This is the last chapter of "The Broken Vinyl's Beat" in Ar. Sierra Serafina del Prado's point of view. Kung nakaabot ka hanggang dito, maraming salamat sa pagbabasa ng kwento ni Santi at Rafi.
This is the first story that I've ever finished writing dahil ang iba, kung hindi ako nawawalan ng will na isulat, eh hindi naman ako nasasatisfy sa takbo ng story. So ang ending ay inaunpublish ko sila. 😂 Sorry for those I story-ghosted. 😭
May epilogue/wakas pa after this (in the point of view of Engr. Santiago Armendarez).
May we all find the love that we deserve. May we learn how to forgive, but not forget the struggles that we had—for the struggles and the hardships have helped us on becoming who we are today.
✨
Kabanata 38
Memories
I spent my whole week with Mama. Hindi na ako nahiya nang manghingi ng isang linggong leave sa trabaho. Sa totoo lang, hindi sapat ang isang linggo to compensate with the years that my mama and I are not together.I'm glad that my leave was approved. Well, perks of being the boss's sister, I think?
Si Mama ang parating nagluluto ng pagkain namin. She said that she missed cooking for her family. Hindi ko na nga matandaan kung kailan ang huling beses na ipinagluto niya kami...
"Walang kupas," ani Mameng nang tikman ang mechadong kaluluto lang.
Mama smiled and glanced at me. I reached for her hand and squeezed it.
"Kaya mahal na mahal ni Papa, eh," I teased.
Umiling lang siya sa akin at binalingan si Mameng, namumula ang mga pisngi. I softly chuckled.
Come to think of it, I have never seen this side of my mama.
Growing up, I saw the powerful and strong Constancia del Prado. She graces everything she does, and coldness was always in her aura. She smiles before, pero hindi kagaya ng ganito. Her smiles these days can actually brighten your day. It can literally erase any pain.
And then I realized that this is the Constancia del Prado who caught the eyes of my papa way back in their days. This is the version of herself which was jailed up because of the circumstances she went through.
Siguro kung isa ako sa mga taong nakapaligid sa kanila noon, gugustuhin ko rin siyang maging kaibigan. There is something in her which attracts people to her.
"Ako na po, Madame..." si Sorseng nang makita si Mama na inuumpisahan nang urungan ang mga ginamit sa pagluluto.
My mama shook her head and smiled at her. "Ako na... Kaya ko naman," sagot niya.
Abe and Inday who are watching at the far end of the kitchen gasped.
"Hala, alam ko na kung saan nagmana si Senyorita!" ani Abe habang ang mga palad ay nasa kanyang mga pisngi.
Napangiti ako.
I'm Constancia del Prado 2.0.
My brothers also spent the whole week in the mansion. Pati si Ziara at ang kaniyang mommy ay sa mansyon tumira sa loob ng isang linggo. Kahit hindi naman namin napag-usapan ay pareparehas kami ng naging desisyon.
"Kumusta ang nililigawan mo, Ish?" Mama asked while we're eating our lunch.
Kuya Ish choked from the water he was drinking. Imbis na mag-alala ay tinawanan siya ni Kuya Ice. Kuya Ish glared at him but our eldest wasn't fazed at all.
"Answer Mama, Ishmael," Kuya Ice said teasingly.
Umismid si Kuya Ish at binaling si Mama. "Wala po akong nililigawan, 'Ma," aniya.
BINABASA MO ANG
The Broken Vinyl's Beat (Casa Nueva Series #1)
Teen Fiction"Why does a heart that love hopes?" Sierra Serafina del Prado is beauty and elegance. She is always prim and proper, but she always loses her poise and control when the annoying Santiago Armendarez is in the picture. Sa muling pagbabalik sa Casa N...