Kabanata 32

209 10 2
                                    

Kabanata 32
The Broken Vinyl's Beat


"Naku, Santi, Rafi, buti at nakapunta kayo!" masayang bati sa amin ni Mang Isko.

"Pwede po ba namin kayong indianin?" ani Santi na nakapagpatawa kay Manong Vendor.

I smiled at him. "Congratulations po," sabi ko.

"Maraming salamat, hija! Halika 'yo at umupo muna. Medyo maraming tao kaya baka mangawit kayo sa katatayo."

"Ayos lang ho kami, Mang Isko. Grabe! Iba na kayo!" biro ni Engineer.

Napahalakhak si Manong at napailing. "Tiyaga lang, Santi. Sa awa ng Diyos, nakapagpatapos na ko ng mga anak ko nang dahil sa negosyo. Ngayong nakaluwag-luwag, nagsuhestiyon ang bunso ko na magkaroon ng permanenteng pwesto rito ss Sentro..."

"Mabuti ho 'yan para hindi na kayo nabababad sa initan. Sayang ang kagwapuhan natin!" biro pa ni Engineer.

Hindi nagtagal sa pwesto namin si Manong Vendor. Marami kasi ang patuloy na pumapasok sa bago niyang tindahan. Halos pamilyar ang mukha ng mga tao sa loob.

Nanatiling nakamasid ang mga mata ko sa mga tao sa paligid. Ipinilig ko ang ulo ko at pilit inisip kung ano ang mga pangalan nila. Now, I regret being a snob way back in high school. Hindi ko tuloy saulo ang mga pangalan ng dating mga kaeskwela.

"Pare!"

Napalingon ako sa kaliwang bahagi ng mesa nang makarinig ng isang baritonong boses. There I saw a handsome guy, smiling from ear to ear. He has the same built and height with Engineer. Nakasuot siya ng scrubsuit pero hindi iyon nakabawas sa itsura niya. Bagkus, nadagdagan pa ang dating niya nang dahil doon. I think not everyone can pull off a scrubsuit like that. I pursed my lips. This man also looks familiar. Pakiramdam ko nakasalamuha ko siya before.

"Enzo!" bati ni Engineer at tinapik ang likod nito.

"Long time no see, ah? Dito lang pala tayo magkikita sa tindahan ni Mang Isko!" anang lalaki.

Engineer and him seem to be so close.

"Abala lang sa projects." Engineer chuckled. "Narinig ko na may clinic ka na raw rito sa Casa Nueva?"

"Ah, oo. Medyo matagal na."

"That's good to hear. Saang lugar ka ba no'n nagtrabaho, pare?"

"Dito rin. Pagkapasa sa boards, nagtayo kaagad ng clinic at hindi na umalis ulit dito sa atin." Nahimigan ko ang lungkot sa boses niya kahit na nakangiti ang mga labi niya.

I got curious with him kaya naman pinagmasdan ko ang mga mata niya. Kahit iyon, malungkot. Hindi ngumingiti kasabay ng mga labi niya, hindi nagniningning. Even if I couldn't remember if I formed a friendship with this guy before, I feel so sad for him. Pakiramdam ko, ang tagal na niyang may dala-dalang problema.

"Kailangan din kasi ako ng mga tao rito dahil wala namang vet clinic dito sa Casa Nueva," dugtong pa nito.

Hindi rin nagtagal si Enzo. He just chatted a bit with Santi and ordered his food.

"It's nice seeing you again, Rafi," aniya pa bago umalis.

I gave him back the greeting dahil nakakahiya naman kung sasabihin ko sa kaniyang hindi ko siya maalala kahit totoo naman...

"What do you like Rafi?" tanong ni Engineer sa akin na nakatayo na pala sa tabi ko. Hindi ko man lang namalayan. He raised a brow on me, waiting for my answer.

"The usual please," I softly said.

The side of his lips rose for a smile. "Noted, Senyorita," sagot niya at nagtungo na sa counter.

The Broken Vinyl's Beat (Casa Nueva Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon