"Saan nagpunta si Allister?" tanong ko kay Xavier habang sinusundan ko ng tingin si Allister pabalik sa Supermarket.
Umupo si Xavier sa harapan ko galing counter. Ginutom sa paggogrocery kaya nagpasyang kumain ng meryenda sa Greenwich.
"May pinabili ako. Anong masasabi mo sa suggestion ko kanina?" nakatingin siya sa kanyang cellphone na parang may binabasa doon at may tinitipa.
"Okay rin pero yung trabaho, Xav."
"Can't you support him?" tanong niya at tinaasan ako ng kilay.
"Hindi naman sa hindi ko kayang suportahan siya financially pero baka nga madepress si papa dahil wala siyang kasama." paliwanag ko. Kinagat niya ang labi niya habang nag-iisip.
"Ganito nalang. One of these days, ako ang pupunta ng Ilocos at kakausapin sila Tito Arman at Tita Mila kung may alam silang trabaho na hiring then I will inform you. Okay sa'yo iyon?" ngumiti siya. Tumaas ang gilid ng labi ko.
"Tawagan mo nalang kaya, diba? Makakatipid ka pa sa pamasahe, kuya." ngisi ko. Nababadtrip kasi siya kung tinatawag ko siyang kuya. Masyado daw siyang matanda.
"Ano kaya kung hindi kita tulungan?" nawala ang ngiti sa labi ko.
"Oh sige na, Xav. Tawagan mo nalang." ngumuso ako.
Tumawa siya bago may nidial sa phone niya.
"Hello, Tito Arman... Opo, tito... Noong isang linggo pa po... Uhm, I just want to ask kung may alam ka ba pong hiring na trabaho diyan sa Ilocos... Si Tito Eric po, yung papa ni Allyse... Mahabang kuwento kasi tito, e..." tumaas ang dalawang kilay niya.
"Sigurado kayo, tito?... Fort Ilocandia? Diba malapit iyan sa Hanalei Heights?... Ay, 15 minutes drive... Opo, sure po. Sasabihin ko kay Allyse... Sige po... Bye!" binaba niya ang phone at tumingin sa aking nakangiti.
"Ano?" tanong ko.
"Doon sa farm nila sa tabi ng Fort Ilocandia. May available daw na job doon." napangiti ako.
"Really? Okay. Deal. Sa Ilocos. Pero please, Xav, tulungan mo ako sa bahay." kagat ko sa labi.
"Sure." nagkibit balikat siya na parang ang dali lang para sa kanyang sumang-ayon sa malaking bagay na iyon.
"Yung totoo kasi a." tinagilid ko ang ulo ko.
"I'm serious. Okay?" tinaasan ako ng kilay.
"Okay then! Next month, sa Ilocos tayo." ngisi ko.
Napatalon ako nang may padarag na ipinatong na plastic. Nakita ko si Allister na matalim akong tinignan habang umuupo sa tabi ko. Umusog ako nang kaonti para makaupo siya nang mabuti.
"Paano kung nandoon pa si Shane, Allyse?" seryosong tanong ni Allister.
"Bro, wala na sila sa May. Before April ends, luluwas na sila papuntang US. Besides, our family is there so there's no way she can't go back in Ilocos. Come on, bro, don't be too possessive of my little sister." ngumisi si Xavier at ngumiwi.
Dumating ang order namin. Tig-isa kaming lasagna at isang order ng pizza. Naglagay din ang waitress ng tatlong baso ng iced tea at tubig pagkatapos ay kinuha ang table number namin.
Hindi nalang ako nagsalita dahil ramdam kong tensyonado si Allister. Tahimik lang kaming kumain pagkatapos ay bumalik kami ng ospital.
Isinaayos ko ang mga prutas, fresh milk, at tubig sa side table. Inayos ko na rin ang mga gamot na iinumin ni papa doon.
BINABASA MO ANG
Always and Forever (Allyse Sequel)
RomanceNagbago ang buhay ni Allyse nang malaman niya ang kanyang tunay na pagkatao. Her questions were answered at nagkaroon siya ng katahimikan. Only then she realized that there were things she needs to sacrifice - her former family and her only friend...