang boses ng doctor. Laglag ang panga ko.
Hindi kapani-paniwala. Pero hindi tarantado ang ganitong mga propesyunal kung buhay na ng tao ang pinag-uusapan.
Mama didn't make it? Hindi! Panaginip ito, diba? Nagbibiro lang si doktor. Isang imahinasyon lang ito ng utak ko at kung magigising ako ay unang kong makikita ang maaamong ngiti ni mama.
Ang sakit isiping wala na akong mama na makakapagpasaya ng araw ko. Every word is a dagger in me and I feel nothing but the pain. I lost a reason to survive at the end of the day just to see her warm smile. Kahit hindi ko siya tunay na ina ay minahal niya ako nang husto na tulad ng pagmamahal ng isang tunay na ina. She gave me everything and left nothing for herself just to satisfy my needs... But the painful part here is that, I never got the chance to willingly give back what she had given me.
Humikbi nanaman ako na agad namang dinaluhan ni Allister. Nang maramdaman ko ang init ng katawan niya na yumakap sa akin ay humagulgol na ako.
All her life, all she did was to serve me. Ako'y umasang unti-unti akong makakabawi sa lahat na ibinigay niya sa akin kahit na alam kong hindi ko mababayaran ang kabutihan niya hanggang sa hindi ako managutan ng hininga. Pero dahil lang sa mga salitang iyon, inikot pa niya muli ang takbo ng mundo ko, ang kwento ng buhay ko.
Masiyado nang masakit para sa akin ang nangyari. I won't rest until I find justice for my parents especially for my mother. Once I find the one who did this to the people I love the most, I would send them in hell and let them rot!
"Allister! Oh God! Bakit mo hinayaang mangyari ito?" nanginginig kong sabi.
"I'm sorry, Allyse." pabulong na wika ni Allister na namamaos ang boses. I can feel the muscles in his stomach contract.
Wala na si mama. Wala na siya! Paano na si papa? Matatanggap niya kaya ang pagpanaw ng kanyang asawa?
"Sana ako nalang, Allister! Sana ako nalang!" sigaw ko. Naramdaman ko ang marahan na paghagud niya sa likod ng ulo ko.
"Ssshhh." narinig ko ang pagsinglot niya. Ibinaon ko ang ulo ko sa kanyang dibdib at walang humpay ang paglabas ng luha ko.
Ilang sandali pa ay hinahabol ko na ang bawat paghinga ko. Bahagya kong hinila ang damit ni Allister palapit sa akin.
BINABASA MO ANG
Always and Forever (Allyse Sequel)
RomanceNagbago ang buhay ni Allyse nang malaman niya ang kanyang tunay na pagkatao. Her questions were answered at nagkaroon siya ng katahimikan. Only then she realized that there were things she needs to sacrifice - her former family and her only friend...