>>>Michelle's POV
Sa wakas,natapos na rin ang party na yun.
At, sadyang sa tapakan ng paa naubos ang oras namin ni Jayson Mendoza. =_______=
Pauwi na ako ngayon,sinundo ako ni papa.
Bigla ko tuloy naalala,..
*FLASHBACK----( Araw na tinulungan ni Jayson si Michelle-chapter 16)Haay nako,ano ba yang si Ma'am Asceno! Sakin pa naman ba ipabuhat lahat ng papers at notebooks ng mga sections na tinuturuan niya. -______-
Kasi,may quiz kami sa math,eh ako daw magche-check lahat! Hala! Eh kasi naperfect ko eh. Hahaha.
@__________@ Kaya eto ako ngayon,hirap na hirap at punung-puno ng pagdurusa. Hahaha,joke,drama ko na.Kaso,minsan talaga nagiging lampa ako at sinamahan pa nung nilalang na bumunggo sakin kaya ayun! Nalalaglag na yung papers at notebooks!
Yung nakabunggo sakin,hindi man lamang bumalik. Tss..
Wala eh,wala na talagang gentleman---
"Ah,....Uhm.....",sabi nung lalaki sa harapan ko. Napatingin ako sa kanya habang pinupulot ko yung mga papel. Naka-eyeglasses siya at...ayun lang ang description ko sa kanya,haha."Bakit?",sabi ko sa kanya.
Umiwas siya ng tingin sakin at sa mga kilos niya...hindi mo malaman kung ano ang gagawin,parang natatae nga e. =_____=.
"Tu...tu..lungan na...k-ki..ta.",sabi niya na pautal-utal pero kahit papaano,naintindihan ko naman.Tumango na lang ako. At tumulong na rin siya.
Naks naman,may gentleman papala? Akala ko kanina,wala na eh.
Nung natapos na niya akong tulungan,ngumiti ako sa kanya at sinabi kong,"Thanks.".
Kaso,nagblush niya kaya medyo natawa pa ako. First time ba niyang masabihan ng 'thanks'? OA ah."Your welcome..",sabi niya kaso kailangan ko na talagang umalis kaya ayun,inalisan ko na siya agad.
Pagka-uwi ko sa bahay agad kong chineck yung kalahati at infairness,wala pang bumabagsak.
Nagpahinga muna ako at kumain muna. Hahaha.
Pagbalik ko sa kwarto ko,nandoon si daddy.
"Oh daddy? Bakit?",sabi ko.
"Ano ito?!",sabi niya sabay harap sakin ng isang papel na...
HAH?! ANONG NAKALAGAY?! JAYSON <3 MICHELLE?!!!Hindi ko nga kilala yan eh! Saka,pano nagkaroon niyan sa mga papel na chine-checkan ko?!
"Ah,hindi ko po alam daddy...baka ibang Michelle yan.",sabi ko.
Kaso,mukhang hindi gaanong naconvince si daddy sa sinabi ko. May section pala!!!!
"Michelle,diba napag-usapan na natin ito? Ayoko na may manliligaw ka o magkaroon ka ng kahit na anong relasyon! Sinabi ko naman sa iyo yun ah? Kailangan ko na bang paulit-ulitin yun para maintindihan mo yun?",sabi ni papa.
BINABASA MO ANG
The Notebook of Math Genius
Teen FictionIsang normal na highschool life ng isang estudyante na mukhang hindi normal! Hahahaha! Joke lang po. Enjoy po sa pagbabasa!!! ^^