Kabanata 29
Breakfast
Hindi ko na mabilang kung ilang biling na ang ginawa ko pero hindi ko pa rin magawang makatulog. I glanced at the clock on my bedside table. It's two in the morning already and here I am, still thinking of the words we exchanged a while ago. Patuloy pa rin ang pagbabalik ng mga eksena sa isip ko. Ugh! And I have site visit later!Sanay naman akong walang halos tulog dahil sa projects. Bukod pa roon, naranasan ko naman na ang ganito noong nag-aaral pa lang ako at nagsabay-sabay ang deadlines ng professors. But this is different, Sierra Serafina! It's not for studies or for work! This is something about that brute of an Armendarez!
Nang hindi ko na nakayanan ay bumangon na ako. I sat on the edge of my bed and got my cellphone. I opened my Instagram account and did something I didn't—even once in the past ten years—do: I searched his name on Instagram.
Siguro naman ay may account siya rito, hindi ba? Sino ba sa panahong ito ang walang Instagram?
I typed 'Santiago Armendarez' and I immediately saw him. He has a verified account. I pursed my lips. He must be famous, huh?
santiarmendarez
3 posts | 400k followers | 1 following
Santiago Armendarez
All for you.I scrolled down to see the photos that he captured. Napakunot ang noo ko nang matantong pamilyar ang subject ng tatlong litratong nasa account niya. The bleachers, the Dupinga River, and a vinyl record that seem to be broken.
There was no one in the bleachers when the photo was captured. May kadiliman na rin ang background kaya kinunan siguro niya iyon nang tapos na ang mga klase sa Casa Nueva Colleges at wala nang mga estudyante.
Gano'n din ang kuha sa Dupinga River, walang tao sa background—just the river itself. It's a familiar spot of Dupinga. Iyon ang bahagi ng ilog kungsan ako madalas makita ang sarili kong tumatambay tuwing nagtutungo kami roon. The photo shows the flowing waters of the river, and the peacefulness of the place.
The vinyl record was placed on top of a wooden table. Hindi naman siya sira. Mukha lang dahil mukhang sobrang luma na. I wonder how it sounds like right now. How would a broken vinyl's beat sound like?
Napabalik ang tingin ko sa itaas na bahagi ng kanyang profile. He has thousands of followers. Bakit isa lang ang finofollow niya? Dahil sa kuryosidad, I clicked it only to be surprised.
He's following me? Hindi ko alam!
All these years, he's been following me? Bakit? Para saan pa? Why didn't he contact me?
Teka nga, bakit ko ba iniisip ito? Eh, ano naman kung finofollow niya ako sa account ko? At saka ano naman kung hindi niya sinubukang imessage ako? Ano naman sa akin iyon?
Gosh, Sierra Serafina! You're acting like a teenager! You are a professional now for the love of God!
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog ng madaling araw na iyon. Napabaligkwas na lang ako ng bangon nang makarinig ng sunod-sunod na pagkatok sa aking pinto. I looked at the clock on my bedside table and groaned. Naihilamos ko ang mga palad ko sa aking mukha nang natanto kung anong oras na.
"Magandang umaga, Senyorita," ang nakangiting si Sorseng ang bumungad sa pinto. Nang makita niyang nakapantulog pa ako at walang kaayos-ayos ay kumunot ang noo niya. Siguro'y nagtataka kung bakit ganito pa rin ang itsura ko kahit tanghali na. It's ten in the morning for crying out loud!
Pumasok siya sa loob ng kwarto ko at mataman akong pinagmasdan. "Masama ba ang pakiramdam mo, Senyorita? Gusto mo bang dalhan kita ng gamot?" sunod-sunod niyang tanong. "Hindi na kita ginising kanina dahil mukhang sobrang himbing ng tulog mo. Pero tumawag si Senyor at pinatitingnan ka dahil baka raw mahuli ka na sa trabaho..."
BINABASA MO ANG
The Broken Vinyl's Beat (Casa Nueva Series #1)
Novela Juvenil"Why does a heart that love hopes?" Sierra Serafina del Prado is beauty and elegance. She is always prim and proper, but she always loses her poise and control when the annoying Santiago Armendarez is in the picture. Sa muling pagbabalik sa Casa N...