Kabanata 11

168 9 0
                                    

Kabanata 11
Sierra Serafina


Hindi ko sinagot ang tanong niya sa araw na 'yon. Sa halip ay patakbo akong bumalik sa mansyon, not looking back where he was.

Dumaan ang mga linggo at sinubukan kong huwag masyadong lumapit sa kanya. Which was extremely hard because we're in the same group.

It took me some time to realize what I was feeling. Kung bakit tuwing magkakalapit kami, the beating of my traitor heart would triple. Kung bakit tuwing makikita ko si Marina ay naiinis ako... Kung bakit tuwing makikita ko silang magkasama ay parang sasabog ako...

May isang beses na kailangan naming magpares para sa isang activity. Para sa karamihan sa classroom, automatic nang kung sino ang katabi, iyon na ang makakapareha. Kaso, ayaw kong maging kapareha si Santi. If we were to become partners in this activity, I'd have to talk to him during our off-period. Hindi nakakabuti iyon para sa akin. Hindi ko yata kakayanin.

Kaya naman nang lumingon sa akin ang nakangising si Miego mula sa harap ay nakahinga ako ng maluwag. Alam ko na kaagad na gusto niya akong makapareha para sa activity.

"May partner ka na, Rafi?" nakangiting tanong niya.

Gumanti ako ng tipid na ngiti at umiling. "Wala pa." Kasi wala pa naman talaga.

Nagulat siya sa sinagot ko. He's probably expecting that I'm already partnered with the guy beside me, Santi. Dahil sa totoo lang, kung may activity kami na pangdalawahan ay parating kami ni Santi ang magkapareha. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa kami na ang magkatabi o dahil ba iyon sa komportable akong siya ang kapareha... noon.

"Huh?" litong tanong ni Malia pero hindi ko siya binalingan.

"Partners na tayo kung gano'n?" si Miego na ngising-ngisi pa rin. Kakaiba ang ngiti niya. Para bang masayang-masaya siya sa desisyon ko. I heard that he likes me, but he's not making a pass on me. Kahit naman suyuin niya ako, alam ko naman sa sarili ko na hindi ko pauunlakan ang nararamdaman niya. I only see him as an acquaintance, and nothing more.

Tumango ako. "Sure."

"Paano si Santi, Senyorita?" nagugulumihanang si Rey.

Doon ko nilingon si Santi at naabutan ko siyang nakatitig sa akin ng mariin, nagtatagis ang panga. What's his problem? I raised a brow on him and shook my head, not saying a word.

Isang linggo ang ibinigay sa amin ng teacher namin para tapusin ang acitivy. Madalas tuloy kaming magpunta ni Miego sa library. Ganoon din ang ilan kong kaklase. Minsan nakakasabay namin si Malia at Rey. Madalas namang nahahagip ko ang mala-agilang mga mata ni Santi na nakatitig lang sa akin. Para bang binabantayan ang bawat galaw ko.

I sighed heavily when we finally finished our activity.

"Ako na ang magpiprint nito sa bahay, Rafi," ani Miego kaya tumango na lang ako.

Napansin ko ang mga babae sa lower batch na sadyang dumaan malapit sa table namin, ngiting-ngiti at impit na kinikilig. Miego is just like Santi. Maraming babae ang nagkakagusto. But unlike Santi, he's one of those guys who likes to play.

What the hell, Sierra Serafina? Ibang tao ang nasa harap mo pero siya pa rin ang laman ng isip mo?! Sa lahat ba ng pagkakataon kailangan mong ikumpara ang iba kay Santi? You're a hopeless case, my dear!

Tumikhim ako para walain ang sarili ko sa mga naiisip. "Sige. Mauuna na akong umuwi kung gano'n."

Niligpit ko na ang mga gamit ko at tumayo na. Ganoon din ang ginawa ni Miego na ikinagulat ko. Ang akala ko ay gugustuhin niyang manatili sa library dahil nakipagpalitan siya ng malagkit na tingin sa isa sa mga lower batch na dumaan sa pwesto namin kanina.

The Broken Vinyl's Beat (Casa Nueva Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon