Kabanata 25

201 10 9
                                    

Kabanata 25
Hope

  
Hindi ko nagawang makinig nang mabuti sa speech na ibinigay ni Kuya Ice at ng ilang mga importanteng tao para sa proyektong ito. Sa buong programa, ang laman lang ng isip ko ay ang nalaman ko mula kay Rico kanina.

May anak ka na't lahat-lahat, Santiago, pero hindi mo pa rin nagawang magbago!

"Architect," malumanay na tawag sa akin ni Rico.

Sa inis ko, sa kanya ko nabaling ang matatalas kong mga mata. He looked shocked at first but he smiled afterwards.

"Halika na ro'n at may picture taking tayo kasama sina Sir Isaiah." Itinuro niya ang lugar kung nasaan na ang engineers at ang pamilya ko. Natawa siya nang natantong iritado pa rin ako. Ngumuso siya at umiling. "Ganda pa rin kahit masungit," he whispered but I was able to hear it.

I shook my head and walked with him towards the people. The photographer placed me beside Engr. Armendarez. Hindi ko siya tiningnan. Hindi ko siya ginawaran ni katiting na atensyon ko. Who are you, Santiago?

Ang mga kuya ko naman at si Papa ay nasa kabilang gilid ko. I can hear Ishmael Raleigh smirking. Did they all plan this out?!

"Santi, move a little bit closer to Ar. del Prado," ngisi ng photographer habang nagbibigay ng instruction sa kanya.

Kahit na ipinuwesto kami sa tabi ng isa't-isa, he maintained a good distance between us like I have some skin disease. I rolled my eyes.

Umusog ng kaunti si Engr. Armendarez palapit sa akin at nakita ko ang pagkamot sa ulo ng photographer. I gave him a sideway glance and raised my brow on him. Mga matang seryoso at mariin naman ang iginawad niya sa akin, na para bang pinag-aaralan ang paraan ng pagtingin ko sa kaniya.

Getting impatient, humalukipkip ako at ako na rin ang lumapit kay Engr. Armendarez para makuha ng photographer ang gusto niyang distansya.

Natigilan siya sa pagtawa nang nakita na nasa kanya na ang mga mata ko. He muttered a soft curse and bit his lower lip while smiling before he took his camera.

Hands on our shovels, we posed for the pictures. Hindi ako ngumiti sa mga naunang shots. Ginawa ko lamang iyon nang pansinin ako ng photographer.

After the shots with the engineers, the photographer asked my family to have a photo together. Dahil ako ang kaisa-isang babae sa mga del Prado, ako ang iniligay nila sa gitna. Kahit naman mas matatangkad sila sa akin, hindi naman na ako nangliliit. I got used to it already dahil parati namang ganito ang pwesto namin tuwing may family pictorial. Gusto nilang ako ang inilalagay sa gitna.

Mabilis ding natapos ang photoshoot. Ilang litrato lang ang kinuha at pinakawalan na rin kami ng photographer. Kaya lang, napansin ko ang kakaibang baling ng mga mata niya sa akin. Sa dalas kong nakikita iyon sa mga lalaki, para bang gusto ko na lang silang irapan.

"Harry Zamora, Architect." Naglahad ng kamay ang photographer sa akin. I accepted it and shook it.

"Sierra Serafina del Prado," I answered coldly.

Umupo siya sa upuang inookupa ni Breanna kanina.

I'm still waiting for her, though. Matapos kasi ang program kanina ay may maliit na salu-salo. My best friend had to answer a very important call kaya she excused herself, leaving me alone in our table. My family has already left the table. They're now talking to the other guests of this ceremony.

Kanina ko pa napapansin ang paninitig ng mga tao sa akin. Gano'n na ba talaga ako katagal na nawala rito sa Casa Nueva para paglaanan nila ng ganitong atensyon?

The Broken Vinyl's Beat (Casa Nueva Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon