CHAPTER 14

4.5K 135 0
                                    

Nakatulog ako dito sa Infirmary, kinuha ko ang phone sa bag ko, di ako naka bili ng Myphone dahil wala akong oras, di ko nalang ginagamit 'to sa Public. Mga 2 hourse rin pala ako natulog dito. Medyo hindi na masakit ang katawan ko pero wala parin akong lakas. Nag text nalang kay Patpat, baka kasi mag alala sa akin yun. Nag text rin ako kay Clarin na mauna nalang siyang umalis dahil may pupuntahan pa ako baka kasi maghintay pa siya.

'Pat, nandito ako sa Infirmary, wag kang magalala, I am fine naman' text ko kay Patpat

'Yen, wag mo nalang akong hintayin, may pupuntahan pa ako eh, take care' text ko naman kay Clarin

'Sam! What the! What happen to you? Are you okay?' Reply ni Patpat sa akin

'Nadulas lang ako but I am fine' reply ko naman pero di na siya na reply pabalik. Kaya natulog nalang ulit ako, baka paggising ko uwian na.

CLARIN'S POV

May natanggap akong message galing kay Sam. Ano ba naman 'to, oras na kailangan ko ng kasama dun pa siya wala. Hays.

Naglakad nalang ako papuntang gate na mag isa dahil wala si Sam.

"Hey Ms.!" Isang lalaking sumulpot at umakbay sa akin. Kinabahan naman agad ako bigla sh*t. Tumigil ka Clarin! Kiss lang yun, walang malisya yun okay? Binilisan ko nalang ang lakad ko pero sinabayan niya parin ako.

"Pansin ko lang, iniiwasan mo ba ako? Siguro di ka maka move on dun sa kiss noh?" Tukso niyang sabi sa akin pero deadma ko lang siya. Ayokong pag usapan yung nakaka diring pangyayari sa akin at pinilit ko talagang iwasan siya, una dahil naiinis ako sa kanya dahil sa ginawa niyang paghalik sa akin without my permission and even he ask me a permission, di ko pa rin naman siya papayagan noh and second nalaman ko na sikat pala ang grupo nila dito sa school pati na rin sa labas because of their reputation, ayoko ng may marinig na chismis dito kaya as much as  I can, why not? Pero kung sunod ng sunod ang malas sayo, ay talagang di mo talaga magagawa yung plano mong pag iwas sa kanya. "No need to ask, obvious naman diba?" Sabi naman niya na naka akbay pa rin sa akin. Huminto naman ako at tinignan siya ng masama.

"Bitawan mo ako at layuan dahil marami ng tao" seryoso kung sabi

"So what?" Inosente niyang sabi at di ako makapaniwala dahil ang slow niya, slow pa sa pagong kung maglakad? Gumapang? Ah basta.

"Bob* kaba? Ayoko ng chismis, kaya bitaw!" Galit kung sabi dahil talagang wala naman siyang balak na bitawan ako kaya ako nalang yung nag alis sa kamay niya.

"Ohh Is that a rejection? It hurts when it is a first time"  humawak pa siya sa puso niya na parang bang nasasaktan. Feeler.

"Alam mo, tigil tigilan mo nga akong bwe*it ka ha" galit kung sabi, nandito na kami sa maraming tao dito sa hallway kaya marami ng nakapansin sa aming magkasama at marami na ring nagbubulungan. Ito na nga sinasabi ko eh. Kaya mas binilisan ko na rin ang lakad ko.

"Ayoko, hatid na kita, gusto mo?" Aya niya sa akin. Pero pinanliitan ko lang siya ng mata

"Ayoko" matigas kung sabi at nag patuloy sa paglalakad

"Edi wag, susundan kita hanggang sa bahay niyo pati na bukas, sa susunod na bukas at sa-" di na niya tinapos ang sasabihin niya ng binatukan ko siya "A-aray, masakit ha" naka nguso niya. Why I find that so cute?

"Kung papayag akong ihatid mo, hindi muna ako susundan?" Tanong ko sa kanya, mabuti na rin *to para tantanan na niya ako, nakaka bwe*it ang presence niya sa totoo lang. Nag iisip pa siya at naka hawak sa baba niya na parang isang malaki ang iisipin niya eh kay dali dali lang naman nun.

"Okay deal!" Ngiti niyang sabi at naka lahad pa ang kamay pero ngumiwi lang ako at di tinanggap yun at iniwan siya. "H-hey!" Tawag niya sa akin at hinabol ako, lihim naman akong napa ngiti.

-----

"Pwede ba, bilis bilisan mo naman ang pag maneho, ka bagal bagal eh" bagot kung sabi.

"Ito naman napaka demanding. Sulitin kona 'to na kasama kita noh, kasi bukas at sa susunod na bukas, di na ako manggugulo" sagot naman niya. Ewan ko pero bigla nalang akong nalungkot dahil sa sinabi niya. Weird.

"Ano pala full name mo? Ang alam ko lang kasi Clarin eh" tanong naman niya

"Ayaw kung sabihin, bakit ba?"sagot ko naman

"Kung ayaw mo edi, di ako tutupad sa usapan natin" ngiti niyang sabi, tinignan ko naman siya ng masama

"Clarin Mae Dagandan. Happy?"ngumiti naman siya ng napaka tamis at tumango

"Ganda ng pangalan kasing ganda mo" seryoso niyang sabi. Pinigilan ko namang hindi ngumiti. Gag*o to ah. "Bakit nang blush ka?kinilig ka?"tukso niya sa akin pero sinamaan ko lang siya ng tingin at umiwas pero dahil makapal ang mukha niya ay ngumiti lang. "Wag kang mang blush, joke lang yun" natatawang sabi niya kaya mas na inis pa ako at hinampas siya sa braso, talagang sinasabi niya panget ako? Sira*lo.

"Hindi ako panget!" Sigaw ko habang hinahampas siya

"T-teka a-aray, joke lang" natatawa niyang sabi sa akin kaya huminto na ako baka mabangga pa kami sa di inaasahan. Tawang tawa naman siya pero inirapan ko lang.

"Napaka yawa mo talaga" inis kung sabi pero tawa lang ang sagot niya "diyan lang bahay namin ihinto mo nalang dito" sabi ko sa kanya

"Bakit dito, dun nalang sa tapat ng bahay niyo" sagot naman niya aba ang tigas ng ulo ha

Nang ni stop niya sa tapat ng bahay namin ay bumaba na ako.

"Hindi kaba magpapasalamat?" Sabi naman nito, lumingon naman ako at bumaba rin pala siya.

"Ikaw nagyaya at hindi ako, bakit ako magpapasalamat?" Maldita kong sabi pero as usual natawa na naman siya. Baliw.

"Iba ka rin" tawa niyang sabi pero ngumiwi lang ako.

"Anak? Ikaw naba yan?" Nagulat naman ako dahil nandun si mama sa may pinto at tinawag ako.

"Oo ma!" Sagot ko "umalis kana" mahina kung sabi baka kasi ano pa isipin ni mama. Lumapit naman ako kay mama at nagmano.

"Sino 'yun anak?" Tanong ni mama habang naka tingin kay Justin

"Ah wala ma, kaibigan lang" bagot ko namang sabi. Bakit ba kasi hindi pa siiya umalis? Tinignan ko naman siya ng *umalis kana look* pero slow ang yawa

"Ano kaba, bakit hindi mo pinapasok, halika ka iho, pasok ka muna" yaya naman ni mama

"Naku ma, wag na, nagmamadali yan eh" sagot ko kay mama at tinignan ko naman siya ng *makisabay ka look* pero wala paring effect, dahil napa slow talaga ni Justin at tinaasan niya lang ako ng kilay

"Sige po Ma, ayos po yan sa akin, gutom na nga rin ako eh" sagot naman ni Justin. A-ba? Kailan pa siya naging anak ni mama?

"Halika kana iho, pasensiya kana kay Clarin, di talaga marunong mag intertain ng bisita yan" ginaya naman ni mama si Justin papasok habang ako dito ay iniwan nila. So siya na yung anak niyo ngayon ma? Hindi na ako? Edi kayo na mag ina. Feeling close din 'to eh.

She's A Secret Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon