Chapter 1: Meet me,the math genius and my classmates

348 13 4
                                    

"JAYSON!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!",eto nanaman ang vice president namin....mangungulit at mang-aasar nanaman siya tungkol sa crush ko!!!!

Tsk! Tsk!

"Ano yun?",tanong ko sa kanya.Hindi ko siya tinignan at nagpatuloy lang sa ginagawa ko.

"Ay ang taray...meron ka ngayon noh?",sabi niya sakin.

Teka.....ako meron?!

"Anong sabi mo?! Nababaliw ka na! Di ka naturukan noh???!",ganti ko sa kanya.Pero,tumawa lang din siya.Tama ako,baliw nga.

Ako nga pala si Jayson Mendoza,15 years old at sobrang talino sa math.Syempre sa math,kung di ako sa math matalino o di sana iba ang title nitong storya na ito?Isip,isip din pag may time!

Di naman ako gwapo,madami nga akong pimples sa mukha eh...pero kung wala yung mga pimples ko sa mukha,baka nganga na ang lahat ng babae sa kagwapuhan ko...hehehe.Lalaki ako ah! Sadyang tinubuan lang ako ng pimples...haaay.

Yung kanina na tumawag sakin ay si Liliane Noverse,tulad ng sinabi ko baliw siya--ay este! vice president namin.Matalino naman siya.Top 1 nga namin yan eh.

"Oi,Jayson.Tama ba formula ko sa number 5???Oi! Sumagot ka!"

"Ay nagsasalita ka pala Raven!"

"Ay hindi,dumidilat! Mata na ginagamit sa pagsasalita ngayon!",sabi niya sakin.Siya naman si Raven Romualdo,matalino yan sa history.Top 4 namin yan.Mataray lang nga,kaya tinatawag din siya ni Lilian na 'bading'.

Chi-neck ko naman yung sagot niya at formula.Tama naman.

Isa pa sa mga kaibigan ko si Anna Jane Marisol.Top 10 namin siya at super inlove yan kay John Marcus Chen.

Isasama ko pa sa listahan ng kaibigan ko sila Raymond,Jerickson at Venn.Ayoko na sila ipakilala,baka mandiri pa kayo.Kasi,greenminded yang mga nilalang na yan.

Sus,ako nga pala Top 7.Naks,kasama sa top 10.

The Notebook of Math GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon