Kabanata 5

185 13 0
                                    

Kabanata 5
Kasama


Naiwan ako roon nang nakatulala. I don't know why but everything about Santi annoys the hell out of me. I lose my poise when he's around. He always makes me angry and irritated. Kagaya na lang ngayon.

Kasama na siya ng mga kaibigan niya sa kabalyerisa. Inilabas niya si Nox, iyong itim na kabayo. Huminto sila sa paglalakad nang makalapit na sa akin.

"Ang sabi ni Sir Isaiah gusto mo raw matutong mangabayo?" He playfully arched his brow.

"So?"

He chuckled. Mariin siyang napapikit. Yumuko siya ng bahagya at hinaplos ang batok, mukhang namomroblema. "Grabe, ang sungit," he whispered.

I raised my brow and crossed my arms on my chest. "What did you say?" pagtataray ko.

"Ang sabi ko, ang sungit mo, Senyorita. Kaya lahat ay takot sa'yo, eh... Magbihis ka na at tuturuan kitang mangabayo."

"Why would you do that?"

"Nasabi sa akin ni Sir Isaiah na nais mo raw matuto. Tuwing Sabado o Linggo ka raw magpapaturo. Sakto at ako ang nag-aalaga sa mga kabayo ng mga gano'ng araw."

"And what made you think that I actually want you to teach me how to horseback?"

Ngumisi siya. "Walang may gustong magturo, ang suplada mo kasi," diretso niyang sabi.

"O, bakit mo tinanggap?"

Bigla siyang natahimik. He just looked at me, and eventually looked away. As the silence stretched between us, he licked his lower lip. Pagkuwa'y umiling at ngumisi. Nagkibit balikat siya.

Hindi ako pumayag. Ang sabi ko'y kakausapin ko si Kuya Isaiah regarding that. What he said can't be true! Wala naman sigurong tauhang tumanggi na turuan ako.

Kaya kinagabihan matapos ang hapunan ay pumunta ako sa study kung nasaan si Kuya Ice, abala sa kanyang laptop. Nang maramdamang nasa study ako ay itinigil niya ang ginagawa at itinaas ang mga mata sa akin.

"Yes, baby?"

Naglakad ako palapit sa table niya at umupo sa wooden chair sa harap niya. "Is it true, Kuya?"

Kumunot ang noo niya. "What?"

"Na tumanggi ang mga trabahanteng turuan akong mangabayo?" I was a bit hesitant. Nakakahiyang tinatanong ko pa ito kay Kuya Ice. Paano na lang kung niloloko lang ako ni Santi?

At bakit hindi sila papayag na turuan ako?

Tinitigan ako ni Kuya. Matagal. Weighing if I am serious in my question or not. Pagkatapos ay ngumisi siya.

"What do you think?" He raised his brow. Hinayaan niya ring bumagsak sa sandalan ng upuan ang kanyang likod.

My eyebrows met. I don't know... Santi's words cannot be true...

"It's actually true," he said seriously that made me shot him a glare. "Masyado silang natatakot sa'yo."

"I am just sixteen and I don't even have a post in the hacienda!"

"Exactly! At natatakot sila sa'yo. Pati ang mga kasambahay... You got the air of Mama, Serafina. You might look like Lola Margarita, but your eyes are as cold as Mama's."

"Eh, bakit si Santi pa ang magtuturo sa akin, kung gano'n?"

He smirked. "He's the only one who accepted the job. Mukhang siya lang ang hindi takot sa'yo."

I rolled my eyes. That annoying guy! He just wants to piss me off that's why he accepted the job! Bukod pa roon, baka may additional payment pa si Kuya sa kanya dahil tuturuan niya akong mangabayo.

The Broken Vinyl's Beat (Casa Nueva Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon