Kabanata 35

195 11 6
                                    

Kabanata 35
Hanggang sa Huli


"Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang pagpili mo kay Miego bilang kapareha sa isa sa mga activity noon," biglang usal ni Santi habang nagdadrive patungo sa venue ng aming reunion. "Ipinagpalit mo ako sa kanya."

We're on our way now to the reunion's venue. Kagagaling lang namin sa site dahil katatapos lang din ng site visits namin. So far so good. Pulido ang pagkakagawa ng mga trabahante ni Santi. Wala akong maipintas sa kanila.

Napangisi ako. "It was good to have a short change of heart then. Parating ikaw ang kapareha ko noon."

Umismid siya. "It took me a lot of guts to hold my punches on him. Halatang gusto ka niya dati."

I raised my brow and glanced at him. Sumandal ako sa shotgun seat at humalukipkip. "I wasn't interested on him. Sa totoo lang, wala namang ibang lalaking naging interesante sa akin noon... I just didn't want to be partnered with you because I thought you liked someone else. Akala ko I was saving myself for a heartbreak." I chuckled.

"But you're already my girlfriend back then," he said cooly.

Namilog ang mga mata ko at napakahawak sa dashboard. Napaangat ang likod ko sa pagkakasandal sa upuan dahil sa pagkabigla.  "Girlfriend?! Bakit hindi ko alam 'yon?!"

He smirked at my reaction. He leaned to me and caressed my cheek. He gave me a peck on my lips and spoke. "Ikaw lang ang hindi nakakaalam, Senyorita. Lahat sila alam na nobya kita."

Napakurap ako ng dalawang beses. "You didn't even court me, Santi!"

"I did. Parati tayong magkasama. Hindi tayo mapaghiwalay. Parati kitang binibigyan ng pagkain. I cared for you more than just a friend. Hindi mo ba naramdaman iyon?"

"Naramdaman, pero..."

He smirked. "Okay, sorry if I didn't formally ask you if I could court you. Siguro naduwag lang akong mareject kagaya ng iba." Natawa siya, para bang may kakatuwang mga ala-alang bumabalik sa isipan niya. "You were heartless back then, Rafi. Such a heartbreaker..."

"For those I didn't like. I liked you so much back in high school, you brute!" Hinampas ko ang kanyang braso.

He chuckled.

"Alam ko. Kaya nga nagkaroon ako ng lakas ng loob no'n na halikan ka. At hindi ko pinagsisihan 'yon dahil nakumpirma ko na parehas tayo ng nararamdaman."

Maayos ang naging takbo ng programa noong umpisa pero nang nasa kalagitnaan na ay biglang nagkaroon ng komosyon. It was when one of our batch mates came in and started bitching out.

Sa totoo lang, hindi ko siya kilala. Maybe she's from another strand. She looked very formal kaya lang nang magdadakdak siya sa reunion ay napangiwi kaming lahat.

Looks can really be deceiving. Kung sino pa ang akala mong may pinag-aralan, sila pa ang umaastang hindi nakapag-aral.

Hindi nakauwi si Malia para sa batch reunion namin. Gano'n din si Rey dahil abala raw sa trabaho sa ospital sa Manila. Kaya naman nang kinabukasan at repacking of goods na para sa gift giving program ni Breanna ay labis kong ikinagulat dahil naroon si Rey! At may kasama pang isang pamilyar na babae!

Tatawa-tawa lang si Santi sa gilid ko habang nagrerepack kami ng goods.

"Yari si Doc," aniya sabay ngisi. He's looking at a certain direction kaya naman nabaling doon ang atensyon ko. And there I saw my best friend, crossing her arms on her chest while giving Rey and Dr. Aldeguer death glares.

Abala si Rey at Dr. Aldeguer sa pag-aayos ng goods. Mukhang hindi pa napapansin ni Rey ang talim ng mga mata ni Breanna.

"Bakit pa kasi niya isinama si Dr. Aldeguer?" wala sa loob kong sabi habang pinagmamasdan pa rin ang dalawa.

The Broken Vinyl's Beat (Casa Nueva Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon