Dahil kanina pa ako nandito sa rooftop at tumunog na yung bell, ay umalis na ako dito. Baka ma late pa ako at pagalitan. Si Ginang Dracula pa naman ang time ngayon. Pag bukas ko sa pinto medyo hindi nabuksan pero nung nilakasan ko ng pag open may isang maliit na balde na may coloring food na color red ang bumagsak sa akin nung naubos na yung balde ay na cover sa aking ulo ang balde, dahil sa gulat at bilis ng pangyayari na di ko inaasahan ay di ako makagalaw. W-what the hell! Yumuko naman ako tinggal ang balde sa ulo ko at tinapon yun, bwe*it ang sino mang may gawa nito sa akin. Bumaba nalang ako sa hagdan ng may masamang loob pero akala ko tapos na yun pero nagkaka mali ako dahil madulas ang hagdan a sigurado akong may nilagay sila dito kung sino mang pes*i ang naglagay dito kaya nadulas ako papunta sa baba.
"A-ray" dahil sa sakit ng katawan ko, di agad ako makatayo at namimilipit pa ako sa sakit ng katawan. Halos maiyak na ako dahil sa sakit ng pwetan at kamay ko. Pero kahit masakit ang katawan ko ay pinilit ko paring tumayo at mag lakad para maka punta sa infirmary. Nang makapunta ako sa infirmary ay ni assist naman agad ako ng Nurse.
"Anong nangyari sayo iha? halika umupo ka dito" pina upo naman niya ako sa bed at nilinis ang katawan ko bago niya ito ginamot.
"Na dulas lang po" magalang kong sabi at tinignan naman niya ako ng di makapaniwala.
"Mag ingat ka sa susunod ha"tumango nalang ako dahil napapagod na ako. "Magpahinga kana lang dito, ako na bahala mag excuse sayo" sabi ng Nurse at tumango narin ako.
ZACHARY'S POV
"Drew, tawagan mo sina Joseph, Reynaldo, Leo at Jovin at papuntahin sila dito" seryoso kung sabi.
"Zach, sigurado kaba sa ginagawa mo? Sobra naman yata yan" sabi naman ni Louie pero tinapunan ko naman siya isang masamang tingin.
"Hindu kapa ba nasanay Louie? Matagal na natin 'tong ginagawa, binalik ko lang ulit ngayon" matigas kong sabi naman sa kanya
"Zach, mabait si Samantha, at saka di naman kasi niya kasalanan yun, pinagtanggol niya lang ang sarili niya" Ano bang problema nitong Louie nato? Sino bang kaibigan niya? Ako ba o yung tinatawag niyang Samantha na walang preno ang dila?
"Bakit mo ba siya pinagtatanggol? May gusto kaba sa kanya?" Galit kung sabi kay Louie, habang si Drew at Justin ay tinitignan lang kami. Ilang seconds din siya hindi sumagot.
"Hindi, mabait lang talaga siya" sagot naman niya, napa ngiti naman ako ng hindi maka paniwala.
"Wala kang alam Louie, kaya tumahimik ka" seryoso kung sabi.
"Zach andito na yung pinapatawag mo" sabi ni Justin at pumasok naman sin Joseph, Leo, Reynaldo at Jovin
"Alas, ano pong ipapagawa niyo?" Naka yokong sabi ni Joseph. Ngumiti naman ako ng nakakaloko.
"May ipapagawa ako sa inyo"sabi ko sa kanila
"Ano yun alas? Gagawin namin sa abot ng aming makakaya" sagot naman ni Leo kaya mas lalo pa akong napa ngiti. May pinakita naman ako sa kanilang litrato ni Samantha
"Siya. Siya ang bagong target, siguraduhin niyong mahihirapan siya sa loob ng University na 'to" seryoso kung sabi.
"Walang problema Alas, ang dali lang nito"ngiting sabi ni Reynaldo at kinuha naman ni Jovin ang litrato.
"Nasa rooftop siya ngayon, siguraduhin niyong pag labas niya, mararamdaman niya ang sakit at leksiyon kung paano sagut sagutin ang Alas II." Seryoso kung sabi sa kanila at tumango naman silang apat
"May naisip na ako Alas" ngiting demonyo na sabi ni Jovin.
Sinabi namn niya sa amin kung ano ang plano niya, tumango naman ako at ngumiti.
"Magaling, simulan niyo" utos ko sa kanila at umalis.
"Laki ng galit mo ha" natatawang sabi ni Justin
"Humanda siya sa akin" seryoso kung sabi. Pumunta naman ako sa CCTV's room at sumunod naman silang tatlo sa akin
"S-sir? Bawal po kayo dito" sabi nung guard na naka banta sa CCTV room, pero binigyan ko lang siya ng masamang tingin
"Tumabi ka diyan kung ayaw mong tadyakan pa kita" seryoso kung sabi, kaya sa huli wala na ring siyang nagawa at umalis na rin.
Umupo ako sa upuan sa harap ng mga computer at tinigann kong ano ang ginawa ng apat sa labas ng pintuan ng rooftop. Lihim naman akong napangiti sa ginawa nila. Tama, tama yan. Tignan natin kung kaya mo pa akong sagut sagutin ngayon.
Pagbukas niya sa pintuan ay bumuhos na ang tubig sa balde na may coloring food na color red. Natawa naman ako dahil sa nakita
"HAHAHAHA" tawa ko habang naka tingin sa kanya. Mas lalo pa akong natawa dahil nahulog siya sa hagdan na mas napaluha sa akin dahil sa tawa. Tapos na ang Plan A, Plan B na naman.
Tumayo ako para umalis
"Oh, anong mga tingin yan?" Galit kung sabi sa tatlo dahil kung maka tingin sila parang isa lang akong malaking kalokohan para sa kanila
"Zach? Ayos ka lang? Ikaw pa rin ba yan?" Di maka paniwalang sabi ni Justin at hinawakan pa ang pisnge ko pero hinampas ko yun kaya bumitaw rin siya
"Ga*o kaba? Malamang" galit kung sabi
"Ngayon lang kita nakitang tumawa ng ganun? Ayos kalang?" Di makapaniwalang sabi ni Drew habang si Louie ay tumingin lang sa akin na parang sinusuri ako.
"Bakit? Bawal nabang tumawa?" Galit kung sabi at umiling naman silang tatlo. Umalis naman ako sa CCTV room habang may ngiti sa labi na umiiling.
PATERSON'S POV
"Absent si Ms. Zieglier?" Tanong ng teacher namin
"YES ma'am, siguro nag transfer na 'yun kasi na realize niya na di siya belong here" natatawang sabi ni Nathalie pati na ang mga kaibigan niya at ibang mga classmate ko dito. Tinignan ko naman sila ng masama.
"Ok class qu- yes Nurse?" May Nurse sa labas kaya lumabas na rin si Ma'am.
"Pat? Bakit wala pa si Sam? Nagsimula na ang klase eh" sabi naman ni Hansel. Sa totoo lang nag alala na rin ako sa kaniya. Kompleto kaming lahat magkaklase at si Samantha lang ang wala dito. Tumingin naman ako sa katabi kong upuan, may nangyari ba sa kanya?
"Di ko rin alam eh, siguro may importante yung ginagawa" dahilan ko nalang at tumango naman siya. Mamaya nalang siguro at hahanapin ko siya.
Bumalik naman si ma'am sa loob ng room namin
"Absent si Ms. Zieglier dahil nandun daw siya sa Infirmary, kaya excuse siya ngayon" sabi ng teacher namin. Nagulat naman ako. Anong nangyari sa kanya?
"Hays sayang! Yan lang ang nangyari!" Nanghihinayang na sabi ni Nathalie
"Si*ulo talaga yang babae na 'yan ah, gusto mo ba upukan ko na?" Hamon ni Derick habang naka tingin kina Nathalie.
"Tumigil ka nga Derick, baka mapagkamalan kapang bakla at pumatol ka sa babae eh" sagot naman ni Ameer sa kanya kaya binatukan siya ni Derick.
Ano bang nangyari talaga sayo Sam?
BINABASA MO ANG
She's A Secret Billionaire (COMPLETED)
Teen FictionWe want to have a better life, but this girl is different. A girl who pretend to be poor but we know that she has a reason. But the question is, what is it? Can she survive her pretending thingy? Or she will give up because she can't? At the moment...