Lumapit naman ako sa kanya at niyakap siya."Na miss kita" sabi ko at di napigilan ang pag iyak.
"Di ka parin nagbabago, 20 years old na tayo, pero iyakin ka parin" natatawang sabi ni Paterson kaya hinampas ko ang likod niya.
"At ikaw naman ang nagpapatahan sa akin" natatawa kung sabi. Humiwalay kami ng yakap at pinahid niya ang luha sa mga mata ko.
"Alam mo namang ayaw na ayaw kong nakikita kang umiiyak diba?" Seryoso niyang sabi. Binatukan ko naman siya ng napaka lakas.
"Sirau*o kaba? Ikaw kaya ang dahilan bakit ako umiyak, iniwan mo ako"umiyak naman ako kaya niyakap naman niya ulit ako.
"Sorry Sam, di man lang ako nag text or tumawag sayo, ayoko lang mapahamak ka, hanggat kaya ko ay gagawin ko" humiwalay naman ako sa kanya at tinignan siya ng seryoso.
"Anong nangyari? Bakit wala na akong balita sayo after nung accident? Even sina Mommy at Daddy ayaw sabihin sa akin kung nasaan ka, basta ang sabi nila, ay nasa tamang lagay ka. What really happen couz?"siya lang ang nag iisa kung pinsan at tinuturing ko na ring Kuya, pero nawala nalang siya na parang bula na di ko alam kung bakit.
"Nung araw na yun, malubha ang nangyari sa akin, dinala ako sa US ng magulang mo at doon ako pinagamot, nung maayos na ako, ni kwento nila sa akin kung sino ang gumawa nun at yun ay si Cristopher Reid, isang business man na kaaway ng Family natin at siya ang King I sa gangster world " kwento naman niya sa akin
"Anong ibig mong sabihin sa King I? Gangster World?" Curious kung tanong.
"May position ang Gangster World. Alas, King, Queen at Jack. Ang Alas I ay di ka maniniwala pero yun ang Daddy mo" nagulat naman ako sa sinabi niya? Nagbibiro ba siya? Bakit di ito nabanggit ni Daddy?. "King I naman ay si Cristopher Reid, and Queen I naman ay ang Mommy mo at ang Jack I ay si Daddy, sila ang first batch ng may mataas na position sa Gangster World" di parin ako maka paniwala sa mga nalaman ko, pero pilit parin akong tumango
"Kung merong first batch, meron ding second batch?" Curious ko namang tanong
"Oo, sa second batch naman, ang Alas II ay si Zachary Chua, King II ay si Loui Houston, ang Queen II ay si Nhadine Timberlake at ang Jack II ay ako" tumingin naman ako sa kanya at ngumiti
"Kaya mo pinasok ang Gangster World na yan dahil kay Cristopher Reid hindi ba?"tumango naman siya "kung ganon, bakit ka napunta dito? Alam ba ito na Mommy at Daddy?" Usisa kong tanong sa kanya
"Oo, plano namin 'to, di namin pina alam sayo dahil ayaw namin na madamay ka, pero huli na yata ang lahat, dahil nalaman ni Cristopher na ikaw si Samantha Bromeo, at ikaw ang target niya dahil nag padala ng death threat tungkol sayo si Cristopher sa magulang mo kaya nag aral ako dito, para mabantayan ka" Tumango naman ako.
"Gusto kung tumulong" I bravely said to him
"Walang problema yan Sam, pero kailangan nating planuhan 'yan kailangan natin mapatay si Cristopher Reid, hindi lang dahil sa pagsunog niya, kundi siya din ang dahilan kung bakit namatay ang magulang ko" galit niyang sabi na siyang kinagulat ko
"Mukhang malaki na ang kasalanan ng Cristopher na yan sa pamilya na 'tin, oras na para makita niya ang totoong ugali ng Bromeo Family" seryosong kung sabi
"Ikaw? Ayos kalang? Baka mapahamak ka" alala kung sabi"Sanay na ako Sam, from elementary 'till highschool ay nag aral ako kung paano makipag laban, malaki din ang tulong habang nanatili ako sa State, nung Senior Highschool na ako, umuwi na ako dito sa Pinas at pilit na makapasok sa Position of Gangster Wolrd, ilang beses na rin ako tangkain ni Cristopher, pero wala siyang laban sa akin, dahil isa meron din namang akong gang." Paliwanag naman niya na siyang ikinagaan ko ng loob, di na ako dapat mag alala dahil kaya naman pala ni Paterson ang sarili niya
"Ito siguro ang dahilan, kaya pinayagan ako ni Daddy at Mommy na maging independet at ni suggest na e change ang apilyedo ko, ito rin siguro ang dahilan kung bakit nila ako tinuruan makipaglaban hanggang sa masanay na ako kung paano makipag laban" sabi ko naman
"Di parin tayo pwede makampanti Sam, dahil hanggat merong Cristopher Reid sa mundo, nasa paligid lang ang kamatayan, huwag na huwag ka ring magtitiwala ng kahit sino, naintindihan mo?" Tumango naman ako bilang pagsang ayon. Ginulo naman niya ang buhok.
"Na miss kita Patpat" malambing kung sabu at niyakap siya ng sobrang highit
"Mas na miss kita, I just wonder kung sino mas malakas sa atin pagdating sa away" natatawang sabi ni Paterson, humiwalay naman ako ng yakap sa kanya at tinignan siya ng masama
"Gusto mo ba ng away? Exercise lang, ano?" Maangas kong hamon sa kanya na siyang ikanatawa naman niya " wag mo akong tawanan Paterson Bromeo, kahit babae ako kaya kitang patumbahin, Bromeo's parents ang nagturo nito uy" proud kung sabi. Tumatawa naman siya at nag taas ng kamay na signales na sumusuko siya
"Kung ganun, wala akong labas sayo Sam, pass nalang ako HAHA" natatawang sabi niya
"Sirau*o ka talaga" ngumiti naman ako at bintukan siya na mas lalo pa siyang natawa.
CLARIN'S POV
Saan naba kasi yung babae na yun? Baka ano ng nangyaring masama sa kanya dahil kina Nathalie, talagang pupugutin ko talaga ang buhok ng mga nun.
"Oh the another version of poor girl din oh" nagtawanan naman ang grupo ni Nathalie. Kakaisip ko pa nga lang sa kanila sumulpot na agad.
"Oh? Ano na naman ang kailangan ninyo?" Walang gana kung sabi.
"You know what? Palaban ka rin eh noh? Maganda kaba?" Nandidiring sabi ni Nathalie. Talagang napaka amp.
"Oo maganda ako, ikaw? Maganda kaba?" Confident kung sabi at tinignan siya from head to foot habang naka taas ang kamay.
"Ang kapal ng mukha mong questionin ang kagandahan ko noh?, wala ka nga sa kuku ko eh" proud nitong sabi at napa ngiwi naman ako
"Bobo kaba? Oh cut that question mark, bobo ka talaga. Talaga namang wala ako sa kuku mo, dahil dito ako, nasa harap mo" sagot ko sa kanya, nagulat naman ang mga kasama niya at tumingin kay Nathalie at balik naman sa akin kaya tinaasan ko lang sila ng kilay habang si Nathalie naman ay parang gusto ng pumatay.
"How da-" bago pa niya matapos ang walang kwenta niyang sasabihin, I just rolled my eyes and wave at iniwan kona sila dun sa pinto ng classroom nila, mga papansin sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
She's A Secret Billionaire (COMPLETED)
Teen FictionWe want to have a better life, but this girl is different. A girl who pretend to be poor but we know that she has a reason. But the question is, what is it? Can she survive her pretending thingy? Or she will give up because she can't? At the moment...