Simula

555 16 5
                                    

Simula

 
Nasa ituktok ako ng isang burol kungsan ko kitang-kita ang hacienda. Parang gusto ko tuloy na libutin ang kabuuan nito para makita ang mga pagbabago habang wala ako.

I brought out my sketchpad and let myself draw some circles and lines. Hinayaan ko ang sarili kong gumuhit nang malaya.

Sa totoo lang, ngayon lang ulit ako nakaguhit ng ganito. For the past years, puros buildings ang iginuguhit ko. And for some reason, I didn't feel like sketching freely when I wasn't here in Casa Nueva. Ngayon lang ulit nang lumapat ang mga paa ko rito. Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng pagkakataon. It's like there's a force which encourages me to do what I used to back when I was younger.

Natigil ako nang napagtanto kung ano na naman ang laman ng papel ko. Nadismaya ako sa sarili ko at pinili na lang na huwag nang tapusin iyon. Dahil alam ko na kung ano ang kalalabasan. Umiling ako, nagbabakasakaling makalimutan kung ano man ang nakita.

Tsk, Serafina. Get over it already!

Nagpasya akong bumalik na sa mansyon. May ilang mga trabahante akong nadaanan. Ang ilan ay binati ako dahil tanda pa nila ako. Ang ilan ay napagko sa akin ang mga tingin. Palagay ko ay bago sila. They might not have seen me here before kaya kuryoso ang mga mata nila. Nevertheless, nginitian ko sila at binati. Ang ilang binatilyo ay natuliro at namula pa. Ang mga nakatatandang trabahanteng nakakita ay nagtawanan pa.

"Saan ka na naman ba nanggaling na bata ka?!" tarantang tanong ni Mameng nang salubungin niya ako sa double doors ng mansyon.

Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagbabago. I lived here in Casa Nueva for years bago nagpasyang umalis muli. Hindi naman niya siguro iniisip na mawawala ako sa hacienda namin, hindi ba? Ilang taon lang naman ang lumipas.

Those years are not enough to erase the memories of this place though...

I smiled at her.

Hindi niya inaasahang darating ako ngayong araw kaya naman hindi siya kasali sa mga sumalubong sa akin kanina. Tanging ang mga nakababatang kasambahay na lang namin kagaya nila Sorseng ang sumalubong.

Mameng is already old, and she was sound asleep when I arrived. Gano'n din sila Lolo at Lola. I didn't have the heart to wake them up. Ayaw kong istorbohin pa sila kung magkikita rin naman kami sa hapag ngayong agahan.

Hindi ko kasamang umuwi si Kuya Ish. Actually, nauna siya sa aking umuwi. When I graduated and was able to get projects, hinayaan na ako ni Kuya Ish na maging independent. Umuwi na siya noon dito sa Pilipinas at mas natutukan ang negosyo na kanyang sinimulan at tumulong muli sa chains of restaurants namin. I asked him not to tell the household that I'll be home because I know how the del Prado mansion works.

"Pinanuod ko lang po ang pagsikat ng araw, Mameng," I smiled at her. Hinagod ko ang kanyang braso. "Huwag ka na pong mag-alala sa akin. Hindi na po ako ang sixteen years old na si Serafina," I chuckled.

She frowned at me. Niyakap ko siya, mahigpit. I missed her. She hugged me back and I felt the shaking of her shoulders. "Huwag mo na ulit uulitin 'yon, anak. Huwag ka na ulit aalis nang hindi ka nagpapaalam." I sensed the hurt in her voice.

Oo nga pala, hindi nga pala ako nagpaalam noong umalis ako noon.

Nang mahimasmasan siya ay inihatid din niya ako sa hapag. Naroon na si Lolo at Lola. Kita sa mukha ni Lolo ang surpresa nang nakita ako. Si Lola naman ay nangiti, para bang may naaalalang maganda habang nakatitig sa akin.

Ngumiti ako at lumapit sa kanila. Nagmano ako sa grandparents ko. Mahigpit akong niyakap ni Lolo. Para bang sobra akong namiss!

"Ang akala ko'y kapag burol ko na at saka ka uuwi, nieta!"

The Broken Vinyl's Beat (Casa Nueva Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon