Kabanata 19
Oasis
"What should I wear, Brea?" I asked her while we're having a video call. Wala siyang pasok ngayong Sabado dahil may importante raw na aasikasuhin ang kanyang professor. Isang linggo na rin ang lumipas matapos ang library incident namin ni Santi.She pursed her lips as she looked at the two dresses that I'm holding. Pumangalumbaba siya at sumingkit ang mga mata.
"Why the hell are you even asking me? You look good at everything, Serafina! God!" she said frustratingly after a long stretch of silence.
I chuckled. "Because I cannot pick the best dress to wear, Breanna! Why the hell would I ask you if I can? Duh?!"
Ngumuso siya. Para bang nahihirapan din siya sa pamimili.
Sa totoo lang, mahirap naman talagang pumili sa pagitan ng Prada at ng Versace.
Pagkatapos ng ilang sandaling paninitig sa dalawang damit na inilahad ko at nakapagdesisyon na siya. "Although you look exqusite in everything, you're more exquisite in red. You look sexy in it."
I pursed my lip and looked at my red Prada dress. It's a wool and silk-blend satin spaghetti-strapped peplum dress. It's actually simple-looking but really elegant.
"That Prada dress is really gorg! I'll snatch if from your closet when I go back there in Casa Nueva!" she joked.
Umiling ako at tumawa.
"Saan daw ba kayo magpupunta ni Santi? Baka naman naka-Prada ka tapos sa karinderya sa Sentro ka dadalhin ng mokong na 'yon, ha?" pang-aasar pa niya.
I rolled my eyes. Actually, he didn't say where we're going. He just told me to wear something semi-formal. Hindi ko alam kung ano na namang pakulo ang mayroon si Santi. And because I don't want to spoil the fun and excitement, I didn't try asking him where we'd go. Actually, kahit sa karinderya lang kami kumain ay ayos na sa akin. As long as we are going to have time together.
Ipinagpatuloy ko ang pag-aayos ko. Kanina pa ibinaba ni Breanna ang tawag dahil may hindi raw siya inaasahang bisita sa kanyang condo unit sa Sampaloc. Sa itsura niya kanina, alam ko na kaagad kung sino iyon.
I looked at my mirror as I swiped my red lipstick on my lip. I smiled when I got satisfied with my look.
Gone are the days of hell. Tapos na ang exam week at semestral break na namin. Kaya naman nagkaroon kami ng pagkakataon ngayon ni Santi.
Malapit na ang oras ng usapan namin. Aniya'y susunduin niya ako rito sa mansyon. Kilala naman na siya nila Lolo dahil nagtatrabaho siya rito sa hacienda tuwing walang pasok. Alam ko rin na pansin nila na may espesyal sa pagitan namin kahit hindi naman kami nagsasabi sa kanila.
I'm so excited for our date today! Ngayon lang yata kami makakalabas ng ganito sa buong semester.
Kaya lang ang saya na naramdaman ko ay biglang naglaho nang tumawag siya sa akin...
"Santi," I answered him at the first ring, a smile plastered on my face.
Buti na lang at hindi iyon video call kundi, makikita niya kung gaano ako ka-excited sa lakad namin! Isang oras pa bago ang napagkasunduan pero nakahanda na ako!
Narinig ko ang paghinga niya ng malalim sa kabilang linya. Bakit parang may hindi ako magandang pakiramdam dahil doon? Kumunot ang noo ko. May problema kaya siya?
"Rafi..." bigo ang baritonong boses niya.
"What's wrong?" puno ng pag-aalala kong tanong. Did something bad happen to him?
BINABASA MO ANG
The Broken Vinyl's Beat (Casa Nueva Series #1)
Teen Fiction"Why does a heart that love hopes?" Sierra Serafina del Prado is beauty and elegance. She is always prim and proper, but she always loses her poise and control when the annoying Santiago Armendarez is in the picture. Sa muling pagbabalik sa Casa N...