Kabanata 33
Hand
Mas naging matagal na ang pamamalagi ko sa site. Wala naman akong masyadong gagawin sa bahay. Bukod kasi sa site visit na ginagawa ko, doon ko na rin naisipang tapusin ang paggawa ng dream house ko.Kinailangan ko ng tulong ng isang civil engineer para iapprove ang structural design no'n. Santi's always there to help me out. He even suggested some changes in my design para mas mapaganda iyon.
"I think this would be better. Mas magiging matibay ang pundasyon," he commented while staring at my design.
I can't help but smile whenever I realize how successful he is right now. He is one of the best engineers in Asia.
"May lakad ba kayo ni Breanna mamaya?"
I pursed my lips, thinking if Breanna and I have an appointment later. Hindi na kami nakakapag-usap lately. We became busier than before. I brought out my phone and texted her. Baka mamaya ay nagtatampo na naman iyon dahil hindi ko siya kinocontact.
"Hmm?" tanong ni Santi na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa lamesa ko. He's sitting on my office table, towering me, with his eyebrow raised.
"We don't. Are we going somewhere after we visit the site for Rey's house?"
Hinawakan niya ang kamay ko at dinala iyon sa kaniyang mga labi. Napanguso ako nang halikan niya iyon. Ngumiti siya sa reaksyon ko. "Uh-huh."
That afternoon, sa site ng bahay ni Rey ang naging tungo namin. The workers were very polite. Kada madadaanan namin ay hihinto saglit sa trabaho para batiin kami.
"Let's go?" aniya nang matapos ang site visit.
"Where are we going?"
He smiled. "Sundan mo na lang ang kotse ko," sagot niya. Kaya gano'n nga ang ginawa ko. His car entered a spacious parking space of a two-story house. Ilang beses ko nang nadaanan ang bahay na ito, at tuwing nadaraanan ko ito noon ay gandang-ganda ako. Hindi ko inakalang siya ang nagmamay-ari nito.
"Is this yours?" tanong ko nang makababa ako sa sasakyan ko matapos ipark iyon sa tabi ng kotse niya.
"Beautiful, isn't it?"
"Who's the architect?"
"Primo," maikli niyang sagot.
"Oh, I've met him!"
He glanced at me, ang noo ay nakakunot at ang mga labi ay nakatiim. I pursed my lips, trying to stifle a growing smile.
"Yes, you did. And you weren't wearing that goddamn ring," iritado niyang sabi.
I chuckled. I covered my mouth with a hand. Umiling ako at lumapit sa kaniya. Ipinalibot ko ang braso ko sa kanyang leeg at tiningnan siya sa mga mata.
So grumpy, Engr. Armendarez!
He looks so gorgeous even if he's like a kid throwing tantrums. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para hindi tuluyang matawa.
"Were you deceived? Hmm?"
I smiled when he continued being such a baby.
"Were you?" I probed when he chose just to ignore the question.
Pinagsalubong niya ang mga kilay niya at pagkuwa'y iniiwas sa akin ang paningin.
Oh! He was!
I chuckled. I tiptoed just to reach his lips to put a peck on it. "You thought I was engaged, didn't you?" pang-aasar ko pa.
"Paanong hindi ko iisipin 'yon kung sa mismong kapatid ni Atty. Aldeguer nanggaling?"
I caressed his jaw, and his eyes softened. "Magkaibigan lang kami ni Juan Miguel, Santi." I smiled.
BINABASA MO ANG
The Broken Vinyl's Beat (Casa Nueva Series #1)
Ficção Adolescente"Why does a heart that love hopes?" Sierra Serafina del Prado is beauty and elegance. She is always prim and proper, but she always loses her poise and control when the annoying Santiago Armendarez is in the picture. Sa muling pagbabalik sa Casa N...