Kabanata 1
Salu-Salo
Sierra Serafina del Prado is beauty and elegance.That's what my mom taught me. I should maintain my elegance sa kahit anong pagkakataon... kahit nahihirapan... kahit na nasasaktan... I should always be the elegant Sierra Serafina.
Wearing my white, collared, satin shirt tucked in my flesh colored a-line skirt which reaches below my knees; my strappy close-toe sandals; and my shoulder-length hair parted in the middle, I let my feet feel the grassy fields of Casa Nueva. This will be my new home now. Gone are the city days in California...
Umihip ang pang-umagang hangin at pinuno ko noon ang aking baga. It's been a while since I last saw the scenic view of Casa Nueva.
On its east lies the Sierra Madre mountain range, and on its west are the footsteps of the Caraballo Mountains.
If I'm not mistaken, there are also other attractions in this side of the province. Nga lang, hindi kagaya sa siyudad, ay walang malls na pwede mong puntahan tuwing nababagot ka. Wala ring fine dining restaurants in the place. Kung mayroon mang kainan ay mga karinderya, isang diner, at isang grill and bistro na nasa Sentro pa matatagpuan—medyo may kalayuan dito sa hacienda.
Tumingala ako sa langit. Unti-unti nang nagpapaalam ang dilim ng madaling araw. The color of the sky is changing. From black to indigo... to purple... then to pink... then orange... And from the back of the mountains, the softness of the sun rose...
It has always fascinated me, the sunrise. Each day, it's different... Walang pagkakapareha sa mga naunang araw. It's like every single day, God is splashing colors and the sky is His canvas.
Napangiti ako. Ang ganda...
Naglakad ako patungo sa ituktok ng isang burol, under the shade of a mango tree. Dito, kitang-kita ang ganda ng hacienda.
I've been to ranches in the US before. We often visited it tuwing dumadalaw ang mga kuya ko para raw maramdaman ko kahit papaano ang buhay hacienda. Pero mas maganda pala kapag dito na mismo sa Casa Nueva.
There is something here which calms me... something that pulls me...
Inilabas ko ang sketchpad ko at nagsimula nang gumuhit. Maybe later I'll be painting this view in a canvas, put some colors to make it as alive and as beautiful as the scenery before me.
Nasa kalagitnaan ako ng pagguhit nang makarinig ako ng iilang usapan. Probably the workers we have here in our hacienda...
They're working this early?
"Dumating na raw kagabi ang senyorita," narinig kong sabi ng isa sa mga trabahante.
I couldn't find them in my line of vision kaya naman lumingon ako sa aking likuran. And there I saw three men talking to each other while holding their buri hats at their backs. Hindi ko makita ang kanilang mga itsura dahil nakatalikod sila sa banda ko.
"Saan kaya siya mag-aaral? Dito kaya o dadayo pa sa dating kapitolyo?"
"Baka rito lang din sa Casa Nueva. Maganda rin naman ang eskwelahan natin, ah?" said a low baritone. "At tiyak kong hindi papayag sila Senyor na sa dating kapitolyo siya mag-aral. Masyadong malayo at paniguradong mapapagod iyon kung araw-araw ay bibyahe para sa eskwela."
"Sa bagay, tama ka riyan, Tiago..."
"Magiging kaklase kaya natin siya?"
"Siguro... kung kaedaran natin..."
"Mabait kaya ang senyorita?" asked the other man.
Narinig ko ang pag-ismid ng isa. He's wearing a deep red cotton long sleeves. Nga lang, nakatupi iyon hanggang sa ilalim ng kanyang siko 'di tulad ng sa dalawang kasamahan na hanggang cuffs ang suot. Naiiba rin ang kulay ng suot niya dahil ang dalawang kasama ay nakakulay puti. He probably forgot the color coding for this day, huh?
BINABASA MO ANG
The Broken Vinyl's Beat (Casa Nueva Series #1)
Подростковая литература"Why does a heart that love hopes?" Sierra Serafina del Prado is beauty and elegance. She is always prim and proper, but she always loses her poise and control when the annoying Santiago Armendarez is in the picture. Sa muling pagbabalik sa Casa N...