Kabanata 17
Belong
"Oh? Himala at hindi mo yata kasama si Santi?" tanong ni Breanna nang dalawin niya ako sa mansyon, isang Sabado ng July. Sa Maynila siya nag-aaral at sa August pa ang pasukan nila.Ipinagpatuloy ko ang pagguhit ko sa plates ko. Sa susunod na linggo na ang deadline nito. Sa sobrang dami kasi ng requirements sa school, halos hindi na ako magkanda-ugaga sa mga gagawin ko. Hindi ko na alam kung ano ba ang uunahin ko dahil sabay-sabay ang mga deadline no'n!
I pursed my lips. "Santi is a bit busy and so am I, Breanna..."
"Sus!" Sumalampak siya sa aking settee na katapat ng drawing table ko. "Baka nambababae na iyang si Santiago, ha? Naku! Ako ang unang mananakit sa kanya kapag ginawa niya iyon sa'yo!"
Natawa ako. "Hindi gano'n si Santi, Brea," I defended him. "I understand that there would really be times that we won't see each other because of our very busy schedules."
Umirap siya. "I never thought you can handle relationships maturely."
"Whatever, Breanna!"
Humalakhak siya. "Ay, sorry! Wala pala kayong label, besh!"
Matalim ko siyang tinitigan kaya naman mas humagalpak siya ng tawa. "I don't need labels, Brea. Santi is fine with me."
"Eh, paano pala kung makahanap ng iba iyong mokong na 'yon? Ang dami pa namang nagkakagusto ro'n dahil bukod sa matalino, sobrang gwapo pa!" she exclaimed.
"They won't make a move. Everyone believes that we are in a relationship."
Nagtaas siya ng kilay at pumangalumbaba. "Eh, paano kung may mangahas pala? Anong laban mo?" She smirked. "Eh, hindi ka naman girlfriend?"
Nairita ako sa ngiting-aso ni Breanna. Hinawakan ko ang pencil case ko at ibinalibag sa kanya. Tawa siya nang tawa!
"Hindi ka pa rin nagbabago, Serafina! Si Santi pa rin ang dahilan ng pagkawala ng poise mo!" Humagalpak siya.
I rolled my eyes on her and continued what I was doing before she came here in my room. I need peace and quiet so I can get myself to focus on my plates, but I won't get any because Breanna Louise dela Vega is here in my room! She just won't shut her mouth up! Napakadaldal! At napakamapang-asar pa!
Nang matapos ako sa isang plate ay naabutan ko siyang nakatingin sa akin at mukhang malalim ang iniisip. I raised my brow on her and she took that as a cue to talk again. I sighed heavily and rolled my eyes.
"I heard something from Rey..."
I arched my brow. "Rey, huh?" playfulness was etched on my tone. "Going strong, ah?"
She groaned and rolled her eyes exaggeratedly. "Ugh! Nakakainis ka! We're not even a thing, shut up!"
Humalakhak ako. Ngayon alam na niya kung ano ang pakiramdam ko tuwing inaasar niya ako.
"I was just asking. When you left Casa Nueva for Manila you seem to have a good relationship with each other. Gone were the days of cats and dogs... o bumalik ba sa Manila?"
Matalim niya akong tinitigan. Humalukipkip siya at bumusangot. I smirked.
"Nakakainis iyong si Rey! Tuwing may makikipagkilala sa aking gwapo sa university, hinaharang! Hindi tuloy ako magkaroon ng boyfriend doon! Ang akala ng lahat, boyfriend ko siya!"
Tumango ako. Ah, magaling mambakod...
I smirked. Isn't that what's Santi's doing with me? Nga lang, we have our mutual understanding. Alam naming pareho kung ano ba ang nararamdaman namin para sa isa't isa. At alam naming espesyal ang turingan naming dalawa.
BINABASA MO ANG
The Broken Vinyl's Beat (Casa Nueva Series #1)
أدب المراهقين"Why does a heart that love hopes?" Sierra Serafina del Prado is beauty and elegance. She is always prim and proper, but she always loses her poise and control when the annoying Santiago Armendarez is in the picture. Sa muling pagbabalik sa Casa N...