(Note: Last chapter na po ito.XD)
-----------------------------------------------------
>>>Jayson's POV
Pagkauwing-pagkauwi ko agad akong sinalubong ni mama at Janella.
May handa pa silang pagkain. Palabok,spaghetti,pansit,cake...etc.
"Jayson!!!!!",sigaw sakin ng mga kaibigan ko.
"Teka,uwian na ba?",tanong ko sa kanila. Agad naman silang lumapit sakin.
"Oo! Dumeretso kami agad dito nung sinabi samin ni Ms.Guyavanoh e!!",sabi ni Liliane.
"Ako ang may sponsor ng mga pagkain!",sabi naman ni Jake. Yaman talaga nito.
"First place!!!!!!!!!!!",sigaw sakin nina Raymond,Venn at Jericho.
"Eto na yung link sa website na sinasabi ko sayo **************.com",bulong ni Raymond.
"Walanghiya ka! Sino ba nagsabi na ibigay mo sakin yun hah!",sabi ko sabay batok sa kanya.
"Hahahaha!",tawa na lang ng tawa kami samantala si Raven naman inabutan ako ng plato.
"Ano yan? Plato lang? Lagyan mo na ng pagkain...!",tanong ko.
"Hanep ka ah. Ikaw na,porket naka 1st place ka!",sabi niya sabay hampas ng paper plate sa mukha ko.
May kumatok naman sa pintuan kaya agad ko itong binuksan.
"Ciero!!"
"Jayson!!!Congrats!! Eto brownies o!",sabi niya.
Waaahhh!
"Thank you!",sabi ko tapos dapat yayakapin ko na sana siya ng...
"Ay nako,may brownies na nga gusto mo pa ng yakap? Baka gusto mong sapakin kita e.",sabi ni Raven sabay usod sakin.
"Walang malisya yun!",sabi ko.
"Basta ikaw ang gumawa,may malisya na.",sabi niya sabay hila sa kamay ni Ciero papunta sa dining table.
"Grabe siya o!",sabi ko.
Kumuha na ako ng pagkain.
Ang sarap grabee!! Ang yaman talaga ni Jake oh!
Habang nagse-celebrate kami....
Tinitignan ko sila....
Ewan ko ba pero parang....ang lungkot ko ngayon na parang masaya rin....
Masaya kasi....kasama ko yung mga taong mahahalaga sakin at...malungkot dahil anytime...pwede na akong umalis papuntang America...
Nakakaasar!
Bakit ba bumabalik lahat ng ala-ala ko...
Parang lahat ng masasayang moments namin naaalala ko ngayon...
Nakakabwisit....na nakakaiyak....
Nagulat ako ng biglang may kamay na nagwave sa mukha ko..
"Ikaw pala Jake...",sabi ko.
"Kumain ka na Jayson...wala pang bawas yan oh....",sabi niya sabay turo sa pagkain ko.
Agad naman akong kumain...tapos pinapagtawanan niya lang ako.
"So,anong problema mo?",tanong niya sakin. Muntikan ko namang maibuga lahat ng kinain ko dahil sa tanong niya.
"H-hah?! W-wala ah...",sabi ko sabay iwas ng tingin. Hindi ba masyadong obvious na meron talaga akong problema dahil dun sa sagot ko?
BINABASA MO ANG
The Notebook of Math Genius
Подростковая литератураIsang normal na highschool life ng isang estudyante na mukhang hindi normal! Hahahaha! Joke lang po. Enjoy po sa pagbabasa!!! ^^