Chapter 15: A New Friend???

49 6 0
                                    

>>>Jayson's POV

Recess namin ngayon kaya nagkakagulo nanaman ang mga kaklase ko,siguro naman sanay na kayo?

Napatingin ako kay Ciero,wow,ang ganda pa rin nya...mas lalo pa syang gumanda!

Pero kay Michelle na lang ako. Hahaha.

Kinuha ko na lang yung baon ko at pagkakita ko sa harapan ko,

"C-ciero? A-anongg... ka-kailangan m-mo?",sabi ko. Si Ciero kasi! Bigla na lang nagpunta sa harapan ko!

"Wahaha! Long time no see Jayson! Namiss kita!",sabi niya sakin.

0.0

Ano daw? namiss nya ako? Weh? Namiss nya ako?Bakit walang hug? Joke.

"OA mo! Hahaha! Ang astig nang timing noh? Naging kaklase pa kita!",sabi ko sa kanya.

"Oo nga eh! Pero atleast di ako maa-out of place. (   ^-^)*",sabi niya.

"Maa-out of place? Di noh! Ang ingay kaya ng mga kaklase ko! Imposible na ma-out of place ka!",sabi ko sa kanya.

Syempre,humarap agad samin si Liliane,and dakilang chismosa. Peace.

"Jayson... sya ba si Ciero?",sabi ni Liliane sabay ngisi.

"Hah? Oo naman! Kung magsalita ka,parang di ka nakinig kay Ma'am ah...",sabi ko sa kanya. Bigla namang tumawa si Ciero.

"Nabadtrip lang ako kay---",bigla naman syang tumigil at napatingin sa may pintuan.

"Sakin?",sabi ni Jake Asterham.

Teka,ibig sabihin ba nito ay.... magkakilala talaga sila?

0.0 Anooo?

"Tss...",sabi ni Liliane. Wow ah,parang first time kong makita na ganito ang mukha ni Liliane yung parang naaasar na kinakabahan. Basta parang ganun.

"Eto,french fries,alam ko gusto mo 'to..",sabi ni Jake kay Liliane.

Hinablot naman ito ni Liliane sabay sabi ng,"Thanks".

"Penge!",sabi ko,sabay kuha ng dalawa.

"Liliane,thanks",sabi ko. Tapos tumango sya.

"Paupo ah?",sabi ni Jake sabay turo sa upuan ni Raven. Lumabas kasi si Raven nag-cr ata,eh magkatabi sila ni Liliane.

"Geh.",sabi ni Liliane.

"Anong pangalan mo?",sabi niya sakin sabay hablot sa ID ko. Para san pa ang pagtanong niya? =______=

"Ah... Jayson Mendoza? Nice to meet you.",sabi niya sakin.

Tumango lang ako. Tapos,nginitian nya ako. Hindi ko alam kung bakit pero,parang kinabahan ako sa ngiti nyang yun.

Nagbell na kaya nagkagulo nanaman ang mga kaklase ko sa pagbalik sa upuan nila.

Bumalik na rin si Raven.

"Oi kutong lupa,lumayas ka dyan sa upuan ko.",sabi niya kay Jake Asterham.

Tiningnan ko si Liliane pero,bakit napangiti sya?

"Kutong lupa? Wag mo nga akong tawagin sa kung anu-anong pangalan di tayo magkaibigan. Parang nakiupo lang sa upuan mo eh...akala mo inagawan ka ng kung ano. Tss.",sabi niya.Wow,parang litanya lang ni Liliane to ah.

The Notebook of Math GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon