Kabanata 15

183 8 11
                                    

Kabanata 13
Valentine's


I am Sierra Serafina del Prado. I don't fall easily, but when I do, I fall hard—deep-rooted—to the point that I can no longer get up.

Dumating si Rey at Malia sa oras na napagkasunduan ng araw na iyon. I acted like nothing happened when the two weren't around. I was still contemplating. I asked myself then if it was really real or what. Maybe I was just dreaming? But no. It was real. He kissed me. And I kissed him back.

Santi, however, was extra caring. He's just there beside me. Kung aalis man ay para ikuha ako ng makakain o maiinom. Kaya naman nang napansin iyon ni Malia ay inasar na naman kaming dalawa.

"Santi, kami rin ni Rey gusto namin ng pagkain!"

Tumawa si Santi habang inilalapag sa lamesa ang orange juice at ang turon na siyang gumawa kanina. I pursed my lips, stifling a growing smile.

"Kaya niyo nang kumuha sa kusina ni Rey!"

"Ang ingay mo, Malia," reklamo ni Rey na abala sa pagbabasa ng kanyang reviewer. Kanina pa kami nagrereview. May dalawang oras na siguro.

"Hmp! Ang bitter mo naman, Rey! Bakit? Break na kayo, 'no?" Siya naman ang napagdiskitahan ni Malia.

Nagsalubong ang mga kilay ni Rey at ibinaling kay Malia ang mga mata. "What are you talking about? Nabubuwang ka na ba?"

She rolled her eyes and started writing something on her reviewer. "Break na siguro kayo kaya ka ganyan," bulong pa niya.

I bit my lower lip because if I won't, I'd probably laugh so hard. They look cute while quarreling.

Napatuwid ako ng upo nang maramdaman ang palad ni Santi sa aking hita. Napatingin tuloy ako roon. Pero hindi siya nag-abalang tanggalin iyon doon...

"Kumain ka na. Kanina ka pa abala riyan..."

I nodded and did what he said. Ilang oras pa ang itinagal namin sa bahay ni Santi bago kami nagpaalam sa isa't isa. Ang akala ko nga ay siya ang maghahatid sa akin sa mansyon pero nang makita ko si Mang Ambo na nag-aabang sa labas ng aming Wrangler ay parang nadismaya ako.

"Text me when you're home," Santi said when he opened the door for me.

"Okay."

Namilog ang mga mata ko nang abutin niya ang kamay ko at hagkan ang likod ng aking palad. Nanuyo ang lalamunan ko. "Mag-ingat ka, Rafi."

Nang isara niya ang pinto ng sasakyan, doon ko lang natanto na pigil na pigil ko pala ang hininga ko sa tagpong iyon.

So, that's what I did. I texted him when I got home. Hindi ko na nagawang i-check ang phone ko matapos mag-shower because I got so drained from taking the exams a while ago and from reviewing for our last exams tomorrow.

Our exams the following day weren't really hard. Kung ako ang tatanungin, ang mga iyon ang pinakamadali sa lahat. My friends also thought of the same thing. They are a hundred percent sure that we are going to pass our exams. Kaya naman to celebrate, nagyaya sila sa labas ng CNC para bumili ng streetfood kay Manong Vendor.

"Excited na ako para bukas! Sino kaya sa mga crush ko ang pakakasalan ko sa marriage booth?" si Malia matapos kainin ang kanyang fishballs.

Natawa si Santi at si Rey. Napangisi naman ako. She has a lot of crushes, alright. Ang sabi nga niya sa akin noon ay isa lamang si Rey sa mga iyon. May sampo pa raw siyang crush!

"At saka may spoken poetry raw bukas. Hmm... Si Maeve ba ang representative natin doon?"

"Oo," si Rey ang sumagot.

The Broken Vinyl's Beat (Casa Nueva Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon