This is the epilogue of "The Broken Vinyl's Beat". Thank you so much for reaching this far. This is the end of my first story in the Casa Nueva Series. Sana minahal niyo rin si Santi at Rafi kagaya ng pagmamahal ko sa kanilang dalawa.
Now, I can finally say that I made it. Nakatapos na rin ako ng isang istorya! 💓
Kita-kits sa Kissing the Stars (Casa Nueva Series #2)! 🤗
✨
Wakas
"Gabi na po. Bakit narito pa po kayo?"
Mula sa pagkakainip sa paghihintay kay Rey na nasa loob pa ng pamilihang bayan, nabaling ang atensyon ko sa isang matamis na boses. It's soft and sweet. Like a voice of an angel singing a lullaby to you so you could sleep well at night. Hinanap kaagad ng mga mata ko ang pinanggalingan ng tinig at nakita ko ang isang nakatalikod na babae.
She has a straight and shoulder-length hair. Nakasuot siya ng isang puting coat sa ibabaw ng pulang bestida. Parang anghel talaga. Kinakausap niya ang mag-inang pulubi na kung tutuusin ay pinandidirihan ng halos lahat ng mga kaedaran kong babae.
"It's almost midnight..." puno ng pag-aalala ang boses niya. "You shouldn't be staying this late. Baka mapahamak po kayo. At baka magkasakit ang baby..."
Hindi ko alam kung bakit pero parang may pwersang humahatak sa akin palapit sa babaeng hindi ko naman kilala. Kung tutuusin, hindi ko naman ugaling lumapit sa isang estranghera. Pero hindi ko alam kung bakit parang may sariling buhay ang mga paa ko at ayaw magpapigil sa paglakad palapit sa kanya.
I was only a few steps away from her when I saw her face. Parang tumigil ang mundo ko nang makita ko kung ano ang itsura ng babaeng may malaanghel na boses.
Beautiful is an understatement. And I think it would be an insult if I'm just going to call her 'beautiful'. Kung may salita mang mas higit pa roon, iyon ang nababagay sa babaeng ito...
Kasabay ng pag-ihip ng hangin ang pagsayaw ng maikli niyang buhok. Her eyes twinkled when she saw the baby reaching for her fingers. Kung ibang babae ito ay paniguradong pinandirihan na ang mag-ina. But this girl is different. Parang walang kaarte-arte sa katawan kung makisalamuha sa mag-ina. Hindi niya batid kung gaano kadumi ang kamay na hinahawakan niya.
"Wala po ba kayong matitirhan?"
Umiling ang babaeng pulubi. "Wala, ganda. Malayo pa rito ang probinsya namin..."
"Kung gano'n, bakit po kayo narito sa Casa Nueva?"
"Nagbabakasali ng magandang buhay..." pinilit ng pulubing ngumiti. Pero alam kong mahirap.
Hindi ko siya kilala nang personal kahit na madalas ko siyang makita rito sa palengkeng nanghihingi ng tulong. May mga pagkakataong inaabutan ko siya ng tulong pero sa mabilisang paraan lang kaya naman hindi ko na ito natatanong ng mga bagay-bagay kagaya na lang ng ginagawa ng estranghera.
Pinagmasdan kong mabuti ang estranghera. Hindi ko alam kung paano siya napadpad dito sa bayan namin. At alam kong hindi siya taga rito. Dito na ako lumaki. At lahat ng taga rito ay kilala ko. Maliban sa babaeng ito...
Taga rito ba siya? Dayuhan? O huminto lang saglit dito sa Casa Nueva at tutulak din patungo sa kabilang bayan?
Nagulat ako nang makitang hinubad ng babae ang suot-suot nitong coat, leaving her with a red puff-sleeved dress. Sa tingin pa lang, alam ko nang mahal iyon. Kaya mas ikinagulat ko nang ilapat niya iyon sa magkabilang balikat ng inang pulubi. Kita ko rin ang gulat at mabilis na pamamasa ng mga mata nito. Para kasing walang pakealam ang babae sa halaga ng gamit na ibinibigay nito!
BINABASA MO ANG
The Broken Vinyl's Beat (Casa Nueva Series #1)
Teen Fiction"Why does a heart that love hopes?" Sierra Serafina del Prado is beauty and elegance. She is always prim and proper, but she always loses her poise and control when the annoying Santiago Armendarez is in the picture. Sa muling pagbabalik sa Casa N...