Kabanata 16

168 8 4
                                    

Kabanata 16
Bride


That's one of my treasured memories in Casa Nueva. One of those I won't ever get tired of remembering and visiting...

On our last year in senior high school, we became very busy. But we were always together.

Maybe that's one of the perks of being classmates, huh?

Kung may mga libre kaming pagkakataon, we spend time in Dupinga River, just enjoying the peacefulness the place brings while his arms are caging me.

"Mukha kang tanga d'yan kakangiti, Serafina. Feeling mo ikaw ang nagpaaral kay Santi, ah?" kumento ni Breanna habang nagpapractice kami para sa aming graduation.

Santi is our class valedictorian. He's the only one who got the highest honors. Halos hakutin niya nga ang lahat ng awards, eh.

Well, everyone expected that. He's very studious and very active in sports. And to think that he's also working during the weekends in our hacienda screams something. Not everyone can do that.

"Armendarez, Santiago V., with highest honors..."

I clapped my hands as I saw him marching in the aisle. That's my Santi right there!

Matapos ang practice ay napagpasyahan na naming maghiwahiwalay. Today's our final rehearsal for our graduation.

Si Breanna ay maagang umuwi dahil may pinaaasikaso raw sa kanya si Tito sa rice mill. Pinapaaral na kasi sa kanya ang pasikot-sikot doon dahil balang-araw, siya ang mamamahala roon.

Rey went home early as well. Hindi na niya nasabi ang dahilan dahil sa pagmamadali. Si Malia naman ay sumama sa iba naming kaklaseng magpupunta raw sa tiangge para bumili ng accessories nila para sa graduation.

Kaya kami lang ni Santi ang naiwang nakatambay sa bleachers habang pinagmamasdan ang ibang estudyante ng CNC sa malaking oval.

Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin. I smiled. Parang kailan lang inis na inis ako sa kanya, pero ngayon mahal na mahal ko na.

Higit isang taon na ang lumipas nang ibigay niya sa akin ang kwintas. At simula nang ibinigay niya sa akin iyon, parati ko na 'yong isinusuot.

Many were actually intrigued with the teardrop pendant of my necklace. They were fascinated with the intricate carvings of my necklace. At tuwing tinatanong nila kung saan ko nabili iyon, mas lalo silang namamangha kapag sinasabi kong si Santi ang may bigay at gumawa ng kwintas na 'yon.

My necklace became a fashion statement in Casa Nueva Colleges. Kahit ang mga nasa college department ay nag-umpisa na rin noong maghanap ng kagaya ng kwintas ko.

My brothers also liked him. Kahit pa naman noong una ay gusto na nila si Santi. Maybe they saw potentials in him. Siguro nakitaan nila si Santi ng sipag at tiyaga na magiging puhunan niya sa buhay.

Hindi nila pinahirapan si Santi kagaya ng parati nilang itinatatak noon sa isipan ko. Maybe because they already know him. But there were times wherein Kuya Ice would look at him with his lethal eyes. Si Kuya Ish naman ay minsan pabiro siyang pinagsasabihan na hindi raw ako pwedeng magboyfriend hanggang hindi pa ako nakakatapos ng college!

Kaya lang hindi ko pa siya naipapakilala kay Mama at Papa. How should I introduce him? Mama, Papa, si Santi po... kaibigan ko?

We never really talked about our relationship. And I'm okay with that.

Ayos na ako sa parati kaming magkasama. Ayos na ako tuwing inaalagaan niya ako at ipinapakita ang aking importansya. Gano'n din ako sa kanya.

Ang importante naman ay mahal namin ang isa't isa. But everyone believes that we are something—that we are together.

The Broken Vinyl's Beat (Casa Nueva Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon