CHAPTER 35

2.7K 60 0
                                    

SAMANTHA'S POV

Malapit na matapos ang isang araw alas 4:36PM na pero walang Zachary Chua ang nagpapakita o nagpaparamdam man lang. Talagang siya pa ang may ganang magalit ngayon? Ang kapal lang ng mukha. Edi magalit siya, wala akong paki alam. Nakakainis siya. Ayokong tumawag or mag message man lang di ko naman kasalanan kaya siya dapat ang unang mag approach sa akin at humingi ng tawad sa amin ni Rafael. Masiyado siyang over reacting.

"Lady kakain na daw po" tawag sa akin ni Yaya

"Sige po Ya, susunod po ako!" Sigaw ko. Nandito lang kasi ako sa kwarto at naka higa. Nabadtrip kasi ako kay King, ewan basta nakaka inis siya. Naiinis ako. But at the same time naghihintay akong tumawag siya. Bahala nga siya.

Bumaba nalang ako sa hagdan at iniwan sa kwarto ang phone ko para mag dinner.

"Sweetie umupo kana kain na tayo" sabi ni Mommy habang inihanda ang ulam namin

"Are you okay anak?" Tanong sa akin ni Daddy. Narinig naman yata ni Mommy dahil hinawakan ang noo ko

"Di ka naman mainit pero bakit matamlay ka?" Tanong  ni mommy ng makaupo ito sa upuan.

"Hindi naman Mom, pagod lang ako" paliwanag ko. Tumango naman sina Mom and Dad kaya nag simula na kaming kumain.

After naming kumain ay umakyat ako sa kwarto ko at humiga. Tinignan ko ang wall clock 6:27PM but still walang Zachary Chua. Kinuha ko nalang ang cellphone ko sa mini table at nag facebook para malibang naman ako dahil di pa naman ako inaantok.

While scrolling my newsfeed puro BTS lang ang nakikita ko, ang dami palang ganap di man lang ako na update, busy naman kasi ako eh, di na ako masiyadong nakapag open sa mga social media accounts ko.

Napatayo naman ako bigla ng may nakita akong post. W-what the! Kaya ba hindi nagpaparamdam sa akin si King? Dahil kasama niya itong babae na'to? Isang post ng babae na si Jeracil Salidaga na naka tag si King. Ang lapit pa ng mga ulo nila sa isa't isa at mukhang masaya naman si King. Di ko alam pero parang naiiyak ako sa nakita ko. Yan na? Maghahanap siya ng iba kahit meron pang kami? Pinagloloko ba niya ako? Di ko na napigilan ang luha kung umaagos kaya binalik ko nalang ang phone ko sa mini table at nagtalokbong ng kumot at dun umiyak.

Akala ko ba ako lang? Akala ko ba mahal niya ako? Lahat ba yun hindi totoo? Lahat ba yung pinapakita niya sa akin ay puro lang kasinungalingan? Di ko mapigilang makaramdam ng sakit sa puso dahil sa nakita ko, pakiramdam ko niloko ako, pakiramdam ko ang dali dali ko lang maloko.

Tumunog naman ang cellphone ko pero di ko iyon sinagot. Pero nung paulit ulit itong tumong ay kinuha ko nalang ito. Bakit ngayon ka pa tumawag King? Makikipag hiwalay kana ba? Kahit nanginginig ang mga kamay kong humawak sa phone ay sinagot ko naman ito at dahan dahang inilapit sa tenga ko at pinilit kong hindi maiiyak para hindi niya mahalata ang boses ko. Ayokong kaawaan ako. Ayoko.

"Sam? Are you still there?" Pangatlo niyang tawag sa akin

"Ahm, yeah" walang gana kung sabi. Narinig ko naman ang buntong hininga sa kabilang linya kaya hinawakan ko ang bibig ko para di maiyak.

"Sam, can you please go outside in your house? I'm here, I want to talk to you" sabi naman niya.

Is he going to break up with me? It seems like wala na akong magagawa. Kung mahal niya yung babae. I'm ready to let him go. For his happiness. Kahit masakit.

Pinatay ko naman ang tawag at pinahid ang mga luha sa mata ko. Lumabas narin ako sa bahay after kung inayos ang sarili. Paglabas ko nandun siya at naka sandal sa kotse niya.

Lumapit naman ako sa kanya at ganun din siya. "What are you doing here?" Una kung sabi pero hindi siya nagsalita. I guess ako nalang ang magsabi sa kanya nito. "If you're planning to break up with me, sabihin mo lang." Pigil iyak kung sabi. "Jeracil Salidaga is your new girl right? Sana nakipaghiwalay ka muna sa akin bago ka naghanap" diritso kung sabi. Tinignan naman niya ako ng hindi makapaniwala, I know nagulat siya kung bakit ko nalaman ang babae niya. No need to show your gulat reaction King. Just tell me nalang para mapadali ito. "Kung gusto mo hiwalayan just f-" di ko na tuloy ang sasabihin ko ng niyakap niya ako. No need to pity me King.

"Sam, what are you talking about? I won't do that. I will never break up with you" madiin niyang sabi kaya napangiti naman ako ng mapait

"Anong gusto mo King? Pagsabayin mo kami?" Di maka paniwala kung sabi. Sira*lo ba siya?

Humiwalay naman siya ng yakap sa akin and he cupped my face.

"Wala akong pagsasabayin. Ikaw lang ang girlfriend ko. Ikaw lang ang mahal ko. Dahil Jeracil is my cousin. Sinundo ko siya galing Paris at dumiritso kami sa bahay nila sa Province na walang signal kaya di ako naka tawag or text sayo. I-m sorry"seryoso nitong sabi. P-ero? Cousin? I thought babe niya yun? Ang tang* ko talaga literal!

Napayoko naman ako sa kanya dahil nahihiya ako "I-m sorry" nakapikit kong sabi kaya tumawa siya. I give him a death glare

"Ang cute mong mag selos" ngiti nitong sabi kaya inirapan ko lang siya.

"About pala kay Rafael, y-" he cut me off. Bakit ba ang hilig niyang hindi ako patapusin sa pagsasalita?

"Sam, I understand. Rafael explained me everything pagbalik ko dito sa Manila. I should be the one to say sorry dahil nag over react ako. Di ko kayo nabigyan ng pagkakataon mag paliwanag. Please forgive me" seryoso nitong sabi. Tumango naman ako at ngumiti at ganun din siya. Bakit ba ang bait ni Rafael? Sana makita na niya agad ang babaeng para sa kanya para tuluyan na siya maging masaya.

Niyakap ko naman siya ng mahigpit.

"Akala ko makikipag hiwalay kana sa akin?" Malambing kung sabi

"I won't do that my Queen. I'm deeply and crazy inlove with you. Ikaw lang habangbuhay" he said and kissed me passionately. God, I'm so inlove with this man.

She's A Secret Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon