SAMANTHA'S POV
"Anak kunin mo yung ihain muna yun bulalo" utos sa akin ni Mommy. Kaming mga girls kasi ang nag luto. Habang ang boys naman au nasa living room nanonood ng basketball.
"Tawagin ko lang po sila tita" sabi ni Jean after niya nilagay ang mga pinggan at kubyertos sa lamesa.
"Nag usap kayo ni Justin?" Pag open ko ng topic kay Clarin na nasa tabi ko at nag hahain ng tinolang manok. Nakita ko kasing nasa garden silang dalawa kanina nung tatawagin ko sana sila kaso di ko na tuloy dahil mukhang malalim ang usapan nila kaya bumalik nalang ako.
Ngumiti naman siya at tumingin sa akin at tumango "Nanliligaw na siya sa akin" sabi nito kaya ngumuti ako sa kanya.
Alam kung masaya siya kay Justin. Mukhang takot lang talaga itong si Clarin na maloko. Pero masaya ako para sa kanya dahil alam kung masaya siya. Masaya din ako dahil binuksan niya ang puso nito. Masiyado kasi siyang focus sa family niya kaya di na niya naisipang pumasok sa relasyon na yan. "I'm so happy for you" ngiting kung sabi.
"Wohoo kainan na!" Sigaw ni Ameer ng makapasok sila sa kitchen.
"Amoy palang masarap na" sabi ni Justin naka pikit pa
"Mukhang mapaparami yata ako nito" sabi naman ni Hansel
"Gutom na talaga ako" sabi ni Patrick habang naka hawak pa sa tiyan na parang gutom na gutom.
"Kainan na!" Sigaw ni Drew kaya binatukan siya ni Jean na nasa tabi lang niya.
"Tulungan na kita diyan tita" sabi ni Louie
"Let me help you" lumapit sa akin si King at kinuha ang dala ko at nilagay sa lamesa. Umupo naman ang lahat at nagsimula kumain.
"Ito King masarap to, luto ko 'to" ngiti kung sabi at nilagyan ng bulalo ang pinggan nito.
"Thank you my Queen" ngiti rin nitong sabi sa kanya.
Napuno ng kwentuhan at tawanan ang aming hapunan. Masaya. Sobrang saya na makasama mo ang mga taong importante sayo. Masaya na kasama mo ang mga taong nagpapasaya sayo. Yung kompleto ang mga taong nagbibigay sayo ng liwanag. Wala na akong mahihiling pa. Sila yung hindi mabibili ng pera. Sila yung dapat mong e treasure. Sila ang totoo kung kayaman at hindi yung pera, dahil ang pera ay hindi mo madadala hanggang sa huli mong hininga. Sila? Yung mga kasama ko dito? Sila yung madadala ko at hinding hindi mo makakalimutan hanggang sa huli mong hininga, dahil naka baon na sila dito, dito sa puso ko.
"Ma'am bawal po talaga kayo dito" napa tingin naman kaming lahat sa pintuan ng kitchen at natahimik. Anong ginagawa niya dito? "Ma'am, Sir. Sorry po, ayaw niya pong paa awat eh, gusto niya daw kayong maka usap" naka yokong sabi ni Yaya.
"Ok lang Ya, kilala ko siya" sabi ko habang naka tingin kay Nhadine.
"Bakit ka nandito Nhadine?" Tanong ni Jean sa kanya
"I am here to talk about Claudio, gusto kung sabihin sa inyo kung nasaan siya. Kung nasaan ang Daddy ko" diritso nitong sabi na seryoso ang mukha.
"D-addy mo si Claudio?" Di makapaniwala kung sabi sa kanya at dahan dahan naman siyang tumango. Tumango naman siya at di mapigilan ang umiyak kaya nagulat ako sa kanya.
"S-orry sa nagawa ng family ko sa inyo. Ako na ang humihingi ng tawad sa mga kasalanan ng daddy ko at ni tito. Alam kung mahirap silang patawarin pero sana darating yung araw na mapatawad niyo po sila" seryosong sabi ni Nhadine habang naka yoko.
Lumapit naman si Mommy sa kanya at niyakap siya.
"Napaka tapang mo iha" tumingin naman si Nhadine kay Mommy. "Alam kung mahirap para sayo na harapin kami at ilaglag ang Daddy mo, pero tama ang ginawa mo iha. Salamat at hindi ka tulad ng Daddy mo" seryosong sabi ni Mommy. Tumulo naman ang luha ni Nhadine kaya niyakap siya ni Mommy.
Di ko naman mapigilang maiyak dahil sa nakita ko kaya niyakap ako ni King. Sobrang na touch lang ako. Masaya ako na sa wakas, natapos na itong gulo na ito. Salamat sa Diyos dahil gigising na ako araw araw, at wala akong kabang mararamdaman. Makaka hinga na ako ng maluwag walang poproblemahin.
Nasa police na sina Mommy at Daddy kasama si Nhadine upang e-report kung nasaan si Claudio para madakip na siyang ng mga awtoridad. Susunod naman kami mamaya dun nina King at Patpat sa police habang ang iba ay nagsiuwian na.
---
Papasok na kami sa Police office at kasama ko nga ngayon si King at Patpat. Hindi ko naman magawang di maisip ang nangyari ngayon, nag alala ako na baka hindi madakip ng mga awtoridad si Claudio.
Hinawakan naman ako ni King sa kamay at nginitian ko siya para bigyan ng assurance na okay lang ako. Alam kung nag alala siya sa akin.
"Tita, tito. Kamusta po dito?" Tanong ni Patpat ng maka pasok kami sa police office.
"Umalis na ang mga police iho at pinuntahan na kung nasaan nagtatago si Claudio" paliwanag ni Mommy kay Patpat "Gusto sana naming sumama pero hindi kami pinayagan ng mga police dahil alam nilang magkakabarilan doon" paliwanag ni Mommy.
"Mas mabuti na ngang di kayo sumama Mom, baka mapahamak kayo" sabi ko sa kanya.
"Gusto ko lang po pala mag sorry ulit" sabi ni Nhadine na naka upo kaya napatingin kami sa kanya.
"Iha, I told that it is okay. Kasalanan yun ng Daddy at tito at hindi sayo" sabi ni Mommy at ni tap niya ang buhok nito.
"Sam, sorry din. Dahil kahit alam ko kung ano ang plano di Daddy at Tito sayo, yung muntikan ka ng ma sagasaan ay di parin ako nag sumbong. Yung tumawag sayo nung time na na kidnap, ako yun, ni change voice ko lang. Sorry. I am very sorry" seryoso nitong sabi. Kaya lumapit ako sa kanya.
"Alam mo Nhadine, sa tingin ko nagawa mo lang yun dahil sa Daddy at Tito mo, pero alam ko, hindi mo 'yun ginusto. Napapatawad na kita Nhadine. Thank you sa pakikipag cooperate sa amin" I said from the bottom of my heart.
"Don't touch me! Let me go!" Sigaw ng isang lalaki at may malaking balbas na papasok dito sa police office habang ni escort ng mga police. "Nhadine?" Di makapaniwalang sabi nung edarang lalaki. "You did this?" Sabi nito habang pinagkunutan ang noo.
Lumapit naman si Nhadine sa edarang lalaki at tumulo ang luha "I-m sorry Dad. Hindi ko magawang tignan ka na naging miserable at naging masama at sumakit sa kapwa. Sawa na akong utusan mo na manakit sa kapwa. Sarili mo lang ang inisip mo Dad! Di mo manlang inisip ang kapakanan ko. Di mo man lang naisip ang mararamdaman ko. You're not even do your responsibility as a father. Nagawa mo pang sampalin ako. " iyak na sabi nito sa harap ng kanya ama. Di ko alam na may malaking dinamdam pala si Nhadine. Kaya pala napaka misteryoso niya?
"I-m sorry a-nak" iyak na sabi ni Claudio.
I pray the peace of their heart, our heart rather. Sana tapos na ang lahat. Sana maging masaya na ang lahat at wala ng magsasakitan. Alam kong may problema pang darating sa buhay namin at sana yung problema na yun ay kakayanin naming malampasan.
BINABASA MO ANG
She's A Secret Billionaire (COMPLETED)
Teen FictionWe want to have a better life, but this girl is different. A girl who pretend to be poor but we know that she has a reason. But the question is, what is it? Can she survive her pretending thingy? Or she will give up because she can't? At the moment...