Chapter 9: Roses

71 9 2
                                    

>>>Jayson's POV

Umagang-umaga,nagkakagulo nanaman ang mga kaklase ko,kaya wag na kayong magtaka,palaging ganyan ang bungad ng bawat chapter sa inyo.

*lumingon ako sa bintana*

*O* Nakita ko nanaman si Michelle! Pigilan niyo ko! Kinikilig ako,kinikilig ako!!! Hahaha XD

"Hanggang silay ka na lang ba?",biglang tanong sakin ni Kyle. Actually,alam na nila,nila as in LAHAT NG CLASSMATE KO!!!!

Una kasi,sinabi ko kay Liliane na pinayagan kong sabihin niya kay Raven,na na-overheard nila Jerickson,Venn at Raymond (mga abnormal kong bespren) tapos pinagsigawan nila sa BUONG CLASSROOM!!!!

Kaasar talaga. Tss....

Pero,hanggang silay na lang nga ba ako? Ayoko nga!

"Ayoko,gusto kong maglevel-up pa ang relasyon namin.",sabi ko kay Kyle.

"Maglevel-up? Eh hindi ka pa ata niya kilala eh! Hahahaha!",sabi naman ni Anna Jane. Tapos nun,tumawa na rin si Kyle. Sige pa,pagtawanan niyo ako nang kaluluwa niyo ang ilevel-up ko sa kabilang buhay . =___________=

"Bakit? Pwede naman yun ah?",sabi ko sa kanila. Kaso,nakita ko naman na pumasok si Liliane,nako po! madadagdagan pa ang mang-aasar sakin!

"Bigyan mo siya ng rose",seryosong sabi ni Liliane. Wow ah,eto ba ang nangyayari sa kanya kapag papalapit na ang exam? Nagiging serious?

Pero,tama siya! Bibigyan ko nga si Michelle ng rose....hehehe.

"San ba ako makakabili?",tanong ko sa kanila. Panandalian silang nanahimik,pati sila naging serious na din???!!!

"Samahan na lang kita mamayang uwian,friday naman ngayon eh.",sabi sakin ni Kyle.

"Sige!",sabi ko sa kanya.

*UWIAN*

Uwian na!

"Kyle-----",tatawagin ko na sana si Kyle kaso,bakit kasama si Venn?!!!

"Sasama ako!",sabi ni Venn.

Wala akong nagawa,kaya nagpunta na lang kami sa flowershop. Habang namimili kami...

"What's the issue?",sabi nung somewhat gay naming teacher.Tss...wahahaha!!!

"Wala naman po,Sir.",sabi ni Kyle.

Pagkatapos nun, umalis na si Sir. at bigla kaming nagtawanan. Sabihin na natin na nakakatawa talaga ang itsura at boses ni Sir kaya ganun. Pero wag ka,mabait yan kaya isa sya sa favorite teacher ko. Hahaha!

Nagdaan ang Saturday at Sunday....Monday na ngayon.

"Oh, nasaan yung roses ni Michelle?",tanong sakin ni Liliane.

Sa kasamaang palad,

"Nalanta eh...",sabi ko sa kanya. Kaso,imbis na maawa siya sakin,pinagtawanan pa niya ako!

Sinabi pa niya yun kila Anna Jane at Raven kaya ayun,pinapagtawan nila ako.

Abnormal talaga 'tong mga kaibigan kong 'to.

Tsss....pero kahit na ganun,totoo naman sila kaso...

NALANTA PARIN YUNG ROSES!!!! Q~Q

============================================================================

Author's Epal Message:

At muli,kawawa nanaman si Jayson! Actually,ganyan talaga yung nangyari sa totoong Jayson. Totoong Jayson dahil di naman "Jayson" ang totoo niyang pangalan. Ah basta! Yun na yun!

Thanks sa bumasa at nagvote! ^^

The Notebook of Math GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon