CHAPTER 22

4.4K 126 0
                                    


"Ang bilis niyo naman ata maka order?" Takang sabi ni Jean ng makabalik kami sa table namin. May trey namang dala ang boys ng umupo sila kaya tatlong trey nalang ang bitbit namin ni King. Dahil walang sumagot sa tanong niya dahil kahit ako di ko maintindihan kung bakit kaya kumain nalang kami. Nag kwentuhan nalang sina Drew at Jean, close ba sila? Halata naman eh habang kinukulit naman ni Justin si Clarin pero halatang badtrip naman si Clarin. Pabebe pa 'to eh, crush naman. Lihim naman akong napangiti sa kanila.

"You want this?"

"Try mo to Sam oh"

Napatigil naman ako sa pagkain pati na ring tong mga kasama ko ng sabay naman magsalita sina King at Louie, nag tinginan naman silang dalawa.

Natapos ang lunch sa kwentuhan namin, hindi naman sila boring kasama dahil madaldal naman sila pero nag babangayan lang sina Clarin at Justin kaya di ko mapigilang tumawa. Tahimik naman si King, siya lang naman ang ayaw magsalita, kaya pinabayaan nalang namin.

Papasok na kami sa classroom namin kasama ko naman ang ka grupo ni King dahil mag kaklase naman kami. Students here in Chua University normalize my presence since they know the reputation of my family.

Pumasok na ang teacher namin at wala naman silang pinagawa kundi ang pagturo sa topic namin every subject.

"Sam" tawag sa akin ni Louie na nasa gilid ko, lumapit pala siya. Ano kaya kailangan nito. Tumingin naman ako sa kanya with *what-do-you-need-look* "can I get you number?" Wala alinlangan niyang sabi. Parang nabasa naman yata niya ang tingin ko kaya inunahan na ako "Don't get me wrong Sam, I just want to get your number, so I able to message you tomorrow at ma sundo kita" simple niyang sabi. Oo nga pala bukas na kami mag prepare para sa group report namin. Since wala naman si Nathalie at ang grupo ni Patpat, kami nalang ang magtutulungan nito.

"Sige" ngiti kung sabi at kinuha ko naman ang phone na Samsung Galaxy S20, wala na akong dapat na itago since alam naman ng lahat kung sino ako kaya no need to buy a Myphone.

"Alright Sam, I'll message you tomorrow" ngiti niyang sabi at bumalik na sa ino-upuan niya. Sakto naman ang pagpasok ng last teacher namin this day at uwian na.

"Goodbye class, be ready next week and we will have a quiz" sabi nito at tuluyan ng umalis kaya kanya kanya namang nag labasan ang mga classmates ko. Pansin ko rin na absent si Nhadine, kahapon pa siya wala eh, anyari kaya nun? Siguro matutuwa yun dahil na suspend ang enemy niyang si Nathalie.

"Sam!" Palabas na ako ng classroom ng may tumawag sa pangalan ko, si Louie ulit. Lumingon naman ako.

"Bakit?" Ng makalapit siya ay tinanong niya ako.

"May sundo kaba? Kung wala hatid na kita" sabi naman nito.

"Bakit mo naman siya ihahatid?" Tanong ni King ng makalapit sa amin dahil naka sunod pala sina King, Justin at Drew kay Louie.

"Wala naman, I just want to" inosenteng sabi ni Louie

"No, ako na maghahatid sa kanya" seryoso nitong sabi kay Louie at binaling ang tingin sa akin.

"Pabayaan muna Louie, si King na maghahatid" I don't know if there is a meaning the way Justin said that because he is smiling while looking at King or sadyang ganyan lang talaga siya mang asar? I don't know him that well though.

"Sige na King, biyahe na" Drew said while looking at King too with his smirk.

"Ok King. Sam, siya nalang maghahatid sayo, ingat, bye" ngiting sabi ni Louie at umalis naman silang tatlong naka ngiti. What is with them? Tinignan ko naman si King pero parang badtrip yata siya or what.

"Let's go?" Tanong nito sa akin habang inilahad niya ang kanyang kamay. W-wait, nag oo naba ako? I didn't remember anything. Pero pano ko naman siya tatanggihan? Nahihiya ako. Sa huli wala akong nagawa, alang naman e-snob ko lang siya at hindi tanggapin ang kamay niya. Bastos ko naman kung ganun and beside there is no malice after all.

Naglakad kaming dalawang magkahawak ang kamay maraming naka tingin sa amin at nagbubulungan sa paligid pero hindi tulad noon na kung magbulungan ay rinig na rinig ko, ngayon ay wala akong marinig at nagbubulungan lang baka takot kay King? Or what?

"K-king, yung kamay ko" kabado kung sabi. Ayoko sanang sabihin yan pero dahil sa mga tingin nila ay mas lalo akong nailang baka ano pa isipin nila, eh wala lang naman ito.

"Why?" Masungit nitong sabi at tumingin sa akin pero patuloy lang kami sa paglalakad.

"M-maraming nakatingin" alinlangan kung sabi at di magawang maka tingin sa kanya, ewan ko pero naiilang ako. Akala ko bibitawan niya ang kamay ko dahil huminto siya pero after a second ay di nangyari, kaya tinignan ko siya pero diritso lang ang tingin niya. Merong isang waterfalls sa may gilid namin kaya binitawan niya ang kamay ko at pumatong siya dun.

"King, anong gagawin mo?" Instead of answering me ay tumingin siya sa mga studyante at lumapit naman sila sa amin.

"EVERYONE! EVERYTIME SAM AND I PASSING THROUGH DON'T YOU DARE STARING AND GOSSIPING AT US. NORMALIZE OUR PRESENCE FROM NOW ON! " isang malakas niyang boses na sabi at bossy na seryoso. Nagulat naman ako sa sinabi niya dahil di ko inakala na yun ang sasabihin niya at sa public pa. Tumango naman ang mga studyante at nagsi alisan. Binalik ko naman ang tingin ko sa kanya at naka tingin rin pala ito sa akin. Naramdama ko naman ang bilis ng tibok ng puso ko ng lumapit siya sa akin ay bigla nalang bumagal ang paligid habang nakatingin ako sa kanya parang kami lang dalawa ang nandito. "You okay now? Can I hold your hands?" Sabi nito ng makalapit sa akin. Di pa man lang ako tumango ay hinawakan na niya ang kamay ko at naglakad dahil hawak naman niya ang kamay ko ay nadala narin ako sa kanya.

Ano ba 'tong ginagawa mo King? Ikaw pa rin ba 'to? Anong ginawa mo sa akin? Bakit ko to naramdaman? Hindi ako pinanganak kahapon para di maintindihan kung ano ang aking nararamdaman at bakit ko ito naramdaman, gusto ko si King.

Totoo nga ang nabasa ko sa libro at yung mga narinig ko. Hinding hindi mo ma tuturuan ang puso at hindi mo aakalain ang biglaan nitong pagdating at mararamdaman mo nalang agad na gusto o mahal muna ang isang tao. Kahit gaano mo pa ito ka hate, kung pinana kana ni kupido talagang tatamaan ka at hinding hindi mo 'yon maiiwasan.

She's A Secret Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon