Kabanata 8
Wave
Kantiyaw ang inabot namin kay Malia. Buti na lang at wala pa si Rey at Breanna kundi mas malala ang aabutin namin. Marami ring mga mata ang nakasunod sa amin. Uwian na kasi ng ibang strands at ng junior high.Naging abala kami sa mga sumunod na linggo. There were times wherein Santi and Rey couldn't make it to their basketball practices because our subjects were quite difficult and there were reports and projects that we needed to finish. Halos sabay-sabay kasi ang naging deadlines ng mga teacher namin, eh.
Napaangat ang tingin ko kay Santi nang lapagan niya ako ng isang maliit na tupperware at isang bottle ng orange juice. Nasa bleachers kami habang nag-aaral para sa susunod na quiz. Si Rey at Malia naman ay sa library nagtungo.
"Tikman mo," he smiled as he sat down beside me.
I pursed my lips as I opened the container. It revealed around five circular and orange food I haven't seen in my entire life. At the corner of the container, there was a plastic which seems to be filled with caramel. May kasama rin iyong disposable na tinidor.
"What's this, Santi?" I asked innocently.
He chuckled. "Hindi ka pa rin nakakatikim nito?"
Umiling ako. I haven't. This is the first time I saw something like this. The color of the food is enticing and it looks so soft.
"Kutsinta 'yan, Senyorita. Tikman mo. Masarap 'yan." Si Santi na mismo ang nagbukas ng plastic na mukhang caramel ang laman. "Mas masarap 'to kapares ng yema," he added. Siya na rin ang tumusok ng tinidor do'n at iniabot sa akin.
I took a bite and my eyes widened a bit. Masarap siya, huh? When Santi saw my reaction, he chuckled.
"Mas masasagutan mo na niyan ang quiz natin."
I smiled. "Thank you, Santi."
He smiled and took his time staring at me. Naputol lang 'yon nang may tumawag sa kanyang grupo ng kababaihan. Mga junior high school. He smiled at them and waved.
Santi is quite famous in Casa Nueva Colleges. Aside from his looks, matalino rin kasi siya at captain ball pa ng basketball team ng CNC High School Department.
Sa ilang beses kong pagsama kay Malia tuwing may basketball practice sila Santi, pansin ko ang dami ng mga estudyanteng nanunuod at nagchi-cheer para sa kanya. Ang ilan pa nga ay may kanya-kanyang placards pa para lang mapansin niya.
Mas nakita ko ang dami ng mga taga hanga niya nang nag-intramurals na kami.
It was the last day of the intramurals. Last game na rin iyon. And that game would tell kung sino ang mananalo between the ABM and STEM. Ang strand namin at ang strand nila Breanna ang nangunguna sa tally sheets. Sumunod naman ang HUMMS, GAS, at ICT.
"Grabe! Ang galing talaga ni Santi, 'no?" kinikilig na sabi ng isang Grade 12 student sa kasama niya. Kaka-shoot lang kasi ni Santi ng bola from the three-point line. And it was ringless!
"Huwag kang taksil, girl!" tawa naman ng kasama niyang naka-t-shirt na may malaking print na "ABM" sa dibdib. "Tayo ang kalaban nila ngayon. Dapat sa strand ka natin mag-cheer at hindi sa kalaban!"
Siniko ako ni Malia. I glanced at her. "What?"
Ngumisi siya. "Daming nagkakagusto kay Santi, 'no?"
I raised my brow. I don't get her. Bakit pa niya kailangang sabihin sa akin ang obvious? Sa tagal na pagkakakilala ko kay Santi, I already noticed how girls flock him like he's some sort of a special nectar.
Tinutop niya ang mga labi niya para pigilan ang pagngiti. What's up with her and her malicious smiles?
Itinuon ko na lang ang pansin ko sa court. There I saw Rey handling the ball, dribbling it. Naagaw niya iyon mula sa kalaban pero may dalawa na kaagad na nagbabantay sa kanya, at mukhang nahihirapan siya.
BINABASA MO ANG
The Broken Vinyl's Beat (Casa Nueva Series #1)
Ficção Adolescente"Why does a heart that love hopes?" Sierra Serafina del Prado is beauty and elegance. She is always prim and proper, but she always loses her poise and control when the annoying Santiago Armendarez is in the picture. Sa muling pagbabalik sa Casa N...