Kabanata 13

157 6 0
                                    

Kabanata 13
Girlfriend

 
Hindi ko namalayang hinila na pala ako ng antok. Siguro dahil sa pagod sa pag-aasikaso sa kanya. Pero mapapagod ba ako pagdating sa kanya? Palagay ko, hindi.

Maybe I could just admire him from afar, huh? I won't do something stupid, I promise. I won't stand between him and his love. I may have fallen for him, but I am far from being stupid and ruining someone else's relationship.

Nagising na lang ako kinabukasan nang may naramdaman akong humahagod sa aking buhok. The soft strokes on my hair made me want to sleep more. It's like a touch of lullaby, making me so sleepy. Imbes na imulat ang aking mga mata, pinili ko na lang na panatilihing nakapikit ang mga iyo hanggang sa muli akong hinila ng antok...

Ang sinag ng araw ang sumunod na gumising sa akin. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. At ang unang nakita ko ay ang nakangiting si Santi. Kinusot ko ang mga mata ko, nananaginip pa yata ako. I heard him chuckle.

Napakunot ako ng noo when I smelled Santi's scent around me. Nang tingnan ko kung nasaan ako, namilog ang mga mata ko. Bakit nakahiga ako sa kama niya? Sa pagkakatanda ko, nasa silya ako sa tabi nito kagabi, ah?

"Good morning, Sierra Serafina..." bati niya, mukhang ayos na ang pakiramdam niya. "Handa na ang hapag. Ikaw na lang ang hinihintay."

When he came closer to me, the first thing I did was reach for his forehead. He chuckled when I put the back of my palm there to feel his temperature.

"How are you feeling?" tanong ko sa kanya. He's doesn't feel that hot anymore. Normal na ang kanyang temperature.

He smiled. "I'm fine now. I have the best nurse ever. How can I not get well the fastest?"

I rolled my eyes and smiled eventually. "I'm glad you're feeling better." Lumabi ako. "You made me worry too much!"

"I'm sorry," he breathed.

We had breakfast that morning. Ininit ni Sorseng ang mga tirang pagkain kagabi. Sabay na rin siya sa aming kumain. Noong una ay ayaw pa niya pero kalaunan ay napapayag din nang ako na ang nagyaya sa kanya...

"Sumabay ka na sa aming kumaing, Sorseng," si Santi matapos lagyan ng kanin ang plato ko.

Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya sa paglagay pa ng kanin. Tiningnan niya ako gamit ang namumungay niyang mga mata. "Hmm?"

"That's too much, Santi. Hindi ko iyan mauubos. At saka ikaw ang dapat kumain nang marami. Ikaw itong kagagaling sa sakit pero ako pa itong nilalagyan mo ng pagkain."

He smiled. "Let me take care of you like how you took care of me, Rafi..."

I pursed my lips. Ayan ka na naman, Santi. You're making this hard for me. You're making me fall harder because of your actions.

Tumikhim ako at nilingon si Sorseng na hanggang ngayon ay nakatayo malapit sa lamesa. Pinipigilan din niya ang pagsibol ng ngiti sa mga labi niya. I pursed my lips. She might have seen how caring Santi is and she might have taught that something is going on between us...

"Please join us in breakfast, Sorseng." I smiled at her. "Thank you for taking charge in the kitchen..."

Ngumiti siya sa akin at tumalima, sumabay na rin sa aming kumain.

The Broken Vinyl's Beat (Casa Nueva Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon