Kabanata 4

212 10 3
                                    

Kabanata 4
Humaling


The rest of the day, puro introduction lang ang ginawa namin. Nagbigay rin ng information sa amin ang teachers regarding the subjects we'll be tackling this semester. Some asked us to bring our index cards and photos pasted on it with our names and section on our next meeting which will be on Wednesday. They also told us that we'll be having reportings which earned a loud groan from the class.

"Why the hell are you following me like you're some lost puppy I just found?!" asik ko nang maramdamang sinusundan pa rin ako ni Santi nang mag-lunch break the following day.

Tulad kahapon ay puros introductions lang at konting discussions about the subjects ang nangyari kanina. I bet ganoon din mamayang hapon.

Huminto ako sa tapat ng bakanteng table sa canteen, may apat na upuan. 'Yon na lang ang natatanging bakante sa dami ng mga estudyanteng sabay-sabay na nagtatanghalian.

A ghost of a smile is on his lips. "Senyorita Rafi, hindi kita sinusundan. Parehas lang tayo ng pupuntahan... Dito sa canteen. At mapapalayo naman ako kung iikot pa ako sa campus kung pwede naman akong dumiretso patungo rito, hindi ba?"

Medyo napahiya ako. Elegance, Sierra Serafina! Keep your head up and pretend you didn't hear that sarcasm.

Hindi ko siya pinansin at naupo na ako. Inilapag ko ang lunch bag ko sa table at inumpisahan nang ilabas ang lunch ko na ipinadala ni Mameng sa driver kanina.

Napataas ako ng kilay nang mapansing ganoon din ang ginawa ni Santi. Sa tapat kong silya siya umupo at inayos ang baon niya sa lamesa. Marahil ay naramdaman niya ang talim ng titig ko kaya naman napaangat sa akin ang paningin niya. He smiled, like of a boy-next-door one.

Pa-charming! Hindi naman charming!

Itinaas niya ang isang square container na naglalaman ng kanin. "Kain na tayo... Wala nang ibang upuan kaya rito na ako. Do you have the heart to throw me out of this table and let me eat outside under the scorching sun?"

Umirap ako.

"Hey!" Breanna popped out from nowhere.

Napabaling ako sa kaniya nang umupo siya sa tabi ko at inilapag ang tray ng pagkain sa table. Ibinaba ko sa lapag ang lunch bag ko.

"I didn't know that you have company for lunch?" May pang-aasar sa tono niya. She glanced at me playfully then at Santi. "Hi, Santi!"

Bumati rin pabalik ang asungot.

"Close na kayo nitong si Serafina? Ang sungit, ano?" Tumawa siya.

"Oo, masungit..." he playfully said. I glared at him and he chuckled. "Pero maganda... Magandang masungit."

Tumili si Breanna na naging dahilan kung bakit pinagtinginan kami ng ibang estudyante sa mga kalapit na table.

"Don't mind me, folks! Kinilig lang ako!" she happily announced. Nasapo ko ang noo ko. How many embarassments should I endure in my life?

'Di pa ako nakakabawi sa eksena ni Breanna ay siya namang pagdating ni Reymundo.

"Grabe! Ang haba ng pila!" He said then sat beside Santi. "Pasabay kumain, Senyorita," he beamed at me. "Uy! Nariyan ka pala, Breanna!" aniya nang makita sa tapat niya ang kaibigan ko.

"Hindi, hologram ko lang ito, Rey," sabi niya sabay irap.

Hmm... I smell some bad blood here...

On our last class, 21st Century Literature from the Philippines and the World, our teacher—Mrs. Bundoc—asked us to form a group consisting of four members. Ipinasulat na rin niya sa one-fourth ang pangalan ng mga magkakagrupo.

The Broken Vinyl's Beat (Casa Nueva Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon