Nandito kaming tatlo nina Clarin at Jean sa cafeteria at kumain ng lunch. Habang yung boys naman ay nasa meeting room. Ewan ko kung bakit. Pero pinatawa lahat ng boys sa first year college. Dunno lang kung bakit."So kayo na nga?" Tanong ni Clarin kay Jean. Anong ibig sabihin niya?
"Ahmm Oo" nahihiyang sabi ni Jean kay Clarin at kumain nalang para maka iwas sa tingin ni Clarin na mapang loko.
"Paano siya umamin? Nag kiss kayo? Anong sinabi niya? Nakaka kilig ba?" Ngiting sabi ni Clarin na sunod sunod ang tanong, kaya napatawa naman ako.
Nilingon naman niya ako at tinaasan ako ng kilay. Anong problema nito?
"Makatawa akala mo naman iba siya" tinignan ko naman siya na nagtatanong na tingin "Ay sus Sam, alam kung kayo na ni King, talagang kanina pa talaga ha, kaya wag kang tumawa diyan" sabi nito sa akin.
"P-paano mo nalaman?" Taka kung sabi. Bakit niya naman nalaman?
"Sam, ni message ni King si Louie kanina lang umaga" ngiting sabi naman ni Jean. Apaka daldal ni King. Kailan pa siya naging madaldal ha?
Kiniliti naman ako ni Clarin sa tagiliran ko kaya nahampas ko ang kamay niya "tumigil ka" saway ko sa kanya dahil nakikiliti ako pero tumatawa lang siya. Napaka samang kaibigan.
"Hello girls!" Bati ni Justin sa amin at kita ko naman ang pagsimangot ni Clarin, ano ka ngayon? Umupo naman ang walo at tumabi sa akin si King.
"Ano pala ang pinag meetingan niyo?" Tanong ni Jean na katabi si Drew na naka akbay kay Jean.
"Tinanong lang naman kami kung sinong may saksakyan sa amin, meron kasing foundation ang school at balak sanang puntahan ng mga first year college ang isang ampunan at tulungan. Para daw maka tipid sa sasakyan ay yung kotse nalang ng boys ang gagamitin, para yung gagastusin sa service na Van ay idadagdag nalang dun sa tulong ng mga bata sa ampunan" mahabang paliwang ni Drew
"Magandang plano ng school. Kailan yan?" Curious kung tanong
"Sa makalawa, ready naman daw yung mga gamit at pagkain na ibabahagi sa ampunan" sagot naman ni Patrick.
Kumain naman kami baka maabutan kami ng oras. Habang kumakain ay napuno naman ng kwentuhan, asaran, at tawanan ang aming tanghalian. May namimikon at napipikon. Merong galit at natutuwa. Merong tahimik at maingay sa amin pero alam namin sa isa't isa na masaya ang barkada dahil magkasama kaming lahat. Alam naming after college, we can face the reality, we can face the real problems, we should be more responsible, dahil darating ang araw na maghiwa hiwalay kaming lahat para magtrabaho at ang iba ay maka pamilya na. Pero sana, kahit magkalayo man kami ay hindi parin namin malilimutan ang isa't isa, hindi namin malilimutan ang mga good memories namin na magkasama at masaya, dahil yun ang gagawin ko.
Noon mabibilang ko lang talaga ang kaibigan ko dalawa lang dahil mailap talaga ako sa mga tao noon at inaamin ko yun di ko alam kung bakit basta feeling ko nilalapitan lang nila ako pag may kailangan sila, nagpaparamdam lang naman kasi sila sa akin kung may kailangan eh pero nung mag college ako, nag times 5 yung kaibigan ko, wala akong pagdududa sa kanila at masaya ako pag kasama ko sila. Di ko rin akalain na sa college ko rin maramdaman ang salitang pag-ibig, di ko akalain na sa college life ko, ay masasabi kung totoo nga ang nakikita ko sa movies, drama at nababasa ko that Love Is Powerful.
Tumunog naman ang cellphone ko may nag text, nang tignan ko si mommy pala.
Mom: Sweetie, dalhin mo ang mga kaibigan mo dito mamaya sa mansiyon, dito tayo mag dinner.
Sinabi ko naman sa kanila ang ni message ni mama, at lahat sila ay natuwa dahil kakain naman daw ulit at talagang food is life daw.
"Napaka patay gutom mo talaga Ameer" sabi ni Justin sa kanya
"Wow Justin hiyang hiya ah, kaunti lang kinakain mo?" Sarcastic naman sabi ni Ameer
"Tumigil nga kayo pareho naman kayong patay gutom" sabat naman ni Hansel hanggang sa di natapos ang bangayan nila at sumali pa yung iba kaya talagang nagsasagutan sila kung sino daw yung patay gutom, kahit si King nakisali kaya natawa nalang kaming tatlo nina Clarin at Jean.
-----
SOMEONE'S POV
"Siguraduhin mo lang na masusunog ang mansiyon nila at mamatay lahat ng mga naka tira doon, dagil kung hindi, ikaw ang susunugin ko. ALIS!" Isang malakas na boses ang narinig niya galing sa kwarto ng isang lalaki. Napa pikit naman siya dahil sa frustration at tumulo ang luha ng di namalayan. Umalis nalang siya sa labas ng pintuan kung saan nandun sa loob ang kanyang ama. Pumunta siya sa silid niya at humiga sa kama niya at umiyak. Hindi alam ng lahat na sa likod na pagiging matapang at maldita niyang ugali at mukha, ay may nakatatagong sakit at pangungulila siyang nararamdaman. People don't know that she is Fragile.
"Bakit? Bakit napunta ako sa pamilya na walang paki alam sa akin? Bakit mas inuna pa nila ang business nila kaysa sa pamilya nila? Madadala ba nila ang pera sa kabilan buhay? Hindi rin ba nila inisip na meron ps silang pamilya na kailangan ng attention nila?, kung sana sana nandito si Mama at buhy, sana hindi ako maging kawawa dito ngayon at hindi ako nag iisa, sana meron akong mapagsasabihan kung may problema ako at sana meron akong magulang na maiparamdam sa akin na mahal nila ako, kung nandito lang sana si mama" sabi niya sa kanyang isipan habang humagolhol ng iyak.
"Kung hindi na magbabago si Papa sa kanyang ugali, dapat ko siyang tulungan para magbago siya, ayokong tuluyan siyang maging ganyan habang buhay na wala man lang akong ginawa kahit maliit na bagay lang, gusto ko itong gawin, hindi para sa akin, kundi para rin sa kanya at sa pamilya namin. Oras na para itama ko ang pagkakamali ni Papa, oras na para baguhin siya. Alam kung nasaktan lang si Papa sa pagkamatay ni Mama, alam kung natabunan lang yung pagmamahal niya ng lungkot at pangungulila kay Mama kaya di na niya alam ang kanyang ginagawa" sambit ng dalawa sa sarili. Nagbihis naman ito at lumabas, may pupuntahan siya. Para matapos na ang gulong sinimulan ng pamilya niya. Pagod na rin siyang tumahimik lang sa gilid at manood sa mga ginawang gulo ng pamilya niya at walang ginawa. Pagod na siya.
BINABASA MO ANG
She's A Secret Billionaire (COMPLETED)
Teen FictionWe want to have a better life, but this girl is different. A girl who pretend to be poor but we know that she has a reason. But the question is, what is it? Can she survive her pretending thingy? Or she will give up because she can't? At the moment...