Hindi ko dapat sila pahintuin ngayon, hihintayin ko kung saan nila dadalhin si Sam at nang malaman ko kung sino nag utos sa kanila para gawin 'yun. Tuloy tuloy lang ang kotse nila hanggang sa huminto sila sa isang malaking bahay, kaninong bahay naman ito? Kanina pa ako kumukuha ng litrato, hindi ako tanga para di maisip yun, dahil ito ang gagawin kung ebidensiya laban sa kanila, tignan ko lang kung makapag sinungaling pa sila sa batas.
Nang huminto ang sinasakyang Van ng mga kidnappers ay binaba nila si Sam at pumasok sa malaking bahay at kinunan ko naman ng litrato 'yun. Kailangan ko ng back-up, hindi ito ang tamang oras para maging selfish ako tulad noon, buhay ng mahal ko ang naka salalay dito. Tinawagan ko naman si Louie, bakit ba kasi siya pa?
"King, siguraduhin mo lang na importante 'to, istorbo ka sa tulog" antok niyang sabi. Alas 9 pa natulog agad.
"I need your help" mabilis kung sabi, tumahimik naman sa kabilang linya. Is he still there?
"This is your first time asking my help ah, what is it?" Di makapaniwalang sabi nito but in a serious tone. Alam nilang hindi ako kailanman humingi ng tulung sa kanila, ngayon lang. Dahil ngayon lang ako humingi ng tulong, alam nilang importante 'yun.
"Sam is in danger, pumunta kayo dito sa *** bilisan niyo" seryoso kung sabi habang naka tingin sa malaking. Pumayag naman siya at pinatay na namin ang tawag.
Naka parking ako sa malayo pero kita ko naman ang malaking bahay kaya bumaba ako at tumakbo papasok sa malaking. Hindi basta basta ang kidnapper na 'to, malaking tao ang pakana nito dahil sa dami ng bantay at laki ng bahay na dinalhan, pero sino? At bakit si Sam? Gusto kong malaman.
May malaking halaman naman dito sa labas at doon ako nagtago, naghahanap ako ng tyempo para maka akyat sa pader. Hinintay ko lang na mawala dito sa perte ko ang tingin nila. Nung dumating na yung hinihintay ko at lumingon sila sa likod nila dahil sa tumawag ay wala pa sa segundo ay tumalon ako papasok sa pader nato, sanay na ako kaya hindi na ako nahirapan. Dun parin ako nagtago sa mga halaman at dahan dahan lumapit papunta sa bahay.
Nakita ko naman na may veranda sa second floor ay doon ko naisipang umakyat para makapasok sa loob, di ako makapasok sa pintuan sa baba dahil maraming bantay kaya naisipan ko nalang na sa veranda ako papasok. Muntikan pa ako mahulog pag akyat pero buti nalang naka hawak agad ako sa railings. Nang maka akyat na ako dali dali akong pumasok sa loob ng kwarto, buti nalang at wala tao dito.
Wala namang mga gamit dito kahit isa, siguro walang naka tira dito dahil wala akong nakita gamit kahit isa dito. Pagka labas ko sa kwarto ay may hagdan paikot at ng lumapit ako, doon ko nakita si Sam, na naka higa sa sahig at nakagapos ang kamay at paa na walang malay, napa kuyom ko naman ang kamay ko sa nakita. Mabilis ko namang kinuha ang cellphone ko at kinunan iyon ng litrato pati na ang mga taong naka paligid kay Sam at binalik iyon sa bulsa ko.
Meron namang isang idarang lalaking lumapit kay Sam at binuhusan ito ng tubig, what the fvck. Wala pang segundo pero tumalon ako sa second floor papunta sa frist floor at binigyan ng sipa yung nag hubos kaya tumapon siya, mabilis namang naka alarma ang mga tauhan sa paligid at sinugod ako pero lumaban ako at pinag sangga ang mga suntok nila, ng maka kuha ako ng pagkakataon ay sinuntok ko naman sa temporal bone ang lalaki at sinipa ang ari ng lalaki nung tumangka siyang susuntukin ako pero inunahan ko siya. Sinipa ko naman ang kutselyo na dala ng lalaki kaya tumilapon ito sa kung saan umikot ako at sinipa ang mukha niya.
"King sa likod!" Nung narinig ko ang boses ni Sam para akong nabuhayan at nung lumingon ako para tignan siya ay may bigla nalang humampas sa mukha ko gamit ang kahoy kaya napahiga ako hinawakan ko pa ang bibig ko na may dugo, tatayo sana ako para lapitan siya may humawak sa aking malalaking tao at tinalian ang aking kamay at tinadyakan. "KING!" sigaw ni Sam na naririnig kung umiiyak. Tinignan ko naman siya at ngumiti. Mas matatanggap kung ako lang ang masaktan kesa sa makita kitang nahihirapan Sam.
Lumapit naman yung lalaking nagbuhos ng tubig kay Sam sa akin at tumawa ng nakaka loko.
"Sa tingin mo, kaya mo ako? Hindi ang kagaya mo ang magpapa bagsak sa akin bata, kumain ka muna ng ilang sakong bigas bago mo ako labanan" seryoso nito sabi na naka tingin sa akin at tinadyakan ako sa sikmura.
"Tumigil kana! Ano bang kailangan mo sa akin?! Huwag mo siyang idamay dito!" Galit na sigaw ni Sam. Fvck Sam, huwag kanang magsalita, ayokong masaktan ka.
"You're asking me ha?" Ngisi nitong sabi habang papalapit kay Sam.
"Don't you dare lay your hands to her" diin kong sabi sa kanya pero ngumiti lang siya ng nakakaloko
"Ohh so you two are lovers right?" Loko niyang sabi habang naka ngiti, ngiti na may masamang balak.
"I'm warning you" seryoso kung sabi. Hindi niya naman ako pinakinggan at hinawakan niya ang buhok ni Sam, kita ko naman ang sakit na nararamdaman ni Sam sa mukha niya, tatayo sana ako para tadyakan siya pero inunahan naman ako ng mga tao sa paligid at pinagbubugbug.
"Alam mo kung sino ako? Ako si Christopher Reid. Ang taong papatay sa pamilya mo" galit na sabi nito habang naka tingin kay Sam. Di naman ako maka galaw dahil sa nanghihina na ako dahil sa bugbug na nakuha ko aa kanila.
"Bakit mo ito ginawa?" Sabi ni Sam kay Christopher na ngayon ay pulang pula na ang mata niya dahil sa pag iyak niya.
"Okay, let me tell you a story. Kasalanan talaga ng Daddy mo to eh, kasi mang aagaw siya. Inagaw na nga niya ang positon ko noon sa Gangster World, inagaw na nga niya ang babaeng pinakamamahal kong si Kristine, pati ba naman sa negosyo? Aagawin niya. Eh kung yun naman pala eh mabuti nalang kung patayin ko kayong mga Bromeo, katulad ng ginawa ko sa magulang ni Paterson Bromeo, dahil salot kayo, mga sagabal sa lahat ng pangarap ko, kaya dapat lahat kayo, mawala!" Galit nitong sigaw at tinadyakan si Sam. "Mas masasaktan si Kristine at Javier kung makikita nila ang anak nilang walang buhay, total para naman nila akong pinatay" walang buhay nitong sabi kay Sam. Kinuha naman niya ang baril sa lalaking nasa tabi niya at piutok iyon. Pero di ko hinayaan yun, tulad ng sabi ko, mas mabuti ng ako ang masaktan kaysa sa makita kung nahihirapan si Sam. Di ko akalain na darating ang araw na magmamahal ako ng sobra to the point na kaya kung isugal ang buhay ko para sa kanya, pero yun talaga ang buhay ng tao, if you want to be happy then be ready to face the bitterness of life.
"KING!" Rinig ko lang ang sigaw ni Sam na siya namang malakas na pag bukas ng pinto.
"Pulis to! Walang kikilos!" Alam kung ligtas kana Sam at masaya na ako dun. Kung ito man ang huli kung araw na mabuhay sa mundo ay tatanggapin ko yun basta't alam kung okay at ligtas ka. Hinawakan ko naman ang mukha ng babaeng unang minahal ko at huling mamahalin ko hanggang sa kabilang buhay, pinahid ko ang luhang umaagos sa mukha niya. Nginitian ko naman siya bago nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
She's A Secret Billionaire (COMPLETED)
Teen FictionWe want to have a better life, but this girl is different. A girl who pretend to be poor but we know that she has a reason. But the question is, what is it? Can she survive her pretending thingy? Or she will give up because she can't? At the moment...