Kabanata 22

200 10 7
                                    

Kabanata 22
Careful

 
Mabilis ang naging flow ng program. Pagkatapos no'n ay nagkaroon din ng pagsasalu-salo.

I wasn't surprised to see Rey in the site. What surprised me is to see the province's governor!

"Breanna's doing it on purpose," bulong ni Rey nang umupo siya sa isa sa mga seat sa lamesang inookupa namin ni Juan Miguel.

I raised my brow. Nang hindi na siya nagsalitang muli, napagtanto kong hindi niya balak na iparinig iyon sa akin. Maybe he's just talking to himself.

Nang nag-angat ng tingin si Rey sa akin ay kumunot ang noo niya. Noon ko lang natanto na hindi ako ang dahilan ng pagkunot ng noo niya kundi ang katabi ko sa upuan. Ipinilig niya ang kanyang ulo at tinitigan ang kasama ko.

"Dr. Rivera, it's a surprise to see you here," bati ni Juan Miguel.

Ako naman ang napakunot-noo. Magkakilala sila?

Umaliwalas ang mukha ni Rey. "What are you doing here, Miguel?" tanong ni Rey.

"Wow, a 'good to see you' would have been nice."

Both of the men chuckled.

"A week of vacation. Visiting the love of my life," ani Juan Miguel at bumaling sa akin. Sinimangutan ko siya. Ngumisi siya sa akin habang nasamid naman si Rey.

"You okay, Doc?"

"Yeah, I was just surprised. Hindi ko alam na magkakilala kayo nitong si Serafina."

"I didn't know you two know each other," sagot ko. "Where did you meet?"

"In Manila. He's the love interest of my sister," ani Juan Miguel.

Rey groaned. Natawa naman si Juan Miguel. "Actually, patay na patay sa kanya ang kapatid ko. Simula pa med school hanggang ngayon."

"Oh, so they went to the same school, huh? Small world..."

Nabaling ang atensyon ko sa isang banda nang makarinig ako ng mabababang tawanan.

May isang babaeng nakatayo malapit sa umpukan na iyon at nagtagal sa kanya ang mga mata ko. Nakatalikod siya ngunit pamilyar ang bulto niya. Nang bahagya siyang gumilid ay nakumpirma ko kung sino siya. Marina. What is she doing here?

"She's the engineer of this project," ani Rey na para bang nabasa kung ano ang nasa isip ko.

Tumango ako, hindi pa rin inaalis ang tingin kay Marina. That's why she looks professional the last time I saw.

"Oh, really? Nakita namin siya ni Serafina kahapon sa palengke," sagot ni Juan Miguel.

"Ah, probably buying ingredients. Baka humiling na naman ang anak niya."

"She already has a child?"

Bakit ba parang interesado si Juan Miguel sa babaeng ito?

"Uh-huh. Nine years old. Nakakaaliw nga, eh. She calls me 'daddy'. Sa totoo lang, lahat yata kaming malalapit sa kanila na lalaki ay tinatawag niyang gano'n. Tuloy minsan napagkakamalang anak ko." He chuckled.

Umirap ako at inalis ang tingin ko sa babaeng iyon. "Good to see her successful," mataman kong sabi at pinaglaruan ang straw ng orange juice ko.

"Oo nga, eh. Mahirap din ang pinagdaanan niyang si Marina. She lost her mother a few weeks after she knew that she's pregnant."

Tumango ako. Masama ba ako kung hindi ako nakaramdam ng awa sa kaniya?

"Buti na lang ay nagsikap at sinwerte. Madalas ay magaganda at malalaking projects ang nakukuha niya."

The Broken Vinyl's Beat (Casa Nueva Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon