Hindi mapakali si Julie sa kinauupuan, habang nasa bahay silang lahat ni Lineth para doon mag-ipon-ipon habang wala pa silang nakukuhang tawag mula kay Ciera, patungkol sa mga nakuha nitong footages ni King.
At sinusubukan din nilang itrack lahat ng CCTV's sa loob at labas ng area sa tulong ni Angela kung saan makikita ang nakaside view na si King. Pero wala, wala na silang makita. Talagang naging mailap na ito sa camera mukhang nag iingat na nga talaga ang lalaking iyon na huwag matunton, ngunit ang palaisipan sakaniya ay kung paano itong makagalaw ng parang alam ang bawat kilos nila gayong mas malakas ang koneksiyon ng grupo nila.
Napatingin na lamang siya sa mga kaibigan na buong araw at buong magdamag ng kasama ni Julie, ang mga nalasing nagising na at nakabawi na rin ng ulirat pero wala pa rin silang makuhang kahit na ano sa lokasyon ni King.
"Sa tingin ko may tumutulong sa lalaking 'yon para makapagtago ng ganito,"
komento ni Erika na ang tinutukoy ay si King habang may ice bag na nakapatong sa noo, at may subong stick-o sa bibig."Yan din ang naiisip ko eh."
komento rin ni Gabriela, na hawak naman ang garapon ng stick-o at pilit nilalayo sa mahabang kamay ni Erika."I don't think na si Irene at King lang ang gumagawa ng gulo ngayon, bakit hindi niyo ibackground check yung kompanya ni Kendrick?"
komento ni Rudelyn na ngumangata ng kernel popcorn same with Lineth."Eh malay niyo naman, malakas ang loob kasi may sindikatong naka-back up."
ani ni Shicha na nakahilata lang sa sahig, napa isip naman din siya sa bagay na iyon."Ewan ko, pero anong ginagawa nila sa balwarte ni Ciera? Sa dami ng lugar bakit doon pa?"
sagot at tanong ni Julie sa mga kaibigan habang siya ay nagpadala ng text kay Kendrick na baka gabihin pa siya ng uwi kaya wag na siyang hintayin nito.Matagal bago siya nakareceive ng reply.
From Kenny:
Okay take care, I'm actually heading my way to our site. Baka abutin ako ng 1 week doon, para matapos namin kaagad yung construction.Napatango na lang siya at hindi na ito inabala pang tawagan at baka bumabiyahe na ito. Kampante naman si Julie sa kaligtasan ng binata dahil pinasundan niya ito sa tulong ng mga tauhan ng Sanchéz, kaya hindi siya masyadong nag aalala sa pag alis nito.
"I guess dito muna ako mag-stay for the night wala ring tao sa bahay namin."
imporma niya sa kaibigan habang nagtatype ng reply kay Kendrick.
Nang matapos siya sa pagtipa sa screen ng cellphone niya, kunot noo siyang nag angat ng tingin sa mga kaibigan dahil sa pananahimik lang ng mga ito.Only to see them staring at her habang may nakakalokong ngiti sa mga labi, samantalang ang iba ay parang mga ewan na pilit sinusupil ang ngiti.
"Stop that, ang creepy niyong tingnan,"
singhal ni Julie sa mga kaibigan na sabay-sabay lang na naghagikhikan ng punahin niya ang mga ito."The heck?"
kunot noong baling ni Julie sa mga kaibigan sa naging reaksiyon ng mga ito,"Did you just said, bahay namin? Or pinaglalaruan lang kami ng pandinig namin?"
tanong ni Sheena sa tono ng mapang-asar, na lihim na ikinatigil ni Julie kapagkuwan ay lihim ring napailing sa sarili. Mga malisyosa."You just misheard it."
Julie answered dismissively, but her friends doesn't know how to drop a topic tulad na lamang ngayon."Grabe namang misheard yan, so sinasabi mong walo ang bingi sa aming mga kaibigan mo?"
tanong naman ni Angela na may hawak na tablet halatang may pinagkakaabalahan doon."Just drop it, let's just focus on finding an asshole."
ani ni Julie na mukhang napansin naman ng mga kaibigan that she's deadly serious, at walang panahon para makipaglaro o makipaglokohan kung kanino man. So they did drop that topic, and continue in searching the scumbag's location.
BINABASA MO ANG
Loving Peril
RomanceJulie Arabelle Sanchéz, an awarded chef and the owner of El Sanchéz Cuisine. Had never gave up in giving second chances even how the person broke her apart, because she believes that 'nobody's perfect and everyone deserves second chances.' At the ag...