Chapter 12: Song Fest (Part 2)

54 7 0
                                    

>>>Jayson's POV

Nagdaan ang November at December na ngayon,oh diba? ambilis noh?

Kasalukuyan kaming nagpa-practice para sa Song Feast. Tapos,may video pa kami kay Ma'am. XDDD

Wah!Bukas na pala yung contest!Kinakabahan tuloy ako... ~.~

Tiningnan ko si Liliane,naks naman,may talent sa pagsayaw ah. Pero hindi naman yung todo bigay na klase ng pagsayaw ang ginagawa niya,yung sakto lang.

Si Kyle,ayun feel na feel,dinadaig pa yung mga babae sa pagsayaw.

Si Anna Jane naman,tawa ng tawa. Bakit siya tawa ng tawa? si Jerickson kasi,wala sa beat yung sayaw tapos emotionless pa mukha niya! Ah basta,nakakatawa talaga!

Si Raven naman...bwahahaha!!! XD nakakatawa sumayaw! parang kawayan eh! hahahaha!

(Konsensya ko: Ang kapal din ng mukha mo noh. Parang ang galing mong sumayaw ah,pero parang kawayan ka din naman.)

Nandito ka nanaman?! Di ka ba nagsasawa na lait-laitin ako! *pang soap opera ang acting*

(Konsensya ko: Ang arte nito,akala mo naman pinatay ko si Michelle. Mag-practice ka na lang nga!)

Ok fine.

Kelangan ko talagang magpractice noh. Ayokong mapahiya kay Michelle,kahit di niya ako kilala. Hahaha!

"Class,eto na ba ang best niyo? Yung iba parang di parin alam ang steps! Galingan niyo naman at tandaan,always smile!,parang galit sa mundo yung iba eh!",sabi ng moderator namin. Ay,kilala ko yung sinasabi ni Ma'am na galit sa mundo,si Raven! sino pa ba? Wahahah!

After ng ilang minuto,ay grabe,mapapaos na ata ako eh. Bakit kasi kelangan,sing and dance pa?! Ang dami talagang pakulo nitong school namin. Haay!

"Ok,break muna.",sabi ni Ma'am.

Bumalik na kami sa upuan namin at yung iba,akala mo pagod na pagod,eh onti lang naman ang steps na kelangan may kembot eh. Lalaki ako,kaya ayun,di ako gumigiling. Anlakas kaya nun makabading. -.-

Sya nga pala,may bad news ako sa inyo. Para sakin,bad news siya pero ewan ko sa inyo,baka nga matuwa pa kayo eh...-.-

Eto: KUMAKALAT NA ANG BALITA NA CRUSH KO SI MICHELLE! ~(  >0<)~ Oh no! Oh hinde!

Actually,nalaman na nga yun ng teacher namin sa Social Studies eh...ayon sa pagkakaalala ko,CLOSE SILA NI MICHELLE!

So,magflashback muna tayo.

*FLASHBACK*

Teacher: (nagche-check ng quiz papers)

Kaklase: Ma'am....(tumingin kay Jayson with evil smile)

Jayson: Wag! (pabulong)

Liliane: (napansin) bakit? anong meron???

Kaklase: Ma'am,crush daw po...(pasuspense effect)

Liliane:(nagets na ang nangyayari at pinagtawanan pa si Jayson) Wahahaha! Alam na...

Raven: (Chumi-chismis) Protomongoloid,anong nangyayari???

Liliane: (na-asar kay Raven,pero nacontrol niya ang galit niya at napag-isipan na bigyan na lang ng 'BLACKMAIL LETTER' ang lalaki) Kasi.... (sinabi ang nangyayari)

Raven: Ok.

Kaklase: Ma'am,crush daw po ni Jayson si...

Jayson: Hala! Wag kasi! (nagpapanic na)

Teacher: (napansin) Sino?

Jayson: Ma'am,wala lang yun! Kayo naman oh...

Teacher: Nahiya ka pa...

(nagtawanan yung mga estudyante)

Kaklase ko pang isa: Ma'am si Michelle! Yung nasa section ***** (umentra bigla)

Jayson: (Shock na shock,muntikan nang mabaliw,joke) HALA!!!!! (0o0)

Teacher: Talaga?

(sumang-ayon ang mga kaklase ni Jayson)

*END OF FLASHBACK*

Okay...medyo magfastforward na tayo,para wala nang kung anu-anong ka-echosan pa.

~Nadarama ko na ang lamig ng hangin

Naririnig ko na,maliliit na tinig

May dalang tansang pinagsama-sama ginawang tambourine~

Wag niyong sabihin na di niyo alam kung ano ang ginagawa namin,kung di niyo alam,ngumangawa lang naman kami...bwah..bwahahaha! kung naniniwala kayo,uto-uto kayo na naloloko ng isang tulad ko. Hahahaha! XD

Syempre,kumakanta kami!Ngayon na kasi yung Song Feast kaya kinakabahan ako,yung iba wala lang...pero,nakaka-kaba talaga!

Sabi naman sakin ni Liliane,imposible daw na manalo kami. Anu bayan,minsan talaga ang negative thinker nitong babaeng 'to. Dapat palaging positive,POSITVE SA BUHAY AH! baka mamaya akala nyo,positive sa pagiging drug addict. Joke. XDDD

At syempre,darating ang araw na ia-announce na ang 8 sections na pasok sa finals...at ngayon na ang araw na yun.

"And our 8 sections are....blah,blah,blah,blah....etc.",sabi nung emcee.

Wala,...

Di kami nakapasok....

Nakakalungkot...:((((((

Pero,sa kalagitnaan ng pagdadrama namin,may isa pa naman akong kaklase na nagsabi ng,"Ano?Nakapasok ba tayo?",shunga lang? wala naman siyang narinig na binanggit na section namin ah...Tss.

Yung iba naman,nakitanong din..kunya-kunyarian na hindi narinig ang trip ah.

Dahil sa nag-iingay na ang mga classmate ko,sumigaw na si Chrisna.Wala kasing teachers,nasa may stage sila.

"Wala! Hindi tayo nakapasok sa finals...kaya,magsitahimik na kayo!",sigaw niya.

Agad namang tumahimik ang mga kaklase ko...siguro,nalungkot din sila. Ako din naman nalungkot...

Kung ganun,tama ang sabi sakin ni Liliane? Wow ah,kanina pa siya nagpepredict ng mangyayari ah...wow! Syempre,tiningnan ko ang expression ng mukha niya...ayun,emotionless...pero kung tititigan mo,mapapansin mo na malungkot din siya. Sabagay,kahit naman sino,nagiging malungkot kapag natatalo diba? Basta kelangan,di mo ito dibdibin masyado at i-accept na lang.

Wow! Simula kelan pa ako naging matalinhaga magsalita???

Kahit na natalo kami,wag ka,highest ako sa math exam namin...hehehe. PERFECT lang naman ang score ko. HA-HA-HA!

(Konsensya ko: Ang yabang nito,sa math lang naman magaling)

Nandito ka nanaman?! Teka,matalino din naman ako sa english at science noh! Tss...

Author! Tapusin mo na nga ang chapter na ito ng manahimik na ang konsensya ko! Ang daldal eh.

(Author: Okieee...)

=============================================================

Author's Message:

thanks sa mga nagko-comment,nagvo-vote,at bumabasa ng story ko!!! ^0^ Wahahahaa! Sya nga pala...wala pa tayo sa kalagitnaan ng story.

Sya nga po pala, ang full name po ni Michelle ay ,"MICHELLE ATTOM".

Nagkamali po ako ng type dati eh.... SOWIII!!!!!

XDDD

The Notebook of Math GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon