Kabanata 28

209 9 4
                                    

Kabanata 28
Leave


"How is Margaux?" I asked Rey while we're having coffee in the hospital's cafeteria. Kauuwi lang niya. He had to finish all the scheduled check-ups of his patients in Manila kaya medyo natagalan sa pag-uwi.

Tipid siyang ngumiti. "She's getting better. May kaunting bali lang. Good thing the impact wasn't worse than I expected. If that were the case, she might be in comma right now."

"Have you talked to the mother?"

Umiling siya. "Ayaw makipag-usap nang matino ni Marina. Tuwing papasok siya sa kwarto ng anak, nanginginig si Margaux sa takot. We're not sure how long has she been abusing her daughter. Hindi rin namin alam kung bakit gano'n ang ginagawa ni Marina. Yes, she never liked getting pregnant with Margaux because it was unexpected, but Margaux is still her child..."

My brows furrowed. She what? She never liked getting pregnant with Margaux?

"Good thing at narito si Santi sa Casa Nueva kaya may tumitingin-tingin kay Margaux. The child is very close to our hearts. She's like our own..."

Napailing si Rey. "We also hired someone to look after Margaux every time she's with Marina. Hindi ko alam kung bakit wala siya sa bahay noong nangyari ang insidente..." Mariin siyang napapikit.

I just nodded kahit wala naman akong naintindihan sa idinuktong niya.

Nagpaalam na ako kay Rey nang dumating si Engineer sa cafeteria. He was looking for Rey. Maybe they are to talk about something important kaya sinuyod niya ang ospital para lang mahanap ang kaibigan.

Naging madalang ang pagkikita namin ni Engr. Armendarez sa site. For the past four weeks, I think I just saw him once. Mabilisan pa. Ang siyang pagdating ko sa site ay siyang pag-alis niya. He must be very busy. Nga naman ay may-ari na siya ng isang construction firm. He probably has other projects outside Casa Nueva.

Napansin ko rin na hindi na dumadalaw roon si Engr. Soliman. Ano kayang nangyari sa kaniya? Ang akala ko pa naman noong nadadalas ang pagbisita niya noon ay kailangan kong sanayin ang sarili ko sa presensya niya. But maybe she's with Engr. Armendarez. Bakit pa nga ba siya pupunta rito sa Casa Nueva kung wala naman dito ang pakay niya, hindi ba? She's just gonna waste her time and effort.

Kaya lang, tuwing naiisip ko na magkasama silang dalawa kung nasaan mang lupalop sila, hindi ko maiwasan ang paninikip ng dibdib ko.

A heart that loves is a heart that hopes. When will I stop loving you, Santiago? When will I stop hoping for you? I feel so petty.

Alam ko nang may anak na siya. Alam ko na ring may iba na namang babae sa buhay niya. But why is my heart still hoping for him? Why can't I just hate him and not hate and love him?

We weren't talking too much on site pero ramdam ko ang mga paninitig niya tuwing hindi ako nakatingin sa direksyon niya. Tuwing lilingon naman ako ay babaling siya sa ibang direksyon na para bang ayaw niyang makita ko ang ginagawa niya.

Tss. Ano bang gusto niya sa akin?

I am already done with the 3D visualization and blueprint of Rey's house. I just need to talk to Engr. Armendarez so he could share his expertise in structural design.

Although I am very confident with my design, it's good if I am going to consult an engineer about this matter. He's my partner in this project anyway. Sa aming dalawa ibinigay ni Rey ang tiwala niya para sa ipatatayong bahay. Ayos lang din sa akin kung magkakaroon man ng ilang tweaks dahil hindi naman maiiwasan iyon. I need an engineer for the safety of the building.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagtipa ng message para kay Engineer. For this project, nagpalitan kami ng mga numero. It's one of those days na hindi ako nagtungo sa site para bumisita. Anyway, twice a week lang naman ako nagpupunta roon. At dahil sa abala ako sa bahay ni Rey, nawawaglit din doon ang isip ko.

The Broken Vinyl's Beat (Casa Nueva Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon