Uwian na ngayon at magkasabay kami ni Clarin ng uwi dahil may sundo naman si Jean ihahatid pa niya sana kami pero tumanggi na kami nakakahiya naman kasi eh.
"Kapagod mag lakad, sana pumayag nalang tayo sa alok ni Jean" dismayadong sabi ni Clarin
"Tumahimik kana nga diyan, nakaka hiya kaya" suway ko naman sa kanya
"Anong nakaka hiya dun? Siya naman nag alok" sagot naman niya habang naka yoko dahil daw sa pagod. Habang ako naman ay naka tingin sa daan at iniisip ang maging report namin next week, ayaw kasi nila akong tulungan sa report nung tinanong ko sila na sila nalang ang mag research at ako bahala mag explain, ang sagot nila ikaw nalang, kaya mo na 'yan. Mga walang silbing groupmate.
"Clarin!" Dahil nasa likod ako ni Clarin madali lang na itulak ko siya papunta sa gilid para ma iwasan ang motor na obvious naman na balak kaming sagasaan.
"Hoy! ga*o!" Sigaw naman ni Clarin dun sa papalayong motor habang ako ay tinignan lang ang motor papalayo. "Ayos ka lang Sam?" Tumango naman ako while Clarin is muttering because of them. Di ko mamukhaan kung sino sila dahil naka helmet sila at naka balot ang katawan nila, posebleng mga tauhan 'yun ni Cristopher at pwede ring hindi dahil ang bilis naman yata niyang kumilos sigurado namang may malaki siyang plano. Pwede ring si Nathalie, nagawa nga niyang ipa kidnap ako ipa sagasa pa kaya? Kahit di ko nakita ang mukha nila, klarong klaro naman ang plate number nila. Napangisi naman ako sa naisip ko, huli kayo o ikaw kung sino ka mang satanas ka.
"Hay nako, mga tao nga naman ngayon, walang magawa sa buhay, mga adik talaga" inis na sabi nu Clarin at nauna ng maglakad.
Nasa inuupahan na ako ngayon, nagbihis ako dahil pupunta ako sa mansiyon, kailangan ko ng tulong nina Daddy. After kung magbihis lumabas na ako at pumara ng taxi.
"Manong sa ****Village po" sabi ko at tumango naman si manong. "Salamat po" after ko magbayad ay naglakad na ako papunta sa mansiyon pero pina tigil ako nung guard ng village, di naman nila ako kilala dahil di naman ako lumalabas ng bahay, wala akong inatupag na iba kundi magsanay makipag away, mag aral at kumanta. Hindu rin ako binabanggit nina Mommy at Daddy sa business partner nila dahil alam nilang delikado ako na baka gamitin nila ako laban sa mga magulang ko.
"Saan punta niyo Miss?" Tanong ni Manong Guard
"Sa Bromeo's Mansiyon po, sabihin niyo nalang po na nandito si Samantha Zielgier" sagot ko naman, may tinawagan naman siya sa telepono niya at ng ibaba niya ay sininyasan niya akong pumasok. Kaya naglakad ako papunta sa mansiyon.
Wala paring pinagbago, milinis at elegante parin tignan. Pagpasok ko sa loob, nagulat ako na nandito si Paterson at...sino naman tong mga kasama niya? Tinignan ko sila isa isa, isa lang ang masasabi ko, malakas ang presence nila may kakaiba.
"Mom, Dad" tawag ko sa kanila at niyakap naman sila ng mahigpit "Pat" tinapik ko naman ang shoulder niya at tumango naman siya
"Napa dalaw ka dito anak? Anyways na kwento na ni Paterson lahat sayo pasensiya na anak kung naglihim kami ayaw ka lang namin madamay pero nagkamali kami, dahil nalaman ni Cristopher kung sino ka" nag alalang sabi ni Mommy.
"Mom, ok lang yun, naintindihan ko naman, basta ang importante, mag tulungan tayo para ma kamit natin ang hustisya." Seryoso ko namang sabi, tumango naman sila sa sinabi ko, tinignan ko naman ang tatlong nandito at mukhang nakuha naman nila Mom at ni Patpat ang ibig kung sabihin.
"Sila ang ka gang ni Paterson anak, wag kang mag alala, mapagkakatiwalaan sila, sa Chua University sila mag aaral, same school, same section" tumango naman ako. Kung ganun, sila ang dagdag dun sa groupmate ko, mukhang wala din akong makukuhang tulong galing sa kanila about sa report mukhang sosolohin ko nalang talaga ang report. Binati ko naman sila. "Hello, My name is Samantha Bromeo"pakilala ko at kanya kanya naman silang pakilala. "Hansel" "Patrick" "Ameer" tumango naman ako
"Anyways, what brought you here Samantha" Paterson interupt.
"I almost forgot, mom, dad kailangan ko ng tulong ninyo" seryoso kung sabi at sumeryoso naman ang mga mukha nila " kanina, may nanadyang sagasaan kami ni kaibigan ko, di ko alam pero masama ang pakiramdam ko dito, baka tauhan siya ni Cristopher, at pwede natin itong magamit laban sa kanya" paliwanag ko
"Pwede, kilala mo ba" sagot naman ni Hansel
"Yun ang problema, hindi ko namukhaan dahil naka helmet sila" dismayado kung sabi.
"Paano natin malalaman kung tauhan yun ni Cristopher?" Curious na tanong ni Jerick
"Nakita ko ang plate number nung motor" may pag asa kung sabi
"Marunong ako mag hack at mag trace, esend mo sa akin ang plate number at kikilosin ko yan mamaya pag uwi ko sa bahay" sabi naman ni Ameer, nginitian ko naman siya, kung sino kaman, humanda sa akin.
"Kayo na ang bahala sa Gangster World, alagaan niyo ang isa't isa, dahil kami ay pababagsakin namin si Cristopher sa Business World, pag unti unti ng bumagsak ang pinagkukunan niya ng kapangyarihn, siguradomg mauubusan diyan siya at mamatay" sabi ni Daddy at tumango kami lahat bilang pagsang ayon
Alam kung magtatagumpay kami, hindi basta basta gagawa ng plano si Daddy at Mommy kung hindi nila pinag isipan ng mabuti, thet think wisely before they act that is why I admire them a lot.
THIRD PERSON'S POV
Kinakabahang pumasok ang isang babae sa isang office room ng isang lalaki. Pero sa kabila ng takot niya ay pumasok parin siya para harapin ito. Pinihit niya ang pinto at nakita niya ang isang lalaking nakatayo paharap sa bintana na naka talikod sa kanya habang umiinom ito ng Avellino Wine.
"I am sorry, but the plan doesn't work" pormal na sabi nito sa lalaki na may takot sa boses. Humigpit naman ang hawak nito sa baso at hinagis ito na siyang nag bigay pa lalo ng takot sa babae para mapa atras siya. Lumingon ang lalaki sa kanya at binigyan ng masamang tingin at unti unting lumapit sa babae
"Wala. Kang. Kwenta" seryoso nitong sabi at sinampal na full force ang babae na siyang kinatumba nito
"I-im s-" di na pinatapos ng lalaki ang sasabihin ng babae at sinigawan na naman niya ito ulit
"GET OUT!" sigaw nito na may halong galit at tinuro ang pintuan palabas sa office room niya.
Umiiyak naman palabas ang babae na nanginginig pa sa takot. Umupo sa swivel chair ang lalaki, kinuyom niya ang kanyang mga kamay at ngumisi ng nakakatakot.
Bromeo. Bromeo. Bromeo. Ilang buhay ba meron kayo? Hintayin niyo lang kung paano ko kayo isa isahing papatayin. Hintayin niyo lang.
BINABASA MO ANG
She's A Secret Billionaire (COMPLETED)
Teen FictionWe want to have a better life, but this girl is different. A girl who pretend to be poor but we know that she has a reason. But the question is, what is it? Can she survive her pretending thingy? Or she will give up because she can't? At the moment...