Kabanata 10
Miss
"Grabe, ang hirap ng exam!" reklamo ni Malia nang matapos ang huling exam namin.I massaged my nape dahil medyo nangawit ako sa pagsagot kanina. It's indeed hard lalo na kung hindi ka nakapag-aral. Pero dahil nakapag-aral ako, hindi ako gaanong namroblema.
Santi handed me a bottle of orange juice. Siya ang pinakaunang nakatapos kanina kaya pinayagan siyang umalis ng proctor namin. Ang akala ko nga magre-restroom lang siya. Dumaan pa pala sa canteen namin para bumili nito.
I smiled at his thoughtfulness. Tinanggap ko iyon at itinaas para mailebel ko sa mukha ko. "Thank you, Santi."
"Sa juice ba o sa pagre-review sa'yo?" He asked playfully, nakatayo pa rin sa harap ko.
Malia and Rey were a bit busy talking to each other while arranging their chairs. Ikinawit ko ang satchel bag ko sa aking balikat. Kung hindi siguro sa tips and patience niya sa pagre-review sa akin sa Pre Cal, baka hindi ko nasagutan ng maayos ang final exam ko.
I playfully rolled my eyes and smiled widely afterwards. "Both. Thank you for helping me in reviewing for this exam and for your thoughtfulness. I really appreciate it."
Napaawang ang labi niya. I smiled and imitated what his friends did to him the first time we met. I cupped his chin so that his lips won't be parted anymore. Tumingkad ako at unti-unting inilapit ang mukha sa kanya. Nakita ko ang bahagyang paglaki ng mata niya. Naramdaman ko rin ang mabigat niyang paghinga. He swallowed hard and became stiff. Para siyang sundalo sa tuwid ng pagkakatayo niya.
I smirked. "Baka pasukan ng langaw, Santi." Pagkasabi no'n, tinapik ko ang pisngi niya at kumaway na kina Rey at Malia.
"Rey, Malia, una na ako. May usapan kami ni Breanna, eh."
"Ingat, Senyorita!"
"Ingat, Rafi! May payong ka ba? Mukhang uulan," si Malia at tumingin sa bintana. Makulimlim nga ang panahon kanina at ngayon pa lang ay alam na naming babagsak ang malakas na ulan dahil napakadilim ng kalangitan.
Iwinagayway ko sa ere ang automatic kong umbrella na nakapagpatawa kay Malia. "Thank you! Ciao!" paalam ko at lumabas na ng classroom.
Breanna and I decided to meet in a local café. Kabubukas lang no'n noong nakaraang linggo. We agreed to meet there after our tiring exams.
Dahil kabubukas lang ng café, kahit na maluwag ang pwesto nito at maraming upuan, hindi mahulugang-karayom ang mga tao sa loob nito.
I guess this is usual in a town faraway from the city. Na kapag may bagong bukas na establishment, dudumugin talaga ng tao. Lalo na ang mga kaedaran ko dahil madalas makita ang mga lugar na ganito sa social media. Besides, it's the first of its kind here in Casa Nueva.
I went to the counter and ordered two cups of iced coffee and two blueberry muffins. Mabilis naman ang service ng crew kahit marami ang customers. Dala-dala ang tray ng pagkain at inumin, I looked around and saw familiar faces from our school. They might have decided to unwind after the hell week.
Nakahanap ako ng bakanteng pwesto. It's a two-seater table. Naglakad ako palapit do'n kaso may naunang naglapag ng gamit do'n. Nang naiangat ko ang paningin ko sa nagbaba ng knapsack bag doon, bigla akong nairita. Nakita ko na naman siya. I sighed dramatically.
Siguro may mga tao lang talaga na nakakapagpairita sa atin kahit wala naman silang ginagawang masama.
I was about to turn around and find another table when a hand tapped on my shoulder. Nilingon ko 'yon at nakita ko ang nakangising si Breanna. I suddenly want to roll my eyes on her because of the sudden iritation.
BINABASA MO ANG
The Broken Vinyl's Beat (Casa Nueva Series #1)
Jugendliteratur"Why does a heart that love hopes?" Sierra Serafina del Prado is beauty and elegance. She is always prim and proper, but she always loses her poise and control when the annoying Santiago Armendarez is in the picture. Sa muling pagbabalik sa Casa N...