CHAPTER 2

8.7K 206 14
                                    

"Sam, sana makapagtapos tayo ng pag aaral noh? Gusto ko na talaga mai-ahon ang pamilya ko sa hirap" Ganyan talaga si Clarin, napaka sadista lang niyan, pero pag usapang pamilya, tiklop yan.

" Sabi nga nila, you can't taste the sweetness of success if you can't taste the bitterness of sacrifices, kaya kahit ano mang pagsubok na darating, wag tayong susuko" minsan naaawa na rin ako sa pamilya nila, puno kasi sila sa utang simula nung namatay ang papa nila. Kaya yung mama niya ay todo kayod, dalawa lang sila magkakapatid, buti nalang yung kapatid niyang lalaki na 15 years old, ay napakabuti at masipag.

"Salamat talaga ha, minsan talaga kailangan ko ng advice, para di ako mawalan ng pag asa, kaya thank you dahil nandiyan ka" huminto kami sa paglalakad at niyakap ako

" Ang drama mo rin eh" natawa na lang kami dahil sa ka dramahan namin

"Ang laki talaga ng Chua University, kailangan pa kaya tayo yayaman noh?" Sabi ni Clarin  habang nililibot ang tingin sa school.

Nasa school na kami ngayon, Hindi kami pareho ng course ni Clarin dahil Nursing ang kinuha niya. Malaki nga naman ang University na to, sa labas pa lang, alam mo ng pang mayaman tong school nato. Manghang mangha si Clarin parang ngayon palang naka kita ng ganito, habang ako ay tinitignan lang ang schedule ko.

"Sam, una na ako, baka ma late pa ako ehh" kanina pa pala kami, nakatayo dito, bakit di ko namalayan?

Di kami magka klase ni Clarin, dahil di naman kami pareho ng course na kinuha kaya magkaiba kami ng dadaanin.

"Sige, sabay tayo ng launch ha" tumango naman siya at tumakbo na.

Nagsimula na rin akong maglakad, saan koba hahanapin ang section ko?!

May nakita akong studyante na dumaan sa akin kaya tinanong ko siya.

"Excuse me? Pwede mag tanong?" Ngiti kong sabi.

"Sure ano yun?" Ngiti rin niyang sabi

"Saan po dito ang Business Department?" Magalang kong sabi.

"Papunta ako sa Medicine Department at madadaanan ko lang yan, sama kana sa akin." Ay bait nito! Buti nalang may mabait pa dito. Tumango naman ako at sabay na kaming naglakad

"I am Jean Gocela pala, ikaw?" Pakilala niya.

"Ako naman si Samantha Zieglier" ngiti kong sabi at tumango naman siya.

"Pwede sabay tayo mamaya mag launch? Wala kasi akong kasama eh" sabi niya na di maka tingin sa akin, ang cute. "Pero kung ayaw m-" I just cut her off

"No it's fine, meron din akong kaibigan kasabay, pakilala kita" excited kong sabi, she is fine naman, kaya no worries.

"Really? nice to hear that, magkakaroon ako ng friend dito. Kita nalang tayo sa mamayang launch ha?" Ngiti naman niyang sabi, bakit napa cute niya? Gusto ko pisilin ang pisngi niya.

" sige sige, salamat sa pagturo sa department ko ha, see yah" paalam ko sa kanya at ganun rin siya.

...

Nasa room na ako, wala namang bago pag first day of school, puro introduce lang sa sarili. Merong strict na teacher katulad ni Professor Lee, Korean yata to ehh, medyo matanda na siya. Napaka strict lang niya kaya lahat ng classmate ko, ay tumahimik after binato ng libro ang kaklase kong sumigaw, di kasi nito namalayan sa pagpasok ni Professor Lee sa classroom namin.

Walang pumapansin sa akin dito, may pagka matapobre ang ibang student dito, alam niyo yung instinct? Ganun yung naramdaman ko, dahil pagpasok palang namin sa University, talagang pinagtitinginan kami from head to foot, maayos naman ang suot namin, pero medyo luma lang at di branded ang bag namin ni Clarin. Dahil bored ako, dahil di kami classmate ni Clarin, nilabas ko nalang ang cellphone ko at nag Twitter.

'Is that a Samsung Galaxy S20?'

'Diba limited edition yan?'

'Pano siya naka bili niyan? Ehh mukha naman siyang mangangalakal?'

Napahinto ako sa pag scroll, dahil sa narinig ko

Owss nakalimutan kong binilhan pala ako ng phone na ni endorse ng BTS. Di naman ako bumili nito, kundi si Daddy, binilhan niya rin ako ng Galaxy Buds mga BTS merchandise, alam ng Family ko kung gaano ako ka addict sa BTS, kaya binilhan nila ako nito, napaka swerte ko at may supportive akong pamilya

' baka kumapit sa DOM' (dirty old man)

'Naku, prostitute yang ganyan, kaya nakabili'

Mukha ba akong ganyan? Kung isaksak ko kaya sa kanila milyones naming pera, nakaka inis ah.

Di ko nalang sila pinansin at nilagay ko nalang sa bag ang phone ko, ayoko marinig ng mga ganun, kaya bukas, bibili nalang ako ng Myphone, di ko nalang muna gagamitin tong phone ko. Baka pagkamalan pa akong magnanakaw ehh.

"Ok class, that would be all, and tomorrow we will start our first discussion" lumabas na ako dahil medyo late na, meron pa naman kaming usapan na sabay kaming mag launch nina Clarin at Jean.

Lalabas na sana ako ng room ng may napansin ako sa pinaka dulo, na natutulog. Hindi ba siya kakain?

"Kuya? kuya" niyugyug ko siya dahil natutulog talaga siya ng mahimbing, ayoko sana siyang istorbohin pero, baka nagugutom siya eh. "Kuya!" Medyo nilakasan kona dahil di parin talaga siya nagigising, baka matulad ito sa napanood kong K-drama na School 2013, namatay yung kakalase nila na akala nilang natutulog lang, dahil walang gumising sa kanya, nung next day palang nalaman na patay na pala yung classmate nila, nakaka sad lang, pero wag naman sana itong mangyari. "KUY-"

" What is you're god'amn problem you sh*t!" Napa atras naman ako habang naka hawak ang kamay sa dibdib ko. Ga*o yun ha, akala ko patay, buhay pa pala. "Did you see that I am sleeping ha!" Galit agad? Di pwedeng cool lang? "WHAT!" Hala galit talaga.

"A-ah k-asi" utal utal kong sabi, pero dahil sa masamang tingin niya ay nsabai ko ito, "I thought you're already dead?" Kinakabahan kong sabi, totoo naman talaga, concern lang ako noh.

"What the-" di siya makapaniwala sa sinabi ko kaya umiwas siya ng tingin at ngumiti,  wait ngumit akala koba galit? Pero buti nalang yun, kaysa sa magait siya noh, nakakatakot eh. Umiiling-iling siyang tumayo at ni tap ang buhok ko, I think you need to take your medicine" tumawa naman siya na parang isang malaking kagaguhan ang sinabi ko. Siya yata kailangan uminom ng gamot, at hindi ako. Baliw.

She's A Secret Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon