Chapter 13: Christmas Gifts

46 7 0
                                    

>>>Jayson's POV

Woah yeah!!!!

Ilang araw na lang pasko na!!!! Hoaaah!!!

Kasalukuyan akong papunta sa simbahan...ipapagdasal ko na sana...PANSININ NA AKO NI MICHELLE. Syempre joke lang,ansama ko namang tao pag yun ang ginawa kong dahilan sa pagsisimba noh. Saka,di pa nga alam ni Michelle na crush ko siya eh...pano niya ako papansinin??? =________=

Naglalakad ako sa plaza,pagkatawid kasi dun,simbahan na.

"Arf! Arf!",kahol sakin nung aso na...na....na....

PAPATAKBO SAKIN?!!!! At eto pa...MUKHANG KAKAGATIN NIYA AKO!!!!

Syempre natakot ako,sino bang di matatakot sa asong ganto? Okay,isa syang german sheperd na maituturing kong gwapo na aso (wow ah,...meron palang gwapo na aso?)..p-pero...nakakatakot talaga!

Lumalapit siya sakin.

Lalayo ako ng onti.

Lapit ulit.

Layo nanaman.

Ano kami naglalaro?! Nakita ko yung collar nung aso...may tali yun at feeling ko nakatakas lang ang aso na 'to sa amo niya.

Wah! Lumalapit nanaman siya...

"COBBY!",sigaw ni..... LILIANE?!!!

Agad namang lumapit yung aso kay Liliane,kung ganun...siya pala ang amo nitong aso na ito?!!!

"Oi Liliane! Sayo yang aso na yan???",tanong ko sa kanya nung nakita ko na hawak na niya yung tali. Safe na ako. hahaha

"Oo,sya nga pala...anong ginagawa mo dito?",tanong niya sakin.

"Magsisimba ako eh,...",sabi ko.

"Ah...teka lang. May ibibigay ako sayo,...",sabi niya sabay takbo sa kung saang lugar kasama yung aso niya.

Nagpalingon-lingon muna ako...pagkakita ko sa may kabilang kalsada..may lalaki na nakatingin sa akin??? Sa akin nga ba???

Hindi! Kay Liliane siya nakatingi eh...oo! Kay Liliane nga!

Ka-age lang ata namin yung lalaki eh...okay..ide-describe ko yung lalaki.Siya ay medyo gwapo,pero mas gwapo ako. Joke,mas gwapo siya sakin. Nakablack na coat tapos...may kotse sa likod niya.

Baka naman killer siya! Oh hinde!

(Konsensya ko: Siya pa ang killer? Hellooo,sa inyong dalawa mas mukha ka pang killer sa kanya noh!)

Echosero kang konsensya ka!

Tapos,nakita ko na bumalik na si Liliane may dalang...paperbag???

"Eto oh! Advance Merry Christmas!",sabi niya sakin sabay abot nung paperbag na hawak niya. Kinuha ko yun,syempre alangan namang ibalik ko. =.=

"Thanks. Sya nga pala,...tingnan mo--hala!",sayang! sasabihin ko pa naman kay Liliane yung lalaki na nakatingin sa kanya pero...biglang sumakay ng kotse yung lalaki at umalis na.

"Bakit?",tanong sakin ni Liliane.

"Ah wala... Bubuksan ko na ba 'to?",tanong ko sa kanya habang unti-unting inaalis ang scatch tape sa paper bag. Hehehe.

"Ay hindi,isara mo ulit tapos ibalik mo sakin.",nagets ko naman agad ang pamimilosopo niya.=________=

Syempre binuksan ko naman agad.Hehehe...di naman halata na excited ako noh??? Hahaha.

0.0

0o0

"Ano 'to???!!!!! Notebook?! tapos...wax sa buhok?! Sosyaling sabon?! Perfume na panlalaki?!",sabi ko sa kanya. Kulang na lang banyo ah...

"Ano yan? Ano pa ba o di pampagwapo set! ^^",proud niyang sabi.

"Pampagwapo? Ganun ba ako kapanget sa paningin mo? Saka..bakit may notebook???",tanong ko sa kanya.

"Tingnan mo muna yung nasa loob ng notebook...",sabi niya.

Syempre,tiningnan ko naman...

May doodle dun na ang nakalagay ay "Jayson love Michelle"

"Si Anna Jane may gawa nyan...",sabi niya sabay senyas na ilipat ko daw yung page.

Nilipat ko naman...

Wow! May message ng lahat ng classmate ko!

Naks naman...katouch!

"thank you ah!",sabi ko kay Liliane.

"Wag ka lang sakin magthank you,pinagsama-sama lang namin (mga kaibigan ni Jayson na nababanggit) ang pera namin. Tapos,ako ang bumili at ako rin ang magbibigay sayo ^-^",sabi niya.

Grabe...ganto sila ka supportive sakin???

Wow!

Kaso,naalala ko nanaman yung lalaki kanina...kelangan na tong malaman ni Liliane!

"Liliane,alam mo...kanina may lalaki,mga ka-age lang natin sya,nakatingin sayo...",sabi ko kay Liliane.

"Hayaan mo lang yun! Baka naman hindi sakin nakatingin yun..grabe ka naman!",sabi niya.

Pero...

Bakit parang...iba ang kutob ko dun???

"Ok...",sabi ko.

Nag-usap pa kami Liliane sa kung anu-anong mga bagay. Nung naalala ko na magsisimba nga pala ako,nagpaalam na ako sa kanya.

Wow ah,wala pa ngang pasko...may regalo na akong natanggap???

Oh yeah!

>>>Liliane's POV

Actually,dapat kaming mga kaibigan lang ni Jayson ang magbibigay sa kanya ng message kaso,nakita nung iba kong mga chismoso't chismosa na classmate...kaya ayun! nakisulat narin sila...=_______=

Pero,ang lalaking sinasabi ni Jayson na nakatingin sakin kanina...

Wag mong sabihin na...

SIYA yun???

======================================================================

Author's Message:

Wahahaha! May bagong characters sa next chapter...at eto pa! after 1 or 2 chapter...may nakakaloka(para sakin,ewan ko sa inyo kung nakakaloka yun) na magaganap!

Kaloka.

Nakakaloka na talaga!

San ba mental hospital?

Paki turo nga ang daan... o mag go-google map na lang ako?

Joke lang.

The Notebook of Math GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon