CLARIN'S POV
Nandito kami sa Mansiyon ni Sam, grabi ang laki pala ng bahay nila. Di ko naman akalain na isang anak mayaman pala tong si Sam, di naman kasi halata sa kanya eh. Nung unang kita kasi namin hindi naman siya inosente pagdating sa gawaing bahay yung parang alam na alam niya na talaga or sanay na sa house chores kaya di ko iniisip na galing siya sa mayamang pamilya. Isa rin sa nagustuhan ko sa kanya ay napaka tunay niyang kaibigan yung hindi ka lang lalapitan pag may kailangan ka kundi talagang lalapitan ka rin pag alam niyang may problema o malungkot ako at dadamayan ako niyan at ni motivate ako sa buhay to step forward. Mas lalo rin akong napa hanga niya na hindi siya mata pobre, that she treat people's equally mayaman man o mahirap.
"Hindi kapa papasok?" Boses ni Justin ang narinig ko sa likod, kahit hindi ako lumingon ay alam na alam ko ang boses niya. Nandito kasi ako sa garden nila, ang ganda kasi dito ang daming makukulay na bulaklak at hindi naman madilim dito dahil ang daming ilaw, habang ang iba naman ay nasa living room at sa kitchen naghahanda ng hapunan. Gusto ko lang lumabas at magpahangin kaya naisipan kung pumunta dito.
"Hindi muna, dito lang muna ako" sabi ko habang di man lang siya magawang tignan.
Simula nung hinatid niya ako sa bahay at sinabi kong 'wag na niya akong kakausapin ay ginawa nga niya yun. Kinausap niya lang ako nung nasa cafeteria kami pero inaasar lang ako nun.
"Kamusta ka?" Tanong nito at umupo naman siya sa tabi ko.
Hindi ko alam pero hindi ko kayang tignan siya. Pinilit ko rin kasi siyang kalimutan at iwasan, ayokong lumalim ang nararamdaman ko sa kanya, ayokong masaktan sa huli. Ika nga nila prevention is better than cure.
"Ayos lang ako" tipid kung sabi sa kanya.
"Alam mo Yen. Pinilit kung layuan ka tulad ng sabi mo. Pinilit kung iwasan ka at hindi kausapin o mag message man lang, kahit mahirap. Yung titigan ka lang sa malayo, fvck ang hirap pala." Tumawa naman siya ng mapait "Inabala ko ang sarili ko sa ibang bagay na nagbabakasakaling malimutan kita kahit pansamatala lang, nakipag date ako sa ibang babae, nakipag inuman ako sa kanila, pero after a minute babalij kana naman sa utak ko" sambit niya habanag naka titig sa kawala, pinilit ko rin naman ang sarili kung hindi maiyak "Noon hindi ako nahihirapan mapa sagot o makuha ang puso ng babae isang tingin ko lang sa kanila, nakukuha ko agad ang matamis nilang Oo. Pero pagdating sayo tiklop buong sistema ko. Yen, mahal kita. Di ko alam kung kailan. Naalala ko lang, bigla ko nalang itong naramdaman sayo" sabi niya ng naka tingin na sa akin at hinihintay ang sagot ko. Pero ilang minutes na ang naka lipas, di parin ako nagsalita kaya mapait siya tumawa "this is my first rejection as far at dun pa sa taong minahal ko ng totoo. Ang sakit pala" sabi nito at yumuko at parang pinahid ang mata niya. Di ko alam kung naiyak siya dahil nahihiya akong tumingin sa kanya.
Bumuntong hininga ako at kinalma ang sarili para di tuluyang umagos ang nagbabadya kung luha
"Justin, kung alam mo lang kung gaano kita ka mahal, kung sino ang tinitibok ng puso, kung alam mo lang na iniisip din kita araw araw, na kamusta ka, sinong kasama mo, kumain kaba sa tamang oras, anong ginagawa mo. Pero ayokong itanong yan ng diritso at harapan sayo dahil hindu ikaw yung lalaking pinagarap kung makasama habang buhay" mahaba kung sabi sa kanya ng diritso at di napigilang tumulo ang luha ko na mabilis ko namang pinahid.
Tumahimik naman ng ilang segondo bago siya nagsalita ulit.
"Di ko alam kung maging masaya ba ako dahil nalaman kung mahal mo rin ako o masasaktan dahil nalaman kung hindi ako ang lalaking hinahanap mo." Sabi nito at umiyak naman ito. Tinignan ko naman siya ng may lungkot sa mga mata. Ang sabi ni papa na hindi ko malilimutan, 'ang lalaking iiyak sa babae ay tunay nitong mahal'.
Hinawakan ko naman ang mga kamay niya "Justin, hindi ka mahirap mahalain."
"Then give me a chance to love you" sabi nito ng may malungkot sa mga mata nito. Yumuko naman ako at narinig ko ang pagbuntong hininga niya "May kulang ba sa akin? May kailangan ba akong baguhin para masabi mong ako ang hinahanap mo? Yen sabihin mo lang, gagawin ko para matanggap mo ako" despirado niyang sabi sa akin at kitang kita ko sa mga mata niya. "Yen mahal naman natin isa't isa, bakit mo ba nasabing hindi ako para sayo? Sa-"
"Dahil napaka babaero mo!" Putul ko sa sinasabi niya. Di ko alam kung nasaktan ba siya sa sinabi ko dahil ayokong tignan ang mukha niya, ayokong masaktan. Bumitaw naman siya sa pagkaka hawak sa kamay ko at sinabinutan ang buhok niya.
"Kaya mo nasabing hindi ako, ang lalaking pinangarap mo? Dahil sa babaero ako? Ganyan ba talaga ang tingin mo sa akin Yen?" Di maka paniwalang sabi niya sa akin.
"I-m s-orry. Natatakot akong mahalin ka. Natatakot akong masaktan. Natatkot akong lokohin mo. Ang daming mga what ifs sa utak ko at hindi mo ako masisi. Mas mabuti ng, lumayo ako sayo" iyak kung sabi at tumayo para sana umalis dun pero pinigilan niya ako.
"Bakit di mo subukan? Bakit di mo subukang pumasok sa isang relasyon? Bakit di mo subukan bago mo husgahan? Babaero ako, pero noon yun. Handa akong magbago para sayo, kaya patunayan yun. Just please give me a chance to prove it" sabi nito kaya humarap ako sa kanya.
"Madaling sabihin pero mahirap gawin." Iyak kung sabi at niyakap naman niya ako ng mahigpit. Ayokong itulak siya dahil gusto kong kayakap ang taong unang nagpapatibok ng ganito sa puso ko, mahal ko siya pero natatakot ako.
"Let me prove my love for you Yen. Hayaan mong ipakita ko ang nararamdaman ko sayo. Hayaan mo akong mahalin ka. Pangako, pag nagkamali ako ng isang beses, lalayuan kita. Just please." Makaawa nitong sabi habang niyakao ako na umiiyak. Humiwalay naman ako sa kanya at hinawakan ang mukha niya.
"Earn my trust then and when you take that please secure it." Seryoso kung sabi habang naka tingin sa mga mata nito. Unti-unti naman siyang ngumiti "Ito yung unang pagkakataon na tinaya ko ang puso ko. Gayunpaman, hinahawakan ko ang ang sinabi. I'll give you a chance, but please, don't hurt me. " sabi ko sa kanya na tumulo ang luha. Pinahid naman niya ang luha sa pisnge ko at hinalikan ang noo.
"When you feel inlove, you'll get hurt, but one thing for sure is that I'm inlove to you Yen and I promise, that I will love you forever till my last breathe and my loyalty is only for you" seryoso nitong sabi kaya ngumiti naman ako ng matamis.
Di ko alam kung ano ang mangyayari bukas at sa susunod na bukas. Pero tama siya, hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan. Dito sa mundo ay walang kasiguraduhan kaya dapat subukan para hindi mo pagsisihan balang araw.
Ako si Clarin Mae Dagandan, minamahal si Justin Sy ngayon, bukas at magpakailanman.
BINABASA MO ANG
She's A Secret Billionaire (COMPLETED)
Teen FictionWe want to have a better life, but this girl is different. A girl who pretend to be poor but we know that she has a reason. But the question is, what is it? Can she survive her pretending thingy? Or she will give up because she can't? At the moment...