>>>Liliane's POV
Wow,exam na pala namin ngayon. Grabe ah,kinakabahan ata ako.
Sya nga pala,iba ang paraan namin sa pagkuha ng exam. Papaano naging iba?
Kasi ganto yun:
Sa isang section,hindi magkakasama ang mga magkakaklase kapag nagte-take ng exam. Pwedeng tatlo o kaya naman,mag-isa ka lang sa classroom na naka-assign sayo.Oh diba? Paraan siguro nila yan para walang magkopyahan.
Gets niyo ba? Kung hindi,basahin niyo ulit. Kung ayaw niyo nang basahin ulit,oh di ituloy niyo na lang ang pagbabasa. Okay?
So,nasa room 205 ako.Kaso,....
...BAKIT KASAMA KO SA ROOM SI RAVEN?!!! (T^T #) Hmmph!!!
"Oi,Liliane!",sigaw niya sakin. Syempre,di ako lumingon nang mapahiya siya sa kasisigaw! Hahahah! Joke lang,di naman ako kasing sama ng ibang tao noh.
"Anong kelangan mo?",tanong ko sa kanya,lumapit pa ako sa upuan niya ah.
"Hanapin mo nga yung english student teacher natin...",sabi niya. Aba,ginawa pa akong utusan ah.
"Mag-uutos ka lang pala,tinawag mo pa ako. Tsss...ayoko nga!",sabi ko sa kanya.Imbis na nagrereview ako,uutusan pa ako.
"Nakakaasar ka!",sigaw niya sakin.
Di ko na lang sya pinansin,wala ako sa mood eh. Mas focus ako ngayon sa exam.
Siguro,type nitong si Raven yung english student teacher namin. Wahahaha! Alam na!
>>>Jayson's POV
Haay...dahil nga sa mabilis ang oras,last day nanamin sa exam ngayon. Kapagod,buti na lang at math ang huling subject na i-e-exam namin. Syempre,madali lang yun para sakin,math genius nga ako diba?
(-.- )zzZZ...
(-.- )zzZZZ....
Ano bayan!Bakit may natutulog dito? Tapos humihilik pa! Di manlamang sinasaway ng proctor namin! Palibhasa gurang na! Tss...
(Konsensya ko: Ansama mo,tinatawag mong 'gurang' yung teacher.)
Aba,babanatan ko talaga tong konsensya ko eh. Di ba niya alam na badtrip ako?!
Bakit ba kasi,di ko pa nakikita si Michelle??? Wala tuloy akong energy.Haay!
(Konsensya ko: Bakit? Kelangan ba niyang magpakita sayo araw-araw? Tss... Makalayas na nga!)
Kahit kelan talaga,antaray-taray nitong konsensya ko. Dinadaig pa niya si Raven.
*UWIAN*
*O* Wow!
Si Michelle ba 'tong nakikita ko????
Oo! Siya nga! Bagay pala sa kanya ang naka-eyeglasses! Ang cute niya! Match na match na kami! hahahaha!
Pano kami naging match? Simple lang,may eyeglasses din kasi ako. Hahaha! Parang yun lang,match na kami agad? Hahaha!
*may nabunggo si Jayson*
"Sorry!",sabi ko dun sa nabunggo ko.
"Okay lang",sabi nung babaeng nabunggo ko at di kagandahan ang itsura at NAKA-EYEGLASSES din?!
Binabawi ko na ang sinabi ko,ngayon: DI LAHAT NG NAKASALAMIN MATCH. Okay?
Basta! Ang cute talaga ni Michelle! Ako? Cute din!
(Konsensya ko: Cute? Ikaw? Nako! Nangangarap ka nanaman...)
Nandito ka nanaman konsensya ko?!! Layas! uwi!
(Konsensya ko: Ok fine,lumayas ka na rin.)
Okay. Makauwi na nga! Sya nga pala,simula na ng sembreak namin. Oh yeah!
=============================================================================
Author's Epal Message:
Masanay na po kayo sa pang-eepal ko,wahahaa! XDDD Okay. Wala naman talaga akong sasabihin eh,hahaha! Kaya nga 'epal message' diba?
Pero minsan,yung ibang message,may katuturan naman kahit papaano.
BINABASA MO ANG
The Notebook of Math Genius
Teen FictionIsang normal na highschool life ng isang estudyante na mukhang hindi normal! Hahahaha! Joke lang po. Enjoy po sa pagbabasa!!! ^^