CHAPTER 28

2.6K 71 0
                                    

SAMANTHA'S POV

"Anak! Bilisn mo diyan, nandito na si Zachary!" Sigaw ni mommy sa na nasa living room habang naglalagay ako ng liptint sa labi ko. Kahit kailan talaga, nasa dugo na talaga ng mga tao ang pagiging malakas na boses ng mga ina, hindi na yan magbabago.

Bumaba naman ako papunta sa living room at nandito na si King naka upo habang kausap sina mommy at Daddy.

"Ito na pala ang girlfriend mo Zach, dahan dahan kayo sa pagmamaneho ha?" Bilin ni Mommy sa amin

"Ingatan mo ang anak ko Zach" bilin rin naman ni Daddy. Hinalikan ko naman ang pisnge nila at umalis na kasama si King na magkahawak ang kamay.

"Tayo na pala?" Tanong ko sa kanya. Kasi diba? Pag mag jowa dapat sinagot nung lalaki ang babae, ang simabi ko lang naman sa kanya na mahal ko siya eh. Hindi ko naman sinabi na boyfriend ko siya. Diba? Wala gusto ko lang ng assurance, ganito naman talaga ang babae sa panahon ngayon eh, baka kasi mag akala ang babae na sila na nung guy kasi nag I love you-han sila sa isa't isa, pero ang totoo ay hindi dahil di naman sinabi nung guy na sila talaga, na mag jowa sila. Ah basta gusto ko ng assurance. Nababaliw na talaga ako kababasa ng wattpad.

"Bakit? You didn't consider our situation as a couple as a lover?" Di makapaniwalang sabi nito at huminto pa sa harap ng kotse niya dahil sa gulat.

Hinawakan ko naman ang dalawa niyang kamay at tinignan siya sa mga mata "King, it is not what you think. I just need assurance, na yung magsasabi kang, mag jowa tayo, na tayo na talaga. Kasi baka sa huli umasa lang ako na may tayo, it is better na sigurado noh" paliwanag ko naman sa kanya. He cupped my face and stare at my eyes.

"I understand your point my Queen. Samantha Bromeo, can you be my official girlfriend now? Do you love me like how much I love you?" Seryoso nitong sabi habang naka tingin sa mga mata ko na may pagmamahal.

"Zachary Chua. Yes, I am now your girlfriend and I love you and I will love you forever" ngiting sabi ko. Ngumiti naman siya ng matamis na niyakap.

"Huwag kanang maghanap ng assurance dahil hanggat nasa tabi mo ako, lahat ng ipapakita ko sayo may kasiguraduhan" sabi nito hinagkan ako sa noo.

-----

Papunta na kami sa school at nasa kotse ako ni King ngayon habang naka sunod naman ang guards ko. After a days na ma discharge si King wala namang nangyari sa amin o sa akin. Pero sabi ni Patpat, dapat daw huwag kaming pakampanti baka sa di inaasahang oras ay bigla nalang dumating si Claudio na siyang kinabahala ko, baka idamay na niya ang mga taong malapit sa akin.

Nang dumating kami sa school ay pinagbuksan ako ni King, nginitian ko naman siya. Papasok na sana kami ng campus ng may tumawag sa kanya.

"Si Daddy" sabi nito at sinagot ang tawag. May nakita naman akong matanda na naglalakad at nahulog ang kanyang bag at nahirapan naman siya yumuko kaya tinulungan ko ito.

"Salamat iha" ngiti nitong sabi ng maiabot ko sa kanya ang bag niya. Tumango naman ako at tinignan ang matandang papaalis.

"SAM!" Di ko alam ang nangyari sa paligid dahil parang wala pang segundo na tinulungan ko ang matanda ay may bigla nalang humablot sa aking kamay para maiwasan ko ang motor na humharurot. Nangyari na ito sa akin noon.

"Are you okay?" Si Nhadine. Siya ang tumulong sa akin para maka iwas ako sa motor na humaharurot.

"SAM! are you okay? Sorry di ako naka abot" alalang sabi ni King ng makalapit siya sa akin

"I'm fine don't worry" muntik na yun. Buti nalang naligtas ako ni Nhadine. Binalingan ko naman ng tingin si Nhadine at sinundan niya lang ang motor kung saan ito dumaan. Sinundan naman ito ng mga guards, pero malabong maabutan pa yun nila. "Thank you Nhadine" sabi ko kaya napa lingon siya sa akin, tumango naman siya.

"Don't mention it. Just be careful next time" sabi nito at umalis nalang. She is always been mysterious.

Lumapit sa akin si King at niyakap ako "Hindi kaba nasaktan? May masakit ba sayo?" Sunod na sunod niyang tanong

"King I told you, I am fine" sabi ko at hinagod ang likod niya para pakalmahin siya. Masiyado na yata siyang nag alala sa akin.

Naglakad na kami papasok sa campus, mula nung pumatong si King sa wall ng waterfalls at sumigaw na hindi kami dapat titigan ay parang normal na studyante nalang kami, yung walang nagbubulungan pag dumadaan ka, yung parang aware na aware ka sa mga kilos mo dahil ang daming tumitingin sayo, na kahit yung pag hinga mo at papansin at pag tsismisan nila, ngayon parang naka hinga na ako ng maluwag, I can feel that I have a freedom as well.

"King?" Tawag ko sa kanya habang papunta kami sa section namin. Tumingin naman siya sa akin. "Sa tingin mo, sino yung nag utos na sagasaan ako? Maaari bang si Claudio 'yun?" Seryoso kung sabi dahil di parin mawala yung nangyari kanina sa isipan ko.

"Yun din ang hinala ko Sam, pero kahit na ano man ang mangyari nandito lang ako at hindi kita pababayaan, tandaan mo yan. Hindi ka nag iisa sa laban na 'to" seryoso din niyang sabi habang naka tingin sa mga mata ko. Pinagsiklop naman namin ang mga kamay namin at pumasok sa classroom. Nilagay naman ni King ang bag ko nang maka upo ako sa upuan ko, siya kasi ang nagdala nito.

"GOOD MORNING CLASS!" bati ng first teacher namin kaya nag siupuan naman ang mga kaklase ko.

"Sam" tawag sa akin ni Patpat na na katabi ko lang.

"Hmm" sagot ko sa kanya habang di inalis ang tingin ko sa guro namin na mat sinusulat at sinulat ko rin yun sa notes ko para may aaralin ako mamaya. Dito kasi sa Chua University, hindi magsasabi ang mga teacher dito na sulatin ito etc dahil hindi na sila mag reremind sa amin about something, dapat diritso na kami at di na dapat pang sabihan o paaalahanan.

"Naalala moba si Rafael? Uuwi na daw siya, naka usap ko kasi siya sa Insta, ayun na kwento niyang uuwi daw siya. Sa wakas completo narin tayong tatlo" masayang turan ni Patpat at nakinig sa guro namin. Habang ako ay naka tulala lang. Galit ako sa kanya. Tapos ngayon babalik siya? Tss.



She's A Secret Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon