Chapter 6

60 3 0
                                    

Almost an hour of staying inside her room, gusto na lang niyang bumuka ang lupa at magpalamon dito. An hour having some talks with Kendrick is fine with her, but a whole day or hindi niya alam kung hanggang kailan ito sa puder niya is just giving her unstable and unpleasant feeling, its actually affecting or disturbing her at some moment.

Napabuntong hininga na lang siya sa sarili at napagpasiyahan niyang lumabas na lang ng kuwarto niya.

Pababa na siya ng hagdan nang magsalita si Kendrick mula sa kung saan, at ng tingnan niya ito ay malapit lang din sa hagdan ito nakatayo. Napakurap kurap siya dahil hindi man lang niya ito napuna nung dumaan siya,

"Saan ang punta mo? Gutom ka na ba?"
tanong sakaniya ng binata, na lihim niyang ikinabuntong hininga bago sumagot dito habang nakatingin diretso sa mga mata nito.

"Lalabas lang pupunta ako sa isang kaibigan."
sagot niya at akmang tatalikuran na ito ng mapatigil siya sa sinabi nito,

"Baka nakakalimutan mong hinahanap ka ng mga reporters? Or kailangan ko bang ipaalala sayo?"
masungit na ani nito na ikinataas ng kilay nya.

"So galit ka na niyan?"
mataray na tanong niya sa binata,

"Bat hindi mo na lang papuntahin 'yang kaibigan mo, kung kaibigan nga ba talaga 'yang pupuntahan mo."
ani nito na tila nang aakusa, and Julie can't help it but shake her head in annoyance.

"What's with you?"
tanong niya sa nauubusan ng pasensyang tinig. Parang kanina lang okay naman sila, except sa fact na lampa ito kanina at medyo wierdo sa mga pinagsasabi nito.

"Bakit hindi mo na lang sabihin na makikipagkita ka kay King, sa siraulo mong ex."
Kunot na kunot ang noo at halos mag isang linya ang mga kilay nito. Habang nakatingin sakaniya, napuna rin niya ang nagtatagis nitong bagang na ikinapagtaka niya.

"Wait, what? Anong pinagsasabi mo diyan?"
naguguluhang tanong niya sa binata. She's clueless kung anong tumatakbo ngayon sa isipan ng isang Kendrick Fontallejo, kung noon marahil kilalang kilala niya ito pero ngayon ay hindi siya nagcoconclude ng kahit ano, mahirap na no. Mapagkamalan pa siyang assumera.

"Sabihin mo tama ako noh? Kaya di ka makasagot at yung tanong ko tutumbasan mo lang din ng isa pang tanong."
kunot na kunot pa rin ang noo at salubong na salubong ang kilay nito.

"Wait, saglit lang hah. Grabe di kita mareach, saan ba ang coverage ng usapang 'to? Bat parang ikaw lang nakakaintindi ng pinupunto mo?" Pagpapasaglit niya sa binata bago nagpatuloy sa pagsasalita.
"Care to explain to me kung anong ipinuputok ng butsi mo? Sinabi ko lang na pupunta ako sa kaibigan ko tapos naggaganyan ka na."

Ilang segundo namang natahimik si Kendrick habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Julie, hanggang sa ito mismo ang sumuko at walang lingong likod na iniwan siyang mag isa.

"Buwiset lakas na naman ng topak ng engineer na 'yon"
napapailing na tugon niya sa sarili, ngunit papalabas palang siya ng bahay ay nag ring na ang cellphone,

"Papunta ako diyan."
bungad sakaniya ng nasa kabilang linya, na ikinataas ng kilay niya

"What? Why would you?"
tanong nya rito,

"Well naisip ko lang pumunta diyan, makikikape lang."
sagot ng nasa kabilang linya, none other than Dr. Albrecht ang kaibigan niyang psychologist.

"Ah talaga ba?"
sarkastikong aniya rito,

"Oum nga, tsaka makikichika din ako ng kaunti as in unti lang talaga."
sagot nito, tsaka ibinaba ang tawag. Then a presence from her back talk to asked her,

"Oh, di ka pa pala umalis?"
ani ng tinig mula sa kaniyang likuran, inirapan niya lang ito at akmang dadaan patungo sa sala nang harangan siya nito.

"Galit ka ba?"
malumanay na tanong nito sakaniya, habang diretsong nakatitig sakaniyang mga mata and Julie can't stare back at Kendrick's eyes. Para kasing may kung ano sa mga mata nito na nakakapanghina sakaniya, hanggang sa palapit ito ng palapit sakaniya hindi man lang siya makagalaw sa kinatatayuan niya.

Loving PerilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon