Tumingin naman sa akin si Mr. Salvador at lumapit siya sa akin.
"Iha, I'm very sorry for what my daughter did to you" mahinahong sabi ni Mr. Salvador. Tumango naman ako sa kanya, dahil nagulat ako sa ginawa niya sa anak niya at walang salitang lumabas sa bibig ko. Umalis naman si Mr. Salvador at iniwan lang ang anak niyang umiiyak. Tumingin naman sa akin si Nathalie na pulang pula na ang mata.
"S-sorry" mahinang sabi nito habang umiiyak at naka yoko. Marami siyang nagawang kasalanan sa akin pero di ko parin maiwasang maawa sa kanya. Lalapitan ko sana siya pero umalis agad siya at tumakbo paalis. Puro naman bulungan ang nasa paligid.
Lumabas naman galing sa meeting room sina daddy at mommy pati na rin sina Mr. Chua at si King.
"Sweetie aalis na kami we still have a meeting" sabi ni daddy
"Okay Dad, take care kayo always" ngiting kung sabi
"Who is these two ladies?" Tanong ni mommy habang naka tingin sa likod ko. She is referring to Jean and Clarin
"They're my friends mom. This is Clarin and Jean. Guys this is my Mom at Dad" pakilala ko naman sa kanila.
"Hello ladies, you both are beautiful, if you have time you can visit our house if you want" ngiting sabi ni Mommy ganun din si Dad.
"Ay nakaka hiya naman po, pero sige" mahinang sabi ni Clarin
"We will Mr. and Mrs. Bromeo" sabi ni Jean at nagpaalam na nga sina Mommy at Daddy nakisabay namang naglakad paalis si Mr. Chua, kaya kami nalang ang natira dito. Kanya kanya namang alis ang mga studyante pero di parin maiwasang tumingin sila sa akin.
"I'm glad that you're safe" sabi ni King na nasa gilid ko lang. Tinignan ko naman siya at ngumiti.
"Di pala ako nakapag salamat sayo. Thank you for saving me anyway" sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at umalis.
Nagpunta narin kami sa mga classroom namin, pero itong dalawa ay ang daming tanong about sa akin kung bakit ko daw itinago ang totoong ako etc sinabi ko naman na wala trip ko lang gusto ko lang maranasan mabuhay ng mahirap at ang dami pa which is totoo naman yan, pero hindi ko sinabi ang tungkol kay Christopher, dahil ayokong madamay pa sila.
Naghiwalay na kami ng daan since hindi naman kami pareho ng section. Pumasok na ako sa classroom namin at lahat sila ay naka tingin sa akin, hindi na tulad noon na may galit or nandidiring mga tingin kundi may respeto at pagkamanghang mga tingin nila sa akin, which makes me feel uncomfortable.
Lumapit sa akin yung Caryle hindi naman siya nambubully sa akin sadyang may sariling mundo lang talaga siya dahil puro BTS pareho pala kaming ARMY.
"Hi! I am Caryl Mae Salivio" pakilala niyo sa akin
"Samantha Bromeo" binalik na ni mommy ulit ang surname ko. Medyo nasanay na ako sa Zieglier pero na miss ko pa rin gamitin ang surname kong Bromeo.
"I've heard that you're an ARMY. Who's your bias anyway?" Ngiting nitong sabi.
"OT7 ako eh, pareho kasi silang mga magagaling" simple kung sabi
"Really? Oh same tayo! I think you're my soulmate" ngiti niyang sabi.
"Napaka FC talaga nitong si Caryle, nalaman lang na mayaman si Samantha lumalapit na" Parinig ni Daryle at nagtawanan ang mga classmate ko.
"Atleast hindi fake. At wala kang paki kung lumalapit ako" irap na sabi ni Caryle at nagsimula na nga silang magsagutan. Habang tinutukso naman sila ng mga kaklase ko.
Lumapit din ang iba ko pang classmate, may iba na humingi ng sorry sa akin na alam kung sincere naman kaya pinatawad ko na rin. Nag kwentuhan lang kami dito sa upuan ko dahil sila naman ang lumapit dito. Hanggang sa pumasok na ang teacher namin at bumalik na sila sa inuupuan nila.
"GOODBYE CLASS AND HAVE A GOOD DAY" ngiting sabi ng last teacher namin sa umaga at nginitian rin ako. Weird ng mga tao dito.
Lumabas naman ako dahil sabay kaming kakain ng lunch nina Jean at Clarin, kasi daw magpapalibre sila.
"Hello Sam! Naks, ang yaman mo pala?" Lumapit sa akin sina Drew, Justin at Louie dahil nauna na si King.
"Ahhmm" uncomfortable kung sabi. Sinapak naman si Justin ni Drew.
"Umalis ka ng natakot tuloy si Sam sayo" inis na sabi ni Drew kaya natawa nalang kami ni Louie.
"Can we just go? I am hungry" inis na sabi ni King habang nag hihintay sa mga kaibigan niya sa may pinto.
"Selos" natatawang sabi nina Drew at Justin habang papalapit kay King pero mahina lang at sapat na 'yon para marinig ko. Dahil di ko naman naintindihan kung bakit ay sina walang bahala ko nalang. Tinignan ko naman si Louie na nasa tabi ko at nginitian niya ako at ganun rin ako.
"Thanks to King that you're safe"ngiting sabi niya
"Yeah" sabi ko. Umalis naman siya at lumapit na kay King na may masamang tingin kay Louie. What's wrong?
Papasok na ako sa cafeteria at ganun parin ang mga tingin nila hindi na yung parang nandidiri na tingin kundi yung may respetong mga tingin sa akin. Nakita ko naman sina Jean at Clarin kaya lumapit na ako sa kanila.
"So, here comes the heir of the family" giggle na sabi ni Jean kaya binatukan ko nalang siya.
"Hello girls, can we join here?" Isang boses sa likod ko kaya tumingin ako dun. Anong ginagawa nila dito?
"Ang daming pwede upuan, bakit dito pa?" Malditang sabi ni Clarin kay Justin.
"Wala gusto namin dito eh" kaya umupo na nga sila. Umupo sa tabi ni Clarin si Justin at si Drew naman sa tabi ni Jean habang si King at Louie at nasa tabi k-ko?
Lahat ng mga mata ng students dito sa cafeteria ay sa amin naka tingin kaya di ako comfortable sa inuupuan ko.
"Libre mo kami Sam ah, kaya ikaw na mag order." Sabi ni Clarin. Wow. Ako pa talaga ha.
"Di ko kaya ang tatlong trey ng pagkain noh" sabi ko naman at totoo naman talaga.
"Then let me help you"
"Samahan na kita"
Sabay na sabi ni Louie at King kaya napa tigning ako sa kanila dalawa at ganun din yung kasama namin dito sa table.
"Ako na"
"No, I insist"
Sabay naman ulit nilang sabi. Kaya nagtinginan na sila.
"Okay I surrender, ikaw na" ngiting sabi ni Louie kay King. Tumayo naman si King at hinintay ang pagtayo ko kaya no choice ako kundi ang tumayo.
Ang taas pa ng pila kaya pumila nalang ako nasa likod ko si King. Nung tumingin ang nasa unahan ko ay nginitian ko ito pero nagulat naman siya. Kinalabit naman niya ang nasa unahan niya kaya lumingon ito at tumingin sa amin ganun din ang ginawa nito sa unahan niya ang so on at nag si tabihan sila at ang ending kami nalang yung naka pila dahil nasa gilid na sila. Anyari? Hinawakan naman ni King ang kamay ko at dinala sa unahan para maka kuha na ng pagkain. Ganun?
BINABASA MO ANG
She's A Secret Billionaire (COMPLETED)
Teen FictionWe want to have a better life, but this girl is different. A girl who pretend to be poor but we know that she has a reason. But the question is, what is it? Can she survive her pretending thingy? Or she will give up because she can't? At the moment...