Kabanata 12

157 10 2
                                    

Kabanata 12
Unfair


Mariin akong napapikit at napasabunot sa buhok. That man! He's so annoying! May sakit na nga siya, ayaw pa niyang padala sa doktor para matingnan siya!

Mabilis akong nagmartsa papasok ng bahay, leaving Rey in our garden. Nang makarating ako sa living area, wala na roon si Karlota at si Lola. She probably took her to their room. Wala rin si Papa at Mama sa first floor, they are probably talking until now. Si Mameng lang ang nakita ko.

"Mameng, please tell Mama and Papa that I'll be going to a friend's house."

Itinigil niya ang pagliligpit ng mga gamit sa kusina at ibinilin iyon sa isang kasambahay. "Umalis si Constancia at Arnaldo."

"Oh! Where were they headed to, Mameng?"

"Hindi ko alam, hija, ngunit mukhang may hindi pagkakaintindihan. Naunang umalis si  Constancia at sinundan naman ni Arnaldo..."

Iyon ba ang narinig ko kanina? I hope they'll patch things up. I never heard Papa talk like that. Parang ang tagal niyang kinimkim ang sama ng loob niya.

Tumango na lang ako. I'll just text them, then. Kuya Isaiah is in Singapore, attending an international convention. Si Kuya Ishmael naman ay nasa Manila, pinag-aaralan ang chains of restaurants ni Mama. He is to lead it in the future.

I went to the cabinet where we store our supplies. Kinuha ko ang kit kung nasaan ang ilang gamot at thermometer. I also got my wallet for the things I'll ask Mang Ambo to buy later. Hindi ko kasi alam kung may supply ba ng pagkain si Santi sa bahay niya.

Nang madaan ako sa kwarto nila Lolo at Lola ay sumilip ako. Lolo saw me and invited me inside.

"Can I use one of the cars, Lolo? I just need to visit a friend... May sakit po kasi siya at hinahanap daw po ako."

Lolo smiled softly. "Sige, nieta. Tawagin mo si Ambo para masamahan ka."

Niyakap ko si Lolo at nagpasalamat na. Lola is sleeping while Lolo is looking after her. Kita ko ang pagmamahal sa mga mata niya habang pinagmamasdan ang natutulog kong abuela.

Binalikan ko si Rey sa hardin, dala na ang mga kinuhang gamit. Nakatayo pa rin siya kung saan ko siya iniwan, hindi pa rin mapakali.

Naglakad kami patungo sa garahe. Dala ni Rey ang motor niya kaya hindi na raw siya sasabay sa sasakyan namin. Nagpahatid lang ako kay Mang Ambo. I told him I'll just send him a text message if I want to be fetched up. Ayaw ko naman siyang pag-intayin kina Santi at baka kailanganin siya sa mansyon.

Sa buong byahe, mabilis ang tibok ng puso ko. This would be the first time in weeks na makikita ko si Santi. I've been avoiding him for so long. Hindi ko kasi alam kung paano ko siya pakikitunguhan ngayon na alam ko na kung ano ang hindi ko mapangalanang pakiramdam sa kanya noon.

Also, I'm really worried about him. Sa pagmamadali kanina, hindi ko na naitanong kay Rey kung pinainom na ba niya ng gamot si Santi o kung bumaba na ba ang lagnat nito. I also informed my family that I'll be going to a friend's house, just like what I told Mameng.

Walang pag-aalinlangan akong pumasok sa bahay ni Santi. Rey led me to his bedroom and there, I saw him. He's sleeping when I entered his bedroom. Hindi ko na nagawang ikutin ang kabuuan nito dahil napagko ang tingin ko sa namumutlang si Santi. Balot ng makapal na kumot ang kanyang katawan, inuubo habang tulog.

I never thought I'd see him this way. Dahan-dahan akong lumapit at inilapat ang likod ng aking palad sa kanyang noo. Halos mapasigaw ako sa pagkapaso sa init nito. Inaapoy siya ng lagnat!

Lumabas ako ng kwarto at humanap ng palanggana at nilagyan iyon ng tubig. Nakasunod lang sa akin si Rey, hindi alam kung ano ang gagawin.

"Kailan pa siya nilalagnat?" I asked in my calm voice kahit na sa totoo lang ay malayo ako sa kalmado dahil sa kondisyon ni Santi.

The Broken Vinyl's Beat (Casa Nueva Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon