Chapter 20

35 1 0
                                    

Julie just crossed her arms while silently sitting on the passenger seat, and raise her eyebrow to her brother who keeps on tapping the steering wheel. Naipit kasi sila sa gitna ng traffic, at mula ng sunduin siya nito wala pa rin itong kinikuwento o sinasabi na kahit ano.

When she's about to asked him ay siya namang pagtunog ng cellphone niya. Hindi na 'yon nakasilent unlike nung umalis siya ng bahay niya kanina with Kendrick.

*Angela's Calling...*

"Oh? Napatawag ka? May nakalimutan kang sabihin?"
tanong ni Julie kay Angela nang masagot niya ang tawag nito.

"Bat ngayon pa nag-tragffic?"
dinig ni Julie na bulong ng kapatid na si Noah na hindi na lang naman niya pinansin.

["Julie! Did you know?"]
tanong ng kaibigan sakaniya and she just rolled her eyes mukhang lutang na naman eh.

"Is this some kind of logic? Or Facts that you know? I can hear one, cause were probably stuck in this traffic."
Ani ni Julie sa kaibigan.

["No! What I mean is about Kendrick!"]
sigaw nito mula sa kabilang linya dahilan para malukot ang mukha niya.

"What about him?"
tanong ni Julie sa kaibigan habang napatingin naman sakaniya ang kapatid niya, na hindi naman niya pinansin at inirapan lang. Chismoso.

["I guess you don't really know,"]
bumuntong hininga pa ito na para bang problemado.

"Ano ba kasi 'yon?"
nauubusan na ng pasensya na tanong ni Julie sa kausap, habang unti-unti na ring humuhupa ang trapiko at dahan dahan na ring umuusad kahit papaano ang sasakyan na sinasakyan nila unlike kanina.

["Paalis ng bansa si Kendrick!"]
imporma nito sakaniya na ikinatigil niya.

"Wala naman siyang nabanggit sakin kaninang umaga, are you sure about that?"
paniniguro ni Julie sa sinabi sakaniya ng kaibigan at baka kung anong kalokohan na naman ito, na napagdiskitahan siyang pagtripan.

["Yes I'm pretty sure about that, I'll send some photos of him na napull-out ko sa CCTV's ng airport."]
ani ni Angela sakaniya, tsaka natapos ang tawag kasunod ng isang multimedia. It's the photos Angela was talking about to her.

And Angela's telling her the truth nasa airport nga ito, at mukhang problemadong nakatingin sa kung saan. Doon dahan dahang nag sink in sakaniya ang text at pagsundo ng kapatid niya sakaniya.

"You know about this? Na aalis si Kendrick?"
baling ni Julie sa kapatid pero hindi ito sumagot sa tanong niya, bagkus ay mas binilisan lang nito ang takbo ng sasakyan.

Pagdating sa airport mabilis na bumaba si Julie sa sasakyan, this is like a deja vu. Years ago after she had confess to Kendrick ay umalis rin ito ng walang paalam sakaniya o kahit na ano pang balita mula rito.

Paikot ikot at palinga linga siya sa paligid pero wala siyang nakita ni anino man lang ni Kendrick doon sa halos mahigit isang oras na paglilibot niya sa lugar.

"Sorry, sister mine."
maya-maya ay narinig niyang sambit ni Noah, at sa sinabi nito na kahit wala namang nakakaiyak ay nagsimulang mangilid ang luha niya. Tila nauulit na naman kasi ang dati, pero bakit ngayon pa? Bakit hindi nung mga panahong hindi pa siya ganun kahulog sa binata? Bakit ngayon pa kung kailan masasaktan na siya ng sobra pag iniwan siya nito?

"D-Deja vu, Noah. Naulit na naman ba?"
nauutal na ani ni Julie at wala namang naging sagot si Noah kundi ang yakapin ang kapatid. Doon bumuhos ang luha ng dalaga, maya-maya lang ay nagdatingan ang mga kaibigan niya na sina Lineth, Angela, Shicha, Rudelyn at Ciera. Tahimik lang ang mga ito na pinagmamasdan si Julie,

"Shh sister mine, everything's gonna be fine trust me."
bulong ni Noah sa kapatid na mas lalo lang humagulhol,

"How will it be fine? Kung iniwan na naman niya ako?"
malumanay na ani ni Julie sa kapatid habang nakayakap sakaniya ang kapatid.

"H-Hindi na naman siya nagpaalam ng maayos, a-akala ko pa naman okay na kami. Akala ko this time pareho na kami ng nararamdaman pero akala ko lang pala."
dugtong pa ni Julie sa kapatid na para bang nagsusumbong ito.

Hindi naman napigilan ni Noah ang pagkuyom ng kaniyang kamao, of all the people ayaw na ayaw niyang umiiyak ang prinsesa niya. Kahit na nag aaway o bangayan sila madalas, ayaw niya itong nakikita sa mga ganitong situwasiyon but then naiintindihan naman talaga niyang may mga bagay na hahantong talaga sa tulad nito.

Matagal bago napagpasiyahan ni Julie na umuwi na lang dahil wala rin namang mapapala sa kakaiyak niya doon,

"Gusto mo bang puntahan na lang natin si Kendrick sa bansa niya?"
tanong ni Ciera na nakisakay sa kotse ni Noah, as the usual tinamad na naman kasi mag drive.

"Nah, kaya nga siya umalis para makalayo diba? And besides okay naman kami kanina so I don't have any concerns kung may nagawa man akong masama sakaniya, because I know to myself that I treated him so well."
paliwanag ni Julie sa kaibigan at tahimik lang namang nakikinig si Noah sa usapan ng dalawa.

"Pero hindi naman lahat ng umaalis ay para makalayo lang talaga tandaan mo yan, and believe me when I say that everything happens for a reason."
seryosong tugon ni Ciera, na ikinatahimik niya dahil may punto rin naman ito at wala rin naman siyang karapatan na magalit o kahit na ano pa man dahil wala namang sila ni Kendrick.

"I know that, don't worry I'll be fine. Wala rin namang kami eh, kaya ayos lang yon. Besides feelings ko lang naman talaga ang pinakasigurado ako, nothing less and nothing more."
tugon pa ni Julie sa kaibigan, hanggang sa namayani na ang katahimikan sa kanila. Wala rin masyadong gana si Julie sa nangyari, kasi okay naman sila kanina. Inihatid pa siya sa trabaho tapos ito na iniwan na siya at ayaw niyang maghabol. Kaya naman niyang puntahan o mahanap si Kendrick kung saang bansa o lugar man ito, but then she respects privacy.

"Susuko ka na lang ba?"
maya maya ay tanong ni Noah sa kapatid na si Julie,

"Hindi, pero hindi rin ako lalaban kasi alam kong wala rin akong ipaglalaban."
seryosong tugon ni Julie sa kapatid,

"Hindi ka sumusuko, pero sa tono mo parang ganun na rin yon. Isa pa, baka nakakalimutan mong mahal mo siya and that reason is enough for you to fight."
tugon pa ng kapatid na si Noah na ikinangiti ng mapait ni Julie.

"Yun na nga maaaring mahal ko siya, pero siya ba? Ano ba nararamdaman niya para sakin?"
ani ni Julie sa kapatid, hanggang sa natahimik na lamang sila ulit.
Hindi na rin nagsalita pa si Ciera na nakaupo lang ng tahimik sa backseat, at bahagyang nakakapanibago iyon para kina Noah at Julie pero hinayaan na lang din nila at baka trip lang din nito ang pananahimik.

Hanggang sa makita ni Julie na hindi sa bahay niya sa Ever Village ang uwi nila, kundi sa bahay mismo ng mga Sanchéz.

"What are we doing here?"
tanong ni Julie sa kapatid na si Noah,

"You can't stay at your house, maaalala at maaalala mo lang si Kendrick don. For now you should stay here for awhile."
suhestiyon ni Noah kay Julie and the latter didn't even argue, wala siyang sapat na lakas para makipagtalo pa. She's feeling so tired right now at gusto na lang niyang humilata at matulog.

Loving PerilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon