Kabanata 3

221 12 0
                                    

Kabanata 3
California Girl


Mabilis at mabigat ang naging paghinga ko. Mariin din akong napapikit. All the people here saw what just happened!

Nag-init ang mga pisngi ko at mabilis iyong kumalat sa mukha ko hanggang sa leeg. It's so embarassing!

"S-Senyorita..." Inabot sa akin ni Manong ang kanyang panyo.

I raised my finger, signalling him that I don't need it as of now.

From my dress, my eyes looked for the reason why it's ruined. I threw him daggers with my glare.

The man was just standing there, lips are parted like he was so shocked at what happened. Nang makitang pinapatay ko na siya sa titig ko ay mukha siyang nagising sa mahimbing na pagkakatulog.

"Santi, gago ka!"

"Humingi ka ng dispensa sa senyorita!"

Kumunot ang noo ko. Why are they calling me 'senyorita'?

Nang balingin ko ang dalawang naunang tumatakbo kanina ay napagtanto kong sila iyong mga nakita ko sa maliit na salu-salo noon. At ang lalaking nakatulala sa akin kanina ay kasama nila nang gabing iyon.

"Senyorita..." a low baritone voice filled my ears.

I furrowed my brows more. Parang narinig ko na ang boses na ito... Hindi ko lang matandaan kung saan.

"Pasensya na, pero sa tingin ko ay parehas tayong may kasalanan sa nangyari. Kung naging mapagmatyag sana ako sa paligid ko habang kausap ang mga kaibigan, naiwasan sana kita nang paparating ka. Kung tumitingin ka rin sana sa dinaraanan mo, hindi matatapon sa'yo ang milkshake mo. Kaya pasensya na, Senyorita..."

Nag-init ang ulo ko sa narinig. I know I am at fault but the way he said it calmly while I'm fuming mad just heightened my irritation towards him! He's like preaching me!

"Tarantado ka, Santi, itikom mo na lang 'yang bunganga mo!" sabi ng isa niyang kasamahan.

Hindi niya inalis ang mga mata sa akin. His eyes are apologetic.

"Ako na lang ang maglalaba ng damit niyo, Senyorita. Kaya kong ibalik iyan sa dating kulay..."

Umismid ako. "I'd rather let our house helper do the laundry... Baka masira mo pa!"

"Kaya kong labhan yan, Senyorita—"

Pero hindi ko na tinapos ang sinasabi niya. Tumalikod na ako at nagtungo na sa sasakyan. Mabilis na pinatunog iyon ni Manong at pinagbuksan ako ng pinto sa backseat.

Buong byahe, mainit ang ulo ko. I feel so dirty! That Santi is so annoying! I hate him! Because of him, I was embarassed and my dress is ruined!

"Dios mio! Anong nangyari sa'yong bata ka?!" Nataranta si Mameng nang nakita ang itsura ko. Hawak niya ang magkabilang braso ko.

"Just an unlucky incident, Mameng..." I coldy said. "I'll take a hot shower upstairs. Please tell one of the house helpers na rin po to buy some binder and ballpens sa Sentro. Hindi po ako nakabili kanina..."

"O, sige, sige. Bukas din ay uutusan ko si Sorseng para mamili ng kakailanganin mo sa eskwela."

"Thank you, Mameng..."

After taking a hot shower, I felt a little better. Kinwento ko rin kay Breanna ang nangyari.

"Geez, that's so embarassing!"

The Broken Vinyl's Beat (Casa Nueva Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon