Kabanata 2
Ruined
Bumaba rin si Lolo kalaunan. Kaso hindi na siya sumali sa hapag. Aniya'y katatapos lang nilang maghapunan ni Lola sa komedor, at hinintay munang mahimbing si Lola bago siya bumaba rito. Oh, sweet love."Hindi sa lahat ng pagkakataon ay may ganitong pagsasalu-salo sa hacienda... Kaya hindi ko dapat palampasin," he said.
The men were so busy with business talks. Nakikisali rin doon ang dalawa kong kuya dahil si Kuya Isaiah ay tapos na sa kolehiyo at siya nang tine-train ni Papa para sa pamamahala ng hacienda, samantalang si Kuya Ishmael naman ay nasa panghuling taon na sa kolehiyo.
"How about you, hija? Ano ang kukunin mong kurso sa kolehiyo?" baling sa akin ng isa sa mga kausap nila Papa. Based on what I've heard, he owns a mango plantation, but it's located in the next town—a town close to the sea and waves.
Ibinaba ko ang pinaglalaruan kong kubyertos at tumuwid ng pagkakaupo. Elegance, Sierra Serafina. Elegance.
I smiled at him without showing my teeth. "I am thinking of architecture or anything related to designing, Tito. I've been fond of buildings when I was in the States... But if Papa would like me to also help in the hacienda, I would take up business..."
Gumuhit ang pagkamangha sa mukha niya.
"Anyway, matagal pa naman po ang college. I'd still have to survive two years in Senior High." I softly chuckled and eventually covered my lips with a hand.
Mula sa pagkamangha ay napalitan ng gulat ang reaksyon niya. "You just completed your junior high school, hija? Kaedaran mo pala ang bunso ko."
Mahinang tumawa si Papa at tinapik ang balikat ni Tito. "She looks matured, kumpadre, but she is still my baby." Sumulyap siya sa akin at ngumiti. Ganon din ang ginawa ko.
People assume that I'm older than my age. Well, wala namang problema sa akin iyon. I'm tall and almost all of my features have matured over time. Mas gusto ko nga iyon, eh.
I don't like it when people treat me like I'm some kind of a child. I may be spoiled and maarte, but I am no longer a child.
"Kung katatapos lang niya ng high school, saang eskwelahan mo naman siya balak ipasok ngayon? Sa dating kapitolyo ba?"
"Casa Nueva Colleges would be fine, kumpadre. Doon din naman ako nagtapos at mapatutunayan kong maganda ang turo sa eskwelahang iyon. No need to go to the old capitol... Hindi rin ako mapapanatag na titira siya roong mag-isa. Paniguradong pauuwiin ko rin siya rito araw-araw... And the drive back and forth would be torture to my princess... I don't want that to happen."
May mga pagkakataon ko nang narinig ang Casa Nueva Colleges kay Mameng when we were still in California. Dahil hindi ako nakakauwi rito sa Pilipinas nang nagdaang labing-isang taon, I only relied to the stories told by Mameng.
Aniya, nag-iisang eskwelahan lamang ang Casa Nueva Colleges sa buong bayan. Nahahati ito sa tatlong bahagi: elementary, high school at senior high school, at college. Sabi rin ni Mameng, ang mga nasa karatig bayan ay roon din nag-aaral pagtapak ng kolehiyo. Sa bahaging ito kasi ng probinsya, ang Casa Nueva lang ang nag-o-offer ng college courses.
I smiled at Papa. "Any school would be fine, Papa. Wala naman po sa pangalan ng eskwelahan iyon... Nasa estudyante po iyon."
I saw proudness in his eyes. Tumawa siya ngunit hindi nakaligtas ang panunubig ng mga mata niya. Mabilis din niyang pinalis iyon at ngumiti sa akin.
"Buti na lang at sa akin ka nagmana, hija!" Biro pa ni Papa.
Nang sumunod na araw ay maaga akong ginising ni Mameng. Ayaw ko pa sanang bumangon kaso ayaw ko namang magalit siya. Baka sabihin na naman niyang ako ang magiging dahilan ng mabilis niyang pagkamatay!
BINABASA MO ANG
The Broken Vinyl's Beat (Casa Nueva Series #1)
Teenfikce"Why does a heart that love hopes?" Sierra Serafina del Prado is beauty and elegance. She is always prim and proper, but she always loses her poise and control when the annoying Santiago Armendarez is in the picture. Sa muling pagbabalik sa Casa N...